I:03 Country Tree

268 14 2
                                    

Synthesis




I:03



Country Tree
Shuffled lives selling everything they find
Truth and lies bought to hide the lines
Hoping it would soon disappear
Out of sight, we really do not mind


Althea's PoV


Four thirty pa lang ng hapon pero nandito na ako sa loob ng aking kotse at inaabangan ang paglabas ng taong kanina ko pa gustong makita. Thirty minutes din akong maaga kaysa nakasanayan kong gawin dahil maagang natapos ang last subject ko ngayong araw. Nagmamadali kasing makauwi ang teacher namin kanina dahil may emergency raw sa kanila. Pero tingin ko, may date 'yon at ayaw lang ma-late sa pupuntahan. Palibhasa kasi, wala na sa kalendaryo ang edad kaya takot tumanda ng mag-isa.


     'Di niya kasi ako ginaya eh. Twenty two years old pa lang ako ngayon pero nakita ko na ang magiging ina ng aking mga magiging anak. Napangiti ako nang maisip si Jade. Bakit kasi kung kailan tumanda si Mr. Napag-iwanan, saka pa lang ito naghanap ng makakasama sa buhay? Naku, tiyak akong mahihirapan na 'yong magkaroon ng anak balang-araw.


     Tumingin ako sa may exit ng school building na kinaroroonan ni Jade upang i-check kung nakalabas na siya. Nag-ring na kasi ang bell para sa dismissal ng mga classes for this hour. Ipinasya ko rin na dito na lang ako sa loob ng kotse maghihintay sa kaniya. Ayoko kasing madagdagan ang pagka-bwisit niya sa akin. Baka mapurnada pa ang chance kong mapasagot siya kapag lalo ko siyang kinulit.


     Pero masisisi ba niya ako kung masyado akong makulit? Pursigido lang talaga kasi akong makamit ang matamis niyang oo dahil siya lang ang tanging babaeng bumihag ng aking puso. Sa dinami-rami ng mga babaeng naka-fling ko, tanging si Jade lang ang nakapagparamdam sa akin ng kabang hindi ko ma-explain. Grabe rin kung kumabog itong puso ko sa tuwing nakakaharap ko siya at nakakausap. At kahit na matinik ako sa chicks, wala akong binatbat pagdating sa kaniya.


     Dinadaan ko na lang sa pagiging presko at mayabang kunyari para mawala ang aking kaba 'pag nag-uusap kami. At para na rin hindi niya malaman na sobra akong nininerbiyos kapag kaharap ko siya. Bukod kasi sa maaari niya akong ibagsak sa subject kung saan teacher ko siya eh takot din akong ma-basted kahit ilang beses na niyang ginawa 'yon sa'kin.


     At aaminin ko, nasasaktan ako sa tuwing nire-reject ni Jade ang pag-ibig na inaalay ko para sa kaniya ngunit hindi ako susuko. Titiyakin kong magiging akin pa rin siya one of these days dahil hindi ako titigil hangga't hindi ko siya napapasagot.


     Maya-maya pa ay nahagip na ng paningin ko si Jade na naglalakad mag-isa patungo sa may gate. Ipinagpasalamat ko rin na wala siyang kasabay palabas ngayon dahil hindi na ako mahihirapang lapitan siya. Nagmamadaling lumabas ako ng kotse at naglakad-takbo upang habulin ito.


     Nang nasa tabi na niya ako ay humugot muna ako ng malalim na buntung-hininga para may lakas ako ng loob. "Mrs. Guevarra." Kuha ko sa kaniyang atensyon. Hindi niya kasi namalayan ang paglapit ko dahil nakatuon ang kaniyang mga mata sa hawak-hawak niyang cellphone.


     Bigla itong tumigil sa paglalakad at matalim akong tinitigan. Nginitian ko naman ito ng pagkatamis-tamis ngunit inirapan niya lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad.


     "Teka love!" Mahina kong tawag. Baka kasi may makarinig sa amin kahit na hindi na masyadong matao dito sa aming dinadaanan. Hinawakan ko ang kanang braso niya para mapigilan siya sa paglalakad.


    "Ano ba!" Singhal nito. Iritang-irita na rin ang itsura niya at halos hindi na maipinta iyon habang nakatitig sa akin. "Althea, ilang beses ko ba kailangang ulit-ulitin sa'yo na tigilan mo na ako? Bakit ba ang tigas-tigas ng ulo mo?!" Galit na galit na rin ito base sa pagkakasabi niya no'n.


     Parang nawalan tuloy ako ng lakas na loob at tiwala sa sarili. Pero hinding-hindi pa rin ako susuko. "Gusto lang naman kitang makausap eh." Sabi ko sa nakikiusap na tono.


     "Ano pa ba ang kailangan mong marinig?" Sa pagkakataong ito, mahinahon na ang pagkakatanong niya sa'kin. "Althea, hindi tayo pwede. Estudyante ka at teacher mo ako. At kahit gustuhin man kitang sagutin, maraming bawal kung sakaling makipag-relasyon ako sa iyo."


     Nabuhayan ako ng loob dahil sinabi niya. "Jade, ibig sabihin sasagutin mo rin ako 'pag wala tayo sa ganitong sitwasyon?"


     Imbes na sagutin ang tanong ko ay biglang kumunot ang kaniyang noo. Nagpakawala rin ito ng marahas na hininga. "Althea, intindihin mo na lang kasi na kahit saang anggulo man tingnan, bawal maging tayo. Okay?" Hinintay niya ang sagot ko ngunit hindi ako kumibo. "Naiintindihan  mo ba ako, Althea?"


     "Hindi." Matigas kong bigkas habang tinitingnan siya ng mariin. Hindi ko kasi gusto ang kaniyang sinabi.


     "Pwes, bahala ka." Kapagkuwa'y turan nito saka tinalikuran ako. Hahabulin ko pa sana ulit ito ngunit pumasok na siya sa loob ng kotseng nakaparada ilang metro lang ang layo mula sa aking kinatatayuan.


     Kitang-kita ko rin ang ginawa niyang paghalik sa lalaking nakaupo sa driver's seat na muntik ko nang ikaiyak. Mabilis akong tumalikod at naglakad patungo sa kinaroroonan ng aking kotse. Agad ko itong pinaandar palabas ng parking lot at pinasibad palayo mula sa lugar na iyon.


----------------------------------------


Thank you for reading this story. Your votes and comments are greatly appreciated too. Stay safe everyone. 🙏🌍

SynthesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon