IV Makataruok

239 13 6
                                    

Synthesis




IV



Makataruok


Ilang dekada na ang lumipas simula nang bumuo ang aming mga ninuno dito sa La Dierna ng isang kasunduan. Ang sinasabing kasunduan ay nagsilbing proteksyon ng bawat miyembro ng kanilang nasasakupan. Simula nang ipatupad iyon ay naging tahimik at payapa na ang pamumuhay ng lahat ng naninirahan sa aming lugar.


     Wala nang gulong nabubuo sa pagitan ng dalawang angkan. Hindi na sila nag-aagawan ng teritoryo. Natuto silang magbigayan sa lahat ng bagay at naging matiwasay ang pakikipaghalubilo ng bawat isa. Pero higit sa lahat, kung noon ay halos mag-ubusan na sila ng lahi, ngayon wala nang patayang nagaganap.


     Nagpatuloy ang mapayapang pamumuhay ng bawat isa hanggang sa tuluyan nang maglaho ang tensyong dati ay mararamdaman na kahit ilang kilometro pa ang layo nila sa isa't isa.


Naging magkaibigan ang lahat, mapa-bata man o matatanda. Hindi na ipinagbabawal ang pag-iibigan ng dalawang taong magkasalungat ang antas at pananaw sa buhay. Hindi na hinahadlangan ang sinuman na umibig at ibigin ang tunay nilang minamahal. Pantay-pantay na kasi ang naging turingan mapa-mayaman o mahirap.


Ngunit isang pangyayari ang nagpabago ng lahat sa isang iglap. Nawala ang kapayapaang matagal na panahon ding tinamasa ng bawat isa. Isang pangyayari kasi ang nagpawasak sa kasunduan kaya nawalan iyon ng bisa at biglang binaon sa limot.


Tandang-tanda ko pa kung paano nagbago ang lahat. Ilang taon man ang lumipas, sariwa pa rin sa aking alaala ang nakaraan na parang kahapon lang iyon nangyari. Nakasunod pa rin sa amin magpahanggang ngayon ang anino ng nakaraan. Nagmumulto. Nagpapaalala sa mga maling nagawa namin noon.


     Kung sana'y mapagpatawad lamang ang bawat isa, hindi na sana nagtagal pa ang gulong nag-umpisa lamang sa isang babae.





Kakapasok ko lang sa sarili kong silid upang matulog nang marinig kong dumating ang sasakyan ni kuya Fidel mula sa labas ng bahay.


"Kuya!" Pasigaw niyang tawag sa kuya namin nang makapasok na. Nagmadali naman akong tumungo sa unang palapag sa pag-aalalang baka napano siya.


"Fidel, ano'ng problema mo? Ba't ka nagsisisigaw?" Kalmadong tanong sa kaniya ni kuya Ferdie na natigilan mula sa panonood ng telebisyon.


"Mag-impake kayo kuya bilis!" Natataranta niyang utos habang patakbong pumasok sa loob ng silid nito.


Biglang bumakas sa mukha ni kuya Ferdie ang pagtataka habang sinusundan niya ng tingin ang aming kapatid. "Ano? Bakit?"


"Saka na'ko magpapaliwanag, basta sundin niyo na lang muna ako!" Pasigaw niyang sagot mula sa loob ng kaniyang kwarto. "Wala nang oras. Paparating na sila kaya kailangan na nating makaalis agad!" Lumabas siya mula roon bitbit ang dalawang malaking bag sa magkabilang-kamay.


"Ano'ng paparating na? Sinong sila?" Nababahala nang tanong ni kuya Ferdie na kumukuha na rin ng mga damit. Ako nama'y tumalima rin at mabilis na nag-impake ng ilang mahahalagang gamit.


"Bilisan na lang muna natin! Kailangan nating mapuntahan ngayon si Felix." Lumabas na siya ng bahay at kinarga sa likod ng kotse ang aming mga bagahe.


SynthesisWhere stories live. Discover now