Chapter Twenty One

2.1K 47 29
                                    

Nagising si Eorai dahil may naririnig syang naguusap malapit sakanya. Dahan dahang minulat ni Eorai ang mga mata. Hindi nya maaninag masyado ang paligid dahil hindi nya suot ang salamin nya. Nilibot nya ang paningin sa paligid kahit malabo ang tingin nya. Nasa isang silid sya at alam nyang hindi ito ang kwarto sa apartment nya o sa bahay ni Liam. Naaninag nya ang dalawang taong nakatayo sa bandang gilid niya. Kahit hindi nya nya masyadong makita kung sino ito ay sinubakan nya itong tawagin.

"L-liam?" Tanong nya. Tinignan nya ang lamesang nasa tabo at kinapa ang salamin. Bago pa nya ito makuha ay may nagabot na sakanya nito.

Pagkasuot nya ng salamin ay bumungad sakanya si Liam na nakangiti.

"Hey, are you feeling better?" Sabi ni Liam na agad syang hinalikan sa noo.

Tumango sya dito. Bigla nyang naalala ang nangyari kanin. Napahawak sya sa braso ni Liam.

"Si Hector? Si Melissa? Si Mommy? Ano na nangyari?" Sunod sunod na tanong nya kay Liam.

Ngumiti ito sakanya.

"It's ok. Dont worry. Wala na si Hector at ok silang lahat. So relax." Pagkakalma nito sakanya. Hinalikan nito ang kamay niya. Paulit ulit nitong hinalikan ang kamay nya.

Napangiti sya. Sobra itong nagalala sakanya siguro sakanya ng mawalan sya ng malay kanina. Hindi nya maunawaan kung bakit bigla syang nawalan ng malay. Ang naalala nya lang ay nakaramdam sya ng hilo at hindi na nya alam ang sumunod na mga nangyari.

May lumapit sakanilang isang may edad na babae. Nakasuot ito ng puting coat na mahaba. Nakita nya sa pin nito na isa itong doctor.

Nasa hospital sya.

"Hello Mrs. MonteFalco. Im Doctor Helena Rivera. How are you feeling?" Tanong ng doktora.

"Ok naman po ako doc." Nakangiti nyang sagot dito.

Ngumiti ito sakanya.

"You should take care of yourself and have a lot of rest from now on." Sabi nito sakanya.

Nagtaka sya. Napatingin sya kay Liam. Hawak pa rin nito ang kamay nya.

"May problema po ba doc?" Kabado nyang tanong.

"You're pregnant Mrs. MonteFalco. Congratulations!" Nakangiting bati ng doktora sakanya.

Nanlaki ang mga mata nya. Napalingon sya kay Liam. Nakita nyang napakalapad ng ngiti nito. Hinalikan sya nito sa labi.

Sya naman ay hindi makapaniwala sa narinig.

"That's the reason why fainted and well, what happened triggered it. Dont stress yourself from now on. I'll be going now so you can celebrate with Mr. MonteFalco alone. He is so happy when he heard this good news. I'll see you next week for your follow up checkup." Sabi ng doktora at umalis na.

Binalik nya ang tingin kay Liam na hanggang ngayon ay di pa rin naalis ang ngiti sa mga labi nito.

Mahigpit na hinawakan ni Liam ang kamay nya.

"I love you Eorai. I really do." Sabi ni Liam sakanya na hinahalikan ang kamay nya.

Nangingilid ang luha nya. Sa dinami dami ng mga nangyari sakanila ni Liam ay di nya akalain na aabot sila ganitong punto na magiging masaya sila. Akala nya noon na lahat ay pansamantala lamang at matatapos din. Pero dininig ng Dyos ang dalangin nya.

Minahal sya ni Liam.

"Sobrang natakot ako kanina ng makita ko ang ginawa sayo ni Hector. Gusto ko syang sugurin at saktan pero di ko magawa dahil alam ko na sa maling kilos ko ay baka mapahamak ka." Sabi ni Liam na bakas sa mukha nito ang pagaalala.

One Night With A StrangerWhere stories live. Discover now