III:05 Waiting Shed

245 14 1
                                    

Synthesis




III:05



Waiting Shed
Darating kang bitbit ang bagong bukas
Kasama ang init ng bawat araw
Bawat haplos
Bawat yapos
Ay dulot ng paniniwala
Na ang bathala
Pumipihit pumipihit ng oras
Pumipihit pumipihit ng oras
Pumipihit pumipihit ng oras
Pumipihit pumipihit ng oras


Jade's PoV


Habang namimili ng mga dog food dito sa aking kinatatayuan ay pa-simple kong pinagmamasdan si Althea at ang kasama nitong mga chikiting. I don't know why pero hindi ko matanggal-tanggal ang akong mga titig sa tatlo, lalo na kay Althea.


Bigla kasing nag-iba ang tingin ko sa kaniya since nakita kong pumasok sila rito sa loob ng convenience store. Wala eh, ang cute lang niyang pagmasdan habang nag-iinteract sa mga pinsan niya. Ibang Althea ang nakita ko.


Nagkunwari akong busy sa aking pwesto at pasimpleng nakinig sa tatlo na nag-uusap. Or rather, pinipigilan ni Althea ang pinakabata nilang kasama sa pagsasalita. Base kasi sa paningin ko, madaldal ito kaya siguro gano'n.


"Ah, miss paki-una nga 'to." Nakita kong kumuha ng isang lollipop si Althea sa mga naka-display na mga candy sa harap ng cashier. "Ipapakain ko lang dito para tumahimik na." Nakangiwing dugtong nito sa sinabi.


Nang matapos i-scan ang candy ay agad binalatan ni Althea iyon at isinubo sa pinakamaliit niyang pinsan.


Effective naman. Awtomatikong natahimik ang pinsan niya. Ngunit muntik na akong tumawa sa nasaksihan ko. In her desperate attempt kasi, napilitan itong bumili ng pagkaing sabi niya ay bawal kainin ng dalawa niyang pinsan.


Napailing ako ng bahagya habang patuloy na naghahanap ng pagkain para sa puppy na iniwan ko na sa mga guards ng subdivision namin. Ayaw ko sanang gawin 'yon pero no choice ako. Bawal talaga kasi si mama sa mga mabalahibong bagay. Baka kung mapano pa ito. Nakakaawa nga kanina ang mukha ni Cutie when I left her sa guardhouse eh, parang malungkot din ito at parang alam na rin niyang iiwan ko na siya sa pangangalaga ng mga guards forever.


Nami-miss ko na nga ito kaagad eh. I decided to just pick up three different brands of dog food at nagpunta na sa likuran nina Althea. Hindi pa kasi sila tapos sa pagbabayad ng kanilang mga binili.


"Ate Cha, ayoko na nito." Nakita kong iniluwa ng pinsan ni Althea ang kinakaing lollipop saka inabot iyon sa kaniya. Parang wala naman sa sariling tinanggap iyon ni Althea. Huli na nang ma-realize nito kung ano ang binigay sa kaniya ng bata.


"Yuck, Cookie." Itinapon nito sa kalapit na basurahan ang hindi naubos na lollipop saka ipinahid ang palad sa suot nitong maong. Kung makapag-yuck naman ito, akala mo hindi rin nakakadiri 'yong ginawa niyang pagpahid ng kamay sa kaniyang suot.


"Ma'am here's your card po." Ibinalik ng lalaking nasa cashier ang card ni Althea sabay abot ng isang supot na may laman ng mga pinamili nila. Tapos ay humarap na sila sa akin.


"Sige Jade, una na kami ha." Namumula ang mga pisnging paalam nito sa akin. Napangiti ulit ako dahil sa sobrang pagka-cute ni Althea. Jeez! Ba't ko ba laging sinasabi 'yon sa aking isip?


"Sige," patango kong sabi, "ingat kayo." Dagdag ko saka nginitian ang mga batang kasama nito.


Nag-wave naman sila sa akin bago tuluyang lumabas ng store.


SynthesisWhere stories live. Discover now