CHAPTER TWO

1.6K 51 8
                                    

Pinagmamasdan ni Eorai ang lalaking katabi sa kama. Tatlong beses sya nitong inangkin sa nagdaang gabi.

Hindi nya alam kung binigyan lang talaga sya ng pagkakataon ng tadhana para maexperience ang bagay na matagal na nyang hinihingi noon pa man. At sa isang katulad pa ng kasama nya ngayon.

Kahit natutulog ito ay napakagwapo pa rin nito. Mahaba ang mga pilik mata nito. Matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Hinaplos nya ang makinis nitong mukha.

Mag aalas tres pa lamang ng madaling araw pero hindi pa rin sya dinadalaw ng antok.
Maswerte na sya marahil dahil sa dinami dami ng lalaki na makkatagpo nya kagabi ay ito pa ang binigay sakanya. Pero hanggang doon na lamang yun. Pagsikat ng araw ay dapat wala na ito. Isa lamang panagip ang mga naganap kagabi.

Dahan dahan syang bumangon at lumapit sa upuan kung saan nito hinagis ang bag nya. Kinuha nya ang wallet at kinuha ang perang kaka withdraw nya lang bago sila tumungo sa bar. Binilang nya iyon. Sampung libo lahat iyon. Hinanap nya ang slacks ng lalaki kung saan nito hinubad. Dinampot nya iyon at iniligay sa bulsa nito ang sampung libo. Nalaglag ang pitaka nito. Hindi na nya inasam na buksan o tignan ang id nito dahil malamang ay hindi naman na sila magkikitang muli.

Inayos nya mga nagkalat na damit at ipinatong sa upuan kung saan nakalagay ang bag nya.

Lalabas na sana sya ng kwarto ng bumangon ang lalaking akala nya ay natutulog.

"Where's the bathroom?" Tanong nito.

Agad nyang itinuro dito ang hinahanap. Walang ano ano' tumayo ito kahit walang saplot at dinampot ang mga damit nito sa upuan. Napatalikod sya at napakapit sa kumot na nakabalot sakanya.

Nilagpasan lang sya nito ang tumungo na sa banyo.

Maya maya ay lumabas na ito at suot na ang mga damit nito.

"G-gusto mo magcoffee?" Alok nya dito.

Umiling lang ito at tumingin sakanya.

Madilim ang mukha nito at parang pinagsisihan ang mga nangyari. Nanlumo sya. Sino nga naman ang matutuwa kung sya ang mabubungaran pag gising?

"Thank you." Tipid na sabi nito at dali daling tinungo ang pinto papalabas ng apartment nya.

Sinilip nya ito mula sa bintana ng kanyang silid. Mabilis itong nakasakay sa kotse at pinaharurot iyon papalayo sa lugar niya.

Hindi nya makakalimutan ang gabing iyon. Isa ito sa mga magagandang alaala na nangyari sakanya. Kasama na dito ang lalaking nagparamdam sakanya ng saya at kumumpleto sa pagkababae nya.

Nakaramdam sya ng kakaibang lungkot. Pakiramdam nya ay isa syang pagkakamali. Napaiyak na lamang sya sa di malamang dahilan.

*****-*****

"Hoy friend kanina pa ako daldal ng dala dito kwento mo naman yun nakilala mo last night." Ani ni Melissa na pumukaw sa atensyon nya.

"H-ha?" Maang nyang tanong.

"Kanina ka pa tulala. Ano bang nangyari sayo? Ang aga mo pumasok pero parang lutang ka naman." Sita ng kaibigan.

"W-wala naman. Hangover lang siguro to. First time ko uminom ng ganun eh." Pagdadahilan nya.

Hindi sya makatingin sa kaibigan dahil mahuhuli sya nitong nagsisinungaling.

"Okay, pero yun kasama mo kagabi anong nangyari?" Tanong nito.

"W-wala naman. Hinatid lang ako. Tapos wala na." Paiwas nyang sagot.

Kumunot ang noo nito. Magtatanong na sana ulit ito ng lumapit sakanila ang boss nila.

One Night With A StrangerWhere stories live. Discover now