III:03 Waiting Shed

237 13 0
                                    

Synthesis




III:03



Waiting Shed
Darating kang bitbit ang bagong bukas
Kasama ang iyong
Bawat haplos
Bawat yapos
Ay dulot ng itinakdang pagsasama
Tayo'y magkikita
Di na baleng sabihin nilang
Mayroon kang iba
Kaligayahang minimithi ay darating din kung ating hiling
Walang pagod
Walang sukuan sa pagibig na tinago noon pa


Jade's PoV


"Nanay, meron ba tayong Chuckie diyan sa isang ref?" Tanong ko kay nanay Gina, chef cook namin, na kakapasok lang dito sa kusina habang binubuksan ko ang isang ref upang halungkatin ang loob no'n.


"Ba't ka naghahanap no'n eh ayaw mo naman ng mga ganoong inumin." Kapanahunan pa nina lolo at lola nagsimulang maglingkod si 'nay Gina sa amin ayon kay mommy, kaya alam na alam na niya ang mga gusto at hindi gustong kainin ng bawat miyembro ng pamilya Howell.


Dismayado kong isinara ang pinto ng ref nang wala akong mahagilap na Chuckie sa loob. "May bisita po kasi ako at 'yon ang gusto niyang inumin."


"Bata?" Tukoy nito sa sinabi kong bisita.


"Hindi po." Iling kong sagot.


"Ah, isip-bata?" Nakangisi nitong tanong ulit.


Napangiti rin ako. "Parang gano'n na nga po, 'nay."


Tuluyan na kaming natawa dahil sa sagot ko.


"Teka, meron yata si Paul dito." Tumigil ito sa ginagawang pagtatalop ng mga patatas upang buksan ang isang ref na nasa may bandang tabi naman nito. "O ayan. Ako na ang bahalang magsabi sa kuya mo kung saan napunta ang Chuckie niya. Alam mo naman 'yon, isip-bata rin."


Pinulot ko mula sa counter ang inumin. "Thanks po, nanay." Nagmamadali na rin akong bumalik sa sala matapos kong pasalamatan si nanay Gina para sa Chuckie na pagmamay-ari ni kuya Paul.


Papalitan ko na lang 'to later. Dadamihan ko rin ang aking bibilhin para kay Althea kung sakaling pumunta siya ulit dito.


Namataan ko itong inililibot ang paningin sa paligid ng aming sala habang naglalakad ako pabalik doon. Curious na curious din ang mukha nito while ginagawa iyon kaya nagmukha siyang cute sa paningin ko. Nakaramdam ako ng init sa aking puso sa hindi ko maipaliwanang na dahilan pero hindi ko na lang 'yon binigyang pansin.


"Here's your drink." Sabi ko sabay abot ng Chuckie sa kaniya.


Ngunit muntik na akong tumawa sa naging reaksyon nito. Nagulat kasi siya at nanlalaki ang mga matang napatingin sa akin.


"Ano ka ba naman, Jade? Muntik na akong himatayin." Sabi nito na hinihimas ang kaliwang dibdib para pakalmahin ang sarili.


"Ano ba kasing tinitingnan mo?" Nakangiti kong tanong dito.


Nagkibit-balikat ito. "Wala. Nagandahan lang ako sa mga paintings. Saan niyo ba binili ang mga 'yan?" Tanong niya sabay tusok ng straw sa Chuckie at uminom.


Napatingin din ako sa mga naka-hilerang mga paintings na nakasabit sa dingding ng aming bahay. "Hindi pa ako ipinapanganak nakasabit na ang mga 'yan diyan, kaya hindi ko alam kung saan-saan nabili nina lolo't lola ang mga paintings." Sagot ko sa kaniya. Mahilig kasi sa mga ganyan ang lola ko kaya kapag nakakakita siya ng mga nagugustuhang painting sa mga lugar na pinupuntahan nila noon ay agad na binibili ni lolo iyon para sa kaniya.


SynthesisWhere stories live. Discover now