V:01 Memo

279 19 5
                                    

Synthesis




V:01



Memo
It's never too late for a dreamer,
Never too old for the brave
Everyone falls to be wiser,
Everyone has a grave
Many questions left unanswered,
Waiting for time to fade away
Hinding in the shadows
So noone sees the pain


Jade's PoV


Tulala kong tinitigan ang upuan ng taong kanina ko pa gustong makita, ngunit magtatapos na ang klase ko para sa oras na ito ay wala pa rin siya.


     Ano na naman kaya ang nangyari kay Althea? Tanong ko sa isipan.


     Alangan naman kasing i-voice out ko 'yon eh 'di narinig ako ng mga estudyante ko. May pagka-tsismosa pa naman ang mga babaeng students sa school na 'to.


     And why do I feel irritated na um-absent siya ng walang pasabi?


     Jeeze! What's wrong with me? Umiling ako at humugot ng malalim na buntunghininga. Tapos ay nagligpit na ako ng gamit dahil malapit nang mag-ring ang bell for this hour's class dismissal.


     Ilang segundo nga, nagsitayuan na ang mga estudyante ko nang marinig iyon at isa-isang ipinasa ang answer sheets sa long test na ibinigay ko bago nag-unahan ang mga ito sa paglabas ng classroom. Pagtayo ko ay nahagip ng aking paningin ang mga kaibigan ni Althea. Magtatanong na sana ako sa mga ito kung nasaan ang kaibigan nila nang bigla akong matigilan. Baka kasi kung ano'ng isipin nila kaya hindi ko na lang itinuloy ang balak.


     At isa pa, bakit ko ba hinahanap-hanap si Althea? Hindi ko naman siya girlfriend— not that I wanted to, curious lang ako kung nasaan siya sa mga oras na 'to. Baka lang kasi alam nila?


     Yeah, that's it. Wala nang ibang reason. Kumbinsi ko sa sarili.







     Inikutan ko ng mga mata ang taong pa-simpleng sumabay sa akin habang naglalakad patungo sa sasakyan kong nasa parking lot ng university.


     "Lakas ng loob natin ngayon ah?" Mahinang saad ko habang diretsong nakatingin sa aming dinadaanan. Alam kong narinig niya iyon dahil nakita ko sa aking peripheral vision na ngumiti ito.


     Pero dahil naiinis ako sa kaniya sa pag-absent kanina without giving me a reason ay hindi ko ito tinapunan ng tingin. Hmp! Akala mo ha.


     "Akin na 'yang mga dala mo." Sabi nito ng hindi rin tumitingin sa akin.


     Nagpalinga-linga muna ako sa paligid upang tingnan kung may nakatingin sa aming gawi, at nang masigurong wala ay ibinigay ko rito ang tatlong malalaki't may kabigatang mga librong yakap-yakap ko.


     "Ouch!"


     "Ay, sorry!" Napalakas kasi ang pagkakabigay ko ng mga iyon sa kaniya at natamaan siya sa sikmura dahil hinihimas na niya iyon. "Ba't absent ka kanina?" Tanong ko habang patuloy kaming naglalakad. Ngunit nang marating na namin ang kotse ko ay saka lamang ito sumagot.


     "Ah, eh, na-late kasi ako ng gising." Nakangiwi nitong paliwanag. "Love, baka naman pwede na kitang yayaing lumabas?" Tanong niya habang binubuksan ko ang pintuan sa may likod. Diyan ko kasi nilalagay ang mga gamit ko sa school.


     Hinarap ko ito at tinaasan ng isang kilay. "What makes you think na pwede na?" Nakapamewang kong tanong.


     "Dahil single ka na?" Agad na sagot nito na parang hindi sigurado.


SynthesisWhere stories live. Discover now