Chapter Five

1.4K 38 1
                                    

Lahat ng empleyado na kasama sa Team Building ng kanilang company ay excited na naghihintay sa mga van na susundo sakanila.

Inilinga ni Eorai ang mga mata na tila may hinahanap. Napasinghap sya ng makita ang pamilyar na sasakyan na kulay itim at pumarada sa harapan nila.

Bumukas ang pinto ng saksakyan bumaba si Duke.

Nakaramdam sya ng panghihinayang dahil umaasa syang si Liam ang makikita nya.

Narinig nyang napawow ang katabi nyang si Melissa. Napansin nyang titig na titig ito kay Duke na tila ba kinikilig. Napaling ang tingin nya sa lalake.

Naka plain white tshirt lamang ito at maong na pants. Bumagay din sa suot ni ang converse na white at naka shades ito. Gwapo rin naman si Duke. Hawig nito isang foreign actor na si John Krasinski.

Lumapit ito kay Mr. Roxas na kasalukuyang kinakausap ang iba nya pang katrabaho.

Lumapit sa mga ito si Precious na naka offshoulder at maiksing shorts. Kinamayan nito si Duke at kinausap ito na hindi nawawala ang ngiti.

"Napaka landi talaga nitong babaeng to." Ani ni Melissa na nakatingin din sakanila. Napatingin sya dito at natawa.

"Dont tell me type mo si Sir Duke." Asar niya.

Bigla itong namula at tumingin sakanya.

"Halata na ba ako friend?" Kinikilig nitong tanong.

Nakangiti syang tumango dito.

"Lagi ko naman sya nakikita sa office. Pero parang crush ko na sya simula ng magstay sila dito sa branch natin." Hinawakan nito ang pisngi.  "Hindi naman masamang mangarap diba?" Patuloy nito.

Inakbayan nya ang kaibigan.

"Ok lang yan. Malay mo mamaya magkamoment kayo." Natatawa nyang sabi dito.

Nakita nyang lalong namula ag mukha nito sa nasabi nya. Natawa sya sa tinuran ng kaibigan.

Wala naman masama talagang mangarap. Pangarapin ang taong gusto mo.

Napaisip sya. Ano nga ba si Liam sa buhay nya? Kagaya na rin ba sya ni Melissa na nangangarap na maging bahagi ng buhay ni Liam?

Napabuntong hininga sya. Ayaw man nyang aminin pero ang totoo ay simula ng gabing iyon ay di na naalis sa isip at puso nya si Liam.

I like Liam.

Naputol ang pagiisip nya ng may bumusina na sasakyan aa harap nila. Dumating na ang 3 van na susundo sakanila.

Mabilis na nasipag sakay ang mga kasama nila para makakuha ng magandang pwesto. Nahuli sila ni Melissa at naabutan na lamang nila ang dalawang bakanteng upuan sa tabinng mismong pintuan ng van.

Napangiwi sya dahil hindi sila magkakasya ni Melissa sa pwestong iyon. Baka sakali pa kung may kapayatan sya pero nakikita na nya ang sarili nya kapag pinilit nya ang sarili sa pwestong iyon.

Sinubukan umupo ni Melissa at alam nilang pareho na hindi sya magiging comfortable sa upuan iyon.

"OMG! Hindi ka na kasya!" Malakas na sabi ni Precious na naging dahilan ng tawanan ng mga kasama nila. Nasa bandang dulo ito at katabi si Darren.

Nakisama na lang sya sa pagtawa sa mga ito. Akma syang aakyat ng biglang may humawak sa braso nya.

"You can go with me." Ani ng pamilyar na boses na agad nyang nilingon.

Si Liam!

Napanganga sya ng makita ito.

Tinawag nito si Duke at kinausap.

One Night With A StrangerWhere stories live. Discover now