Bonus Chapter (Melissa and Duke)

1.9K 51 6
                                    

Aligaga si Melissa sa pagkuha pa ng naiwang gamit ni Eorai sa bahay nito. Dahil biglaang nanakit ang tyan ni Eorai at kabuwanan nya pa. Saktong naroroon sila ni Duke sa bahay dahil Kaarawan ni Liam. Iilan lang ang imbitado dahil ayaw ni Liam na masyadong magarbo ang handaan. Iniisip din nito na anumang oras ay pwedeng manganak na si Eorai. Sa gitna ng kwentuhan nila ay biglang napahiyaw sa sakit si Eorai at nabasag na ang panubigan nito. Si Liam ay agad na sinabihan si Duke at Melissa na mauuna na sila at sila na ang bahala sa mga gamit na kakailanganin ni Eorai.

Nakaready naman ang lahat ng kakailanganin ni Eorai at anak nito sa isang bag pero sinigurado na nya kung may kulang pa. Nang macheck nya ang mga gamit ay ok naman at tinawag nya si Duke para kunin ang mga bag.

Nagmamadali silang umalis para makarating na agad sila sa hospital. Pagkarating nila sa hospital ay naabutan nila si Liam sa may labas ng delivery room.

Bakas sa mukha nito ang sobrang pagaalala. Nilapitan ito ni Duke at kinausap. Pinapakalma ni Duke si Liam.

Si Melissa naman ay nasa isang sulok. Nagaalala rin sya sa kaibigan. Unang beses palamang nitong manganganak. Hawak nya ang isang maliit na bag kung saan lahat ng importanteng gamit ni Eorai ay naroroon.

Pabalik balik si Liam sa upuan. Hindi ito mapakali. Isang oras na nakakalipas pero wala pang lumalabas ng doktor mula sa delivery room.

Si Duke naman ay inayos ang kwartong gagamitin ni Eorai pagkatapos manganak.  Mabilis rin itong nakabalik. Tumabi ito kay Melissa.

"Let me carry that." Sabi ni Duke na kinagulat ni Melissa.

"Nandyan ka na pala. Ok na lahat?" Sabi ni Melissa dito.

Tumango si Duke at kinuha ang bag na hawak ni Melissa.

Maya maya pa ay lumabas na ang doktor sa delivery room. Nagtanggal ito ng mask at lumapit kay Liam. Ngumiti ito kay Liam.

"Congratulations Mr. MonteFalco. Your son  is safe and healthy. Your wife took care of him very well." Bati ng Doktor kay Liam.

Naiiyak si Liam na nagpasalamat sa doctor.

Sinabihan sila ng doktor na maari nilang hintayin si Eorai sa kwarto nito. Agad silang sumunod dito. Nauna na si Liam dahil sa sobrang excitement. Naiwan si Duke at Melissa.

Hindi napansin ni Melissa na nakaakbay sakanya si Duke pero bago nya pa sabihin dito ay agad din tinanggal ni Duke ang pagkakaakbay nito sakanya.

Nang nasa loob na sila ng Elevator ay pareho silang natahimik. Pero laking gulat ni Melissa ng biglang hawakan ni Duke ang kamay nya. Napatingin si Melissa dito.

"You were asking me the last time what's my ideal girl right?" Lumingon si Duke kay Melissa.

Nanlaki ang mga mata ni Melissa sa narinig. Walang ano ano ay bigla syang hinalikan ni Duke.

Pagkatapos ng halik nito ay kinindatan sya nito.

Hanggang makalabas sila sa elevator ay hawak pa din ni Duke ang kamay nya. Nakarating sila sa kwarto na kung saan nakaconfine si Eorai ay hawak pa din ni Duke ang kamay ni Melissa.

Naabutan nilang pareho si Liam na inaayos ang kumot ni Eorai. Tulog ito. Napatingin si Liam sa magkahawak nilang kamay. Hihilahin na sana ni Melissa ang kamay nya mula kay Duke pero mahigpit nitong hawak ang kamay nya.

