V:07 Memo

136 6 1
                                    

Synthesis


V:07

Memo
You will rise again
Rise again (Rise Again)

Jade's PoV


Nasa kalagitnaan na kami ng paghahapunan sa kasalukuyan nang biglang palitan ni dada ang topic ng aming pinag-uusapan.


     Mula sa pagkukuwento niya ng mga ginawa nila sa office kaninang umaga, nalipat iyon sa trabaho ko sa university. Natanong niya kung kamusta ang aking pagtuturo or if may mga pasaway ba akong mga estudyante?


     Well, meron naman pero hindi sila 'mga' dahil lahat ng students na tinuturuan ko mababait except kay Althea. Siya lang ang natatanging pasaway sa kanila. But of course I only said that to myself. Ayoko namang ibalandra ang katotohanan sa buong hapag dahil 'pag nalaman nilang estudyante ko ang isang 'yon, ewan ko kung ano'ng maging reaction nila lalo na ni dada na ang tanging alam ay manliligaw ko lang si Althea.


     "Wait, about doon sa nanliligaw sa'yo, sinagot mo na ba siya?" Nanliliit ang matang tanong niya ulit na tila pinag-aaralan ako. "Sino nga ulit 'yon?"


     "Si Althea po." Kalmado kong sagot kahit na kinabahan ako bigla sa intense ng pagkakatitig niya sa akin. Para siyang imbestigador at buti na lang hindi ako pumiyok when I said Althea's name.


     Napatingin sa akin ang mga kasama ko sa hapag-kainan except lamang kay Amber na parang walang pakialam sa taong aming pinag-uusapan.


     I don't know but eversince that night na lumabas kaming magpi-pinsan para i-celebrate ang pagdating niya because first time niyang nakapunta dito sa Pilipinas, parang biglang nag-iba ang pakikitungo nito sa akin. And I think dahil iyon kay Althea. Nararamdaman ko kasing hindi niya gustong maging girlfriend ko ang isang iyon pero hindi naman ako makahanap ng reason kung bakit.


     "Bunso, huwag mong sabihing hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasagot si Althea. Mahigit isang taon ka nang nililigawan no'n."


     "Grabe ka naman, mag-iisang taon pa lang." Agad kong depensa laban sa pinahayag ni kuya Paul. Sisingit-singit kasi, mali-maling information naman ang pinagsasabi.


     "Gano'n na katagal? Aba'y ang tapang naman niya, kahit kayo pa pala kasi ni David eh nanliligaw na siya sa'yo?"


     Si dada ulit ang nagtanong habang si mama ay nanatiling walang imik at patuloy lang sa pagkain sa tabi nito.


     "So bakit hindi mo pa siya sinasagot?"


     This time, si tita Millie naman ang nagtanong at napaisip ako. Bakit nga ba?


     "Gusto ko kasing kilalanin pa ng mas maigi si Althea bago ako sumabak ulit sa isang relasyon." Sagot ko na lang kahit na ang totoo, natatakot akong masaktan muli kahit isang oras lang ang itinagal ng sakit na nadama ko sa paghihiwalay namin ni David noon.


     Dumaan ang ilang saglit na katahimikan bago muling may nagsalita sa amin at this time, ang taong hindi ko inaasahang sasali sa aming topic ang magsasalita.


     "Well, kung ako ang tatanungin, I don't like her."


     "What?" Takang-tanong ko at inulit nga ni Amber ang mga sinabi niya with extra paliwanag pa.


SynthesisWhere stories live. Discover now