Chapter Six

1.3K 43 0
                                    

Sabay sabay nagpalakpakan ang mga manonood pagkatapos kumanta ng isa sa mga kaopisina ni Eorai. Nagpasalamat ito at nagtanong kung sino pa ang may gustong kumanta harapan ng stage.

Katatapos lamag ng kanilang hapunan at nagkaayan ang lahat na magkaroon ng mini conert at ipamalas ng bawat isa ang kani kanilang mga talent.

Nakaupo sila ni Melissa sa bandang likod kasama ang iba pa nilang katrabaho. Nagtatawanan sila at nagtuturuan kung sino na ag susunod na kakanta.

Nakita nyang nagtataas ng kamay si Precious at agad itong tinawag at pinaakyat sa stage. Todo ngiti ito at halatang napapacute pa ito sa harapan ng lahat. Hinawi nito ang buhok para maipakita ang dibdib nito.

Naghiyawan ang mga kalalakihan sa ginawa nito at sabay sabay ngpalakpakan.

"Stop it boys!" Humahagikgik nitong sabi. "Hindi ako kakanta or magsasayaw sa harapan nyo. Sorry. I would like to make a request. I know she really want to do this." Nakangiti itong tumingin sakanyan.

Namutla sya sa sinabi nito. Parang alam na nya ang balak nito. Napatingin sya kay Melissa.

"Bruha talaga tong babaeng to. Hubaran ko kaya to sa stage." Galit nitong sabi. Tinitigan nito ng masama si Precious pero sakanya ito nakatingin.

"There she is! Eorai! Come on! Show us your hidden talent!" Turo nito sakanya at nakangiti pang tila nangaasar.

Napayuko sya sa ginawa nito.

"Grabe si Miss Precious. This is too much." Bulong ng katabi nyang si Sharry.

Napalunok sya. Naririnig nya na unti unting lumalakas ang tawag sakanya ng mga kaopisina nya.

"Go Eorai!" Sigaw ng isa nilang katrabaho.

Nagulat sya ng may biglang may humila ng kamay nya at itinayo sya. Si Darren!

Nakangiti ito sakanya at pareho ang ngiting iyon nila ni Precious. Akma nyang hahablutin ang kamay niya ng marinig nya ang boses ni Mr. Roxas at si Miss Yelly.

"Go on Ms. Martinez! We're rooting for you!" Nakangiting sabi ni Mr. Roxas.

"Go girl! Pakita mo ang the best talent mo. I'll support you!" Nakataas pa ang kamay ni Miss yelly at sabay pumalakpak.

Wala na syang nagawa kundi sumama kay Darren. Lumingon sya sa kaibigan at nakita nyang nagngingitngit ito sa galit sa plano nila Darren at Precious.

Pagkaakyat nila sa stage ay nakita nya si Precious na ngiting ngiti.

"Here she is! And look she's with her ultimate crush." Asar nito.

Inagaw ni Darren ang mic kay Precious.

"But the thing is, ikaw ang crush ko Miss P." Sapaw nito.

Naghiyawan ang mga manonood.

"Come on Sir Darren!" Kunwari ay kinikilig ito. Kinuha ulit nito ang mic kay Darren. "Anong kakantahin o sasayawin mo Miss Eorai?" Tanong nito. Inilapit nito ang mic sakanya.

Napalunok sya. Hindi sya handa sa mga ganito at hindi sya confident sa mga ganitong bagay. Ayaw nyang sumayaw dahil paniguradong magiging katawa tawa sya sa harapan ng mga ito.

Bahala na!

"I-I'll sing." Tipid nyang sagot.

"Ok, so what song?" Tanong nito.

"M-More than words." Sagot nya. Wala na syang ibag maisip at itong kanta na ito ang unang pumasok sa isip nya.

Kumaway si Precious sa lalaking nagooperate ng music pero nakita nyang umiling ito na tila sinasabi na hindi gumagana ang laptop nitong gamit.

One Night With A StrangerWhere stories live. Discover now