Natawa si Liam sa dalawa.

"Finally." Sambit ni Liam. Nagthumbs up ito sakanilang dalawa.

Lalong naguluhan si Melissa. May alam ba si Liam sa nararamdaman ni Duke?

Naputol ang pagiisip nya ng may biglang kumatok sa kwarto. Bumukas iyon at sumilip ang nurse.

"Good evening po. Nandito na po si Baby." Sabi ng nurse na binuksan ang pinto at sumunod ang isa pang nurse na may tulak na cart na may laman na baby.

Mabilis na lumapit si Liam. Ang saya sa mukha ni Liam ay di maipinta.

"H-happy Birthday Liam." Ani ng isang mahinang boses sa likod ni Liam.

Napalingon silang lahat sa direksyon ni Eorai. Gising na ito. Agad na lumapit si Liam sa asawa.

Hinalikan nito si Eorai sa labi.

"Thank you my love. This is the best birthday gift you gave me. I love you." Sabi ni Liam sa asawa. Magsasalita pa sana ito pero pinigilan na ni Liam ito.

"Excuse me po. Dadaan si Baby." Sabi ng nurse na may buhat ng baby.

Itinabi ng nurse ang baby kay Eorai. Naiiyak ang magasawa ng makita ang anak nila. Kitang kita sa dalawang ito na sobrang saya nila.

"Hey buddy!" Sabi ni Liam na nilalaro ang kamay ng anak.

"Ano pong name ni Baby? Ang gwapo gwapo kamukha ng daddy." Tanong ng isang nurse.

"L-lindon MonteFalco II." Mahinang sambit ni Eorai.

Napatingin si Liam kay Eorai. Hinalikan ni Liam si Eorai sa mga labi. Dahil sa eksenang iyon ay nagpaalam at lumabas na ang mga nurse.

Masayang pinagmamasdan ni Melissa ang kaibigan. Napakasaya nyang makita na finally ay masaya na rin ang kaibigan nya.

Hinila sya ni Duke palabas ng kwarto. Sinara nito dahan dahan ang pinto. Hindi pa rin binibitawan ni Duke ang kamay nya.

"Naiinggit ka ba?" Nakangiting sabi ni Liam kay Duke.

Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi ni Duke. Tinanggal nya ang kamay sa pagkakahawak ni Duke.

"Wow ha. Ikaw tong halik ng halik di ko alam kung anong nangyayari." Bulong nya sa sarili.

"Naririnig kita." Tumatawang sabi ni Duke.

Ngayon nya lang nakita si Duke na tumatawa.

"Oh eh narinig mo pala. Care to explain?" Pagtataray ni Melissa.

"Nafall na ako sayo nagsusungit ka pa." Natatawa pa rin sabi ni Duke.

Natigilan si Melissa sa sinabi ni Duke. Totoo ba yung narinig nya dito? Lumapit sya dito.

"Baka pinagtitripan mo ako ha." Sabi nya dito.

Lalong natawa si Duke sa ginawa ni Melissa.

"Sa Team building, sa party at sa pag giging hero mo kay Eorai. Oh, at sa mga pagpapansin mo." Sabi ni Duke na tumatawa pa rin.

Naningkit ang mga mata ni Melissa.

"Ewan ko sayo." Tumalikod na sya dito. Aalis na sana sya pero pinigilan sya nito.

"Ano ba bitawan mo ako." Pagtataray nya.

"No, not this time." Sabi ni Duke na hinila sya papalapit dito.

Nagkadikit ang mga katawan nila. Napalunok si Melissa.

"Well, what now Melissa?" Nakangiting sabi ni Duke.

"Ano ba naman. Di naman sweet ang proposal." Umirap sya dito.

Natawa lalo si Duke dito. Bago pa ito makasagot ay hinalikan na ni Duke si Melissa. Wala na itong nagawa kundi sumagot sa halik ni Duke.

One Night With A StrangerWhere stories live. Discover now