I:01 Country Tree

597 15 0
                                    

Synthesis




I:01



Country Tree
The night is young, we minions have to wait to fly
Throw your disguise,
We're million miles away (million miles away)
Out of sight, come alive


Althea's PoV


Maaga pa lang, nakatambay na kaming magkakaibigan dito sa parking lot ng university na pinapasukan namin. Ay teka, hindi na pala maaga dahil ten minutes na lang yata magsisimula na ang klase para sa aming first subject sa araw na 'to. Pero pinili kong 'wag na munang pumasok ng classroom. Araw-araw ko na rin ginagawa ito simula nang magbukas ang school year dahil bukod sa napaka-boring tumambay sa loob no'n, nakakabawas pa 'yon ng points sa pagiging cool at astig ko sa mata ng iba kong mga kaklase at schoolmates.


     Isa pa, pang-elementarya lang ang pagiging punctual.


     Sinasamahan din ako ng aking mga kaibigan sa pagtambay kahit sinabi kong 'wag na. Baka madamay lang kasi sila kapag pinagalitan ako ng aming guro dahil sa pagiging late palagi, pero sabi nila okay lang dahil gano'n naman daw talaga ang magkakaibigan. Nagdadamayan kapag broken-hearted ang isa. Wala rin daw iwanan basta ba may pagkain. Tsk!


     "O tsong nganga." Speaking of, bigla akong tinawag ni Batchi na bestfriend ko kaya nilingon ko ito. Nakatalikod kasi ako at busy sa pagsa-sight seeing ng mga dumadaang magagandang nilalang sa aking harapan habang prenteng nakaupo dito sa hood ng aking kotse.


     "Aray!" Hinimas ko ang noo kong tinamaan ng isang piraso ng Nova na binato niya sa akin. "Ano ba Batchi? Muntik na akong mabulag o!" Naiinis na pinulot ko iyon saka binato pabalik sa kaniya.


     "Wow grabe! Bulag kaagad? 'Di ba pwedeng magkasugat muna? Nova lang 'yan o, ang O.A mo naman." Nakatawa niyang saad habang panay ang paglamon sa hawak-hawak niyang isang malaking bag ng chips na binili ko kanina sa labas ng campus.



     "Tol, 'wag ka kasing bigla-bigla na lang nambabato. Pa'no nga naman 'pag nabulag 'yang si Althea? O 'di hindi na niya makikita si teacher ganda." Pagsakay naman ng isa ko pang kaibigang si Leo.


     "Oo nga naman mahal." Sang-ayon din ni Abby na girlfriend naman ni Batchi sabay hila sa huli upang kumuha ng chips na kinakain ng kaniyang jowa.


     "Tsk!" Palatak ko. "Ang tigas kaya ng yerong kinakain mo." Pabulong kong reklamo habang pinapahiran ng panyo ang aking noo. May dumikit kasing mga condiments doon galing sa chips at pakiramdam ko ang dumi ko na. Baka mabawasan ang pogi points ko mam'ya 'pag nakita ako ni love.


     "Hoy!" Binato niya ulit ako ng Nova. Pero buti na lang at sa t-shirt ko 'yon tumama. "Anong yero? Ang sama mo talaga sa baby ko." Nawe-weirduhan ko itong tinitigan habang hinihimas-himas niya ang hawak na chips. Samantalang 'yong girlfriend naman niya parang naiingit habang nakatingin sa kamay ni Batchi na nakahimas sa chips.


     "Para kang baliw. Isa pang bato ha, babawiin ko talaga 'yan!" Banta ko. Mabilis naman itong nagtago sa likuran ng kaniyang nobya at binilisan ang pagkain ng Nova para wala na akong babawiin.


     Mabulunan ka sana. Sambit ko sa isip.


----------------------------------------


Thank you for reading this story. Your votes and comments are greatly appreciated too. Stay safe everyone. 🙏🌍

SynthesisWhere stories live. Discover now