II:01 Barcelona

240 13 0
                                    

Synthesis




II:01



Barcelona
Kalaban man ang lahat, iwan ka man ng samahan
Lumayo na ang mundo, ito'y walang kapares
Walang kapantay sa mundo nating walang sukatan
Walang humpay na ligaya
Sa inakala nating walang tama sa mundong sinungaling
Bumuo tayo ng samahang totoo't nararapat


Althea's PoV


Nag-angat ako ng ulo mula sa pagkakasalampak dito sa counter top ng mini bar sa bahay nang marinig si Batchi na nagsalita. Nahihilo kasi ako dahil sa ininom kong light beer.


     "Tsong, akala ko ba walang tulugan?"


     "H-hindi pa a-ako l-lasing Bat-chi . . ." Nauutal kong turan.


     Nakita kong ngumisi ito. "Hindi ko naman sinabing lasing ka tsong. Ang sabi ko, walang tulugan."


     "Hin-di nga a-ko la-sing, ku-kuya Germs." Giit ko.


     "Talaga ba?" Natatawa nitong tanong na parang ayaw maniwala sa sinagot ko. Bahala nga siya. Narinig ko ring nagsitawanan ang mga kaibigan kong nakaupo kaharap ko dito sa counter top.


     Mga kaibigan ko nga talaga sila. Letse!


     "Bakit baa?" Tanong ko saka isa-isa silang tiningnan. "Hin-di nga a-ako la-sing!" Singhal ko.


     "Cha, i-kwento mo na lang sa amin kung anong ginawa mo at bakit nagalit sa'yo si Ms. Tanchingco kanina?" Tanong naman ni Abby.


     Nagsalubong ang mga kilay ko. Hindi kasi ako tiyak kung maiku-kwento ko ba sa kanila ng maayos ang lahat ng hindi nabubulol. Lasing na kasi talaga ako eh, ayoko lang aminin dahil pagtatawanan na naman nila ako.


     Nag-iinuman kami ngayon dahil Friday naman at wala na kaming pasok bukas kaya sinamahan nila akong magpakalasing. Naaawa raw kasi sila sa'kin dahil nasawi na naman ulit ako sa pag-ibig. Na-mention ko kasi sa kanila na galit sa'kin si love-love.


     "Galit sa-sakin si love-love ko." Naiiyak kong saad saka sumalampak muli sa counter at pumikit ng mata. Pero agad-agad rumehistro ang magandang mukha ni Jade kaya muli akong nagmulat. "Argh!" Naiinis na kinalmot ko ang aking buhok.


     "O! Ano na naman 'yan?" Inabot ni Batchi ang mga kamay kong nakahawak sa aking mga buhok. "Tigilan mo 'yan kung ayaw mong ma-kalbo."


     Natigilan naman ako sa narinig. Ba't ko ba kasi napagdiskitahan itong mga buhok ko? Kay Jade ako may problema, hindi sa buhok.


     "Sa-sabi-hin niyo nga, a-nong gagawin ko? Ga-galit sa'kin si Jade." Pumiyok ako nang banggitin ko ang pangalan ni Jade.


     "Haynaku Althea! Paulit-ulit? I-kwento mo na lang kung ba't nagalit sa'yo si Jade." Atat na sabi ulit ni Abby.


     Suminghot ako saka nagpunas ng bibig. "A-ayun, hi-hinalikan ko."


     "Ano?!" Sabay-sabay nilang sigaw na apat.


     "Tsong! Ba't mo siya hinalikan?" Tanong ni Batchi.


     Umiling ako. "E-ewan ko."


     "Naku! Itulog mo na nga lang 'yan nang mahismasan ka." Utos sa'kin ni Abby. Lumapit din si Leo sa kinauupuan ko at inalalayan akong makatayo.


     Tapos dalawa sila ni Batchi ang naghatid sa'kin dito sa kwarto ko. Pagkalapat ng katawan ko sa kama ay nakatulog na rin kaagad ako.







     Kinaumagahan, nagising akong masakit ang ulo at nasusuka. Mabilis akong bumangon at tumakbo patungong banyo.


     Ah! Kadiri.


     Matapos kong i-flush ang aking suka ay naligo na lang ako. May pupuntahan kasi ako kasama si Batchi.


     "O, akala ko ba masakit ang ulo mo?" Agad na tanong ni mama nang makita niya akong bumababa ng hagdan.


     "Pa'no mo nalaman na masakit ang ulo ko? Manghuhula ka na rin ba ngayon ma?" Biro ko. Paano nga niya kasi nalaman eh hindi naman niya kami nakitang nag-iinuman kagabi?


     "Balik sa taas." Saad nito.


     "Ma, biro lang po!" Napatakbo ako sa tabi niya at niyakap ito. Baka kasi mabigla siya at sabihing grounded ako. "Hindi ka na mabiro. Tumatanda ka na kasi."


     "Althea, isa!" Sigaw nito.


     "Joke lang!" Mabilis kong bawi sa sinabi. Letse kasing bibig na 'to. "Love you ma." Paglambing ko saka hinalikan ito sa pisngi.


     "Love you too. Kumain ka na nga." Taboy nito sa akin. Bumitaw na rin ako sa pagyakap sa kaniya. Ngunit bago ako tumungo sa dining room ay sinilip ko muna kung sino ang ka-chat nito sa cellphone. Ngiting-ngiti kasi eh at parang kinikilig pa.


     "Sabi ko na nga ba!" Napapitlag ito kaya natawa ako.


     "Ikaw talagang bata ka!" Bulyaw nito sa akin dahil sa pagkagulat. Muntik pa niya akong batuhin ng kaniyang cellphone kaya tumakbo na ako palabas ng sala habang tawang-tawa pa rin sa naging reaksiyon niya.


----------------------------------------


Thank you for reading this story. Your votes and comments are greatly appreciated too. Stay safe everyone. 🙏🌍

SynthesisWhere stories live. Discover now