Chapter Nine

1.3K 38 3
                                    

Isang linggo na ang nakakaraan ng kumalat ang video ni Melissa kung saan binulgar ng kaibigan ang sikreto ni Liam at Eorai.

Mabilis na napatigil ni Duke ang pagkalat ng naturang video dahil sa mga ginawa nitong paraan at sa tulong ng mga resources nito. Kinabukasan pagkatapos ng nangyaring pagkalat ay hindi na muna siya pinapasok ni Duke para makapagpahinga sya at maihanda ang sarili.

Nang mga sumunod na araw ay hatid at sundo sya ng isang private driver na inutusan ni Duke para bantayan sya kapag pumapasok sa opisina. Sa una ay tumanggi sya dahil hindi naman nya iyon kailangan pero pinilit sya ni Duke dahil mas mabisa daw itong paraan para mapatay ang speculation ng ibang tao sa namagitan sakanila ni Liam.

Sa loob ng opisina naman ay ipinalipat sya ni Duke sa 6th floor kung saan naroon ang opisina ni Liam. Malapit sya sa table ng secretary ni Liam.

Sa tuwing papasok si Liam at dadaanan sila nito ay hindi sya nito tinitignan o kinakausap man lang.

Kapag pinapatawag sya sa opisina nito ay malimit nakatalikod ito at nakaupo sa swivel chair. Laging si Duke ang nagbibigay ng instructions sakanya sa mga dapat nilang gawin bago ianunsyo ang nalalapit nilang kasal.

Lagi nyang tinatanong si Duke kung ito lamang ba ang paraan na naisip nito. Maari naman syang lumayo at magsabi na walang katotohanan ang sinabi ng kaibigan sa video pero sinabi nito na wala ng iba pa. Kahit akuin nya ang lahat ng kasalanan ay walang magbabago. Madadamay pa rin si Liam at maaring gamitin kay Liam ito para makagawa ng paraan ang taong nagbabalak na patalsikin ito sa pwesto nito.

Ipinaliwanag sakanyang mabuti ni Duke na hindi naman magtatagal ang kasal nila ni Liam. Magkakaroon pa rin sila ng sariling buhay ayon sa gusto nila pero sa paningin ng mga tao dapat ay mapakita nila na totoo ang relasyon nila.

Hindi ito ang pinangarap nya para sakanila ni Liam. Hindi sa ganitong paraan para lamang makasama nya si Liam. Kita sa mukha nito ang ang pagkamuhi nito sakanya. Hindi nito nagagawang tignan sya dahil aa tingin nya ay nasusuklam ito sakanya.

Kinamusta nya si Liam kay Duke. Sinabi nito na hindi nito gusto ang idea na ikakasal sila. Hindi daw nito tanggap ang naging resulta ng nangyari sakanila pero. Nakaramdam sya ng awa para kay Liam. Hindi nya sinasadyang mabigyan ito ng malaking problema.

Ngayon araw na sya ipapakilala ni Liam sa buong opisina bilang kasintahan at Fiancee nito. Tinitigan nya ang sarili. Napalingon sya sa may pinto ng mapansin si Miggy na sumilip. Binigyan nya ito ng simpleng ngiti. Lumapit ito sakanya at niyakap sya patalikod.

"Sure ka na ba talaga?" Tanong nito.

Tumango syabilang tugon. Tumingin ito sa repleksyon ng salamin. Inalis nito ang pagkakayakap sakanya.

"Let's do something about your hair." Sabi ni Miggy na tinanggal ang pagkakatali ng buhok nya.

Bilang isang photographer ay meron din itong idea sa pagaayos ng mga talent nito para maging maganda ang ayos nito sa bawat kuha nito.

Nilagyan nito ng clip ang magkabilang gilid ng buhok nya. Sinuklay nito ang mahaba nyang buhok.

Iniharap sya ni Miggy.

"You look beautiful." Sabi nito at muli syang niyakap nito.

Natigil ito sa pagyakap ng marinig nilang may kumakatok sa pintuan.

"Baka ayan na yung driver." Sabi nya kay Miggy.

Hinawakan ni Miggy ang kamay nya at magkasama silang pumunta sa sala. Tumigil sya sa paglalakad bago ito makalapit sa pinto.

"Thank you. Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala ka sa tabi ko." Sabi nya kay Miggy habang hinihigpitan nya ang pagkakahawak sa kamay nito.

Nilingon sya nito. Nakita nya ang lungkot sa mga mata nito.

One Night With A StrangerМесто, где живут истории. Откройте их для себя