III:06 Waiting Shed

265 13 0
                                    

Synthesis




III:06



Waiting Shed
Sa dilim at sa liwanag
Sa dilim at sa liwanag
Sa liwanag
Sa dilim
Sa dilim at sa liwanag
Sa liwanag
Sa liwanag


Jade's PoV


Nakangiti kong pinagmasdan ang dalawang pinsan ni Althea habang tuwang-tuwa ang mga ito sa pakikipaglaro kay Cutie. Ay, Cupcake nga pala ang totoong pangalan ng puppy. Sila ang may-ari ng aso kaya binawi na lang namin ito kay manong guard. Ang puppy rin ang rason kung bakit nakita ko sila kanina sa labas ng subdivision habang may binibili sa convenience store.


Kwento ni Cassie, nawala noong isang araw ang isang anak ng kanilang alagang aso. Nakalabas daw ito ng bakod at kaya sila nandoon sa store ay dahil inuhaw si Cookie habang hinahanap nila si Cupcake.


Hinarap ko bigla si Althea nang bigla akong may maalala. "Bakit hindi mo sinabi na dito ka rin pala nakatira?" Sa pagkakaalam ko kasi, sa ibang village ito nakatira.


"Ha?" Parang naguguluhan nitong tanong sa akin habang umiinom ng Chuckie.


Nameywang ako. "Ba't hindi mo sinabi na taga-Bellerock ka rin pala? Saang street ba ang sa inyo?"


"Ah, 'yon," napakamot siya ng ulo, "sila lang nina tita ang nakatira rito, ang mama nina Cassie. Saka nakikitulog lang ako ngayon sa kanila." Paliwanag nito.


Tumaas ang isa kong kilay sa narinig. "Oh, so hindi ka lang pala talaga pasaway. Naglalayas ka rin 'pag ayaw mo sa inyong bahay."


"Uy, hindi ako gano'ng tao." Depensa nito sa sarili. "Grabe ka sa'kin love." Ngumuso pa ito habang patuloy sa pag-inom ng paborito nitong inumin. Nagmukha tuloy itong batang bugnutin.


"Tumigil ka nga! Baka marinig ka ng mga pinsan mo, kung ano pa ang isipin nila." Saway ko rito.


"Ano'ng masama roon? Doon din naman tayo papunta." Bulong niya. Pero dinig na dinig ko 'yon. Mabilis ko itong hinarap ngunit wala na siya sa kinauupuan niya.


"Bumalik ka dito, Althea!" Tinakbuhan kasi ako ng loko.


Hinabol ko ito at nagmistula kaming mga bata na naghabulan dito sa park ng subdivision namin.


"Aray! Bitaw na, love!" Hiyaw nito nang mahuli ko siya. Agad ko kasing piningot ang tenga nito habang tawang-tawa naman ako.


"Ang lakas-lakas mo kasing mang-trip eh." Saad ko.


"Hindi ako nangti-trip. Totoo kayang love kita." Madamdaming lahad nito na mariin akong tinititigan.


Nag-init naman ang aking mga pisngi dahil doon. "Tumigil ka sabi, Althea." Saway ko ulit dito.


"Bakit ba kasi ayaw mong maniwala?" Tanong nito sa akin.


"Ah basta, tigilan mo ako." Giit ko. Binitawan ko na rin siya sa tenga at tinalikuran. Naglakad ako pabalik sa park bench at umupo ulit dito.


"Gusto mo bang patunayan ko kung gaano kita kamahal?" Rinig kong sabi nito mula sa aking likuran habang nakasunod sa akin.


Tinaasan ko ulit siya ng isang kilay. "At ano'ng gagawin mo aber?"


SynthesisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon