Chapter Eighteen

1.6K 44 10
                                    

Sunod sunod na katok sa pinto ang gumising kay Eorai. Napabangon sya bigla. Lumingon sa bintana. Tirik na tirik na ang araw. Sinilip nya ang orasan sa side table. Alas onse na ng umaga. Napahaba ata ang tulog nya.

Muli na naman may kumatok sa pinto. Sunod sunod iyon pero hindi ganon kalakas.

"Eorai Iha? Are you awake?" Ani ng boses sa kabilang pinto.

Nanlaki ang mga mata nya. Kilala nya ang boses na yun. Ang mommy ni Liam. Pero bakit nasa bahay nila ito? Agad syang bumangon at inayos ang sarili. Lumapit sya sa pinto. Bago nya ito buksan ay sumilip muna sya sa salamin para ayusin ang buhok.

Binuksan nya ang pinto at bumungad sakanya ang nakangiting mukha ni Grace. Niyakap saya nito.

"Good morning iha. Did I disturb you?" Nakangiting sabi nito.

Agad syang umiling.

"N-no m-mommy. Actually, thank you at ginising nyo ako. Hindi ko napansin na tanghali na pala. Napahimbing ata ang tulog ko." Pagdadahilan niya.

"Oh darling, you need that. A long beauty rest. So I'll be waiting for you downstairs. We'll have our lunch and then pupunta na tayo kay Ricky." Sabi nito na inayos ang buhok nya.

Napakunot ang noo nya. Wala syang naalala na may lakad silang dalawa ngayong araw.

"P-po?" Maang na tanong ni Eorai.

"Iha, today is the party remember? Naka schedule ka ngayon kay Ricky Mendez for your make-up. Oh by the way. Nasaan na ang damit mo? Nakaready na ba?" Tanong nito na luminga linga sa paligid. Nakita nito ang paper bag na binigay nito sakanya. Agad itong lumapit doon at kinuha iyon.

"Get ready Iha. I'll be waiting. Baka malate tayo." Sabi nito na tinapik ang braso nya at lumabas na ng kwarto.

Nanigas ang buong katawan ni Eorai. Hindi nya inaasahan na pupunta ang ina ni Liam dito. Hindi sya pwedeng tumanggi o magdahilan dito.

Lalo pa nyang kinagulat kung sino ang sinabi nitong magaayos sakanya. Si Ricky Mendez mismo. Ang pinakasikat na Make-up artist sa pilipinas at kilala sa buong mundo. Noong kasal nya ay assistant lamang nito ang nagmakeup sa kanya dahil wala daw ito sa pilipinas noong araw na iyon. Pero ngayon, ito na mismo ang magaayos sakanya.

Napalunok sya. Parang lalabas ng puso nya sa kaba. Agad syang nagpunta sa banyo at naligo. Ayaw nyang paghintayin ng matagal ang ina ni Liam.

Pagkatapos nya maligo at magayos ay bumaba na sya. Naabutan nya itong nagaayos ng pagkain kasama ni Nanay Anita.

"Oh iha, your here. Let's eat first before we go to the salon. Masarap ang niluto ni Anita." Nakangiti nitong sabi sakanya.

Lumingon sya kay Nanay Anita na abala sa paghahain. Naupo na silang pareho ng ina ni Liam at nagsimula ng kumain. Pagkatapos nilang kumain ay agad rin silang umalis. Bakas sa mukha ng ina ni Liam ang pag kaexcite sa pupuntahang party.

Dumiretso sila sa main Branch ni Ricky Mendez. Agad silang inasikaso ng mga staff na naroroon pagkarating nila. Sinalubong rin sila mismo ni Ricky Mendez. Hindi akalain ni Eorai na makikita nya ito ng personal. Sa tv at magazine nya lamang ito nakikita. Matangkad ito at balingkinitan. Hindi ito cross dresser. Aakalain mong tunay itong lalake sa unang tingin pero pagnakausap mo na ito ay malalaman mong may pusong mamon ito.

Nakangiting niyakap sya nito.

"Oh the new Mrs. MonteFalco. I'm so glad, finally I met the apple of the eye of Liam MonteFalco." Nakangiti sabi ni Ricky Mendez sakanya.

Hindi nya alam ang isasagot dito kaya niyakap nya na lang ito at nkaipag beso beso dito.

Hinawakan nito ang mukha nya na tila ba chinicheck ang lahat ng parte ng mukha niya. Nailang sya sa ginawa nito. Hinawakan nito ang nakalugay nyang buhok.

One Night With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon