Chapter Twelve

1.3K 40 1
                                    

Pagkatapos ng reception sa farm ng mga MonteFalco, lahat ng mga bisita ay nagpaalam na sa bagong kasal.

Lumapit si Mr. Roxas sakanila na isa sa mga kinuha nilang ninong at si Miss Yhelly na inimbitahan din nila.

Niyakap sila pareho ng dalawa at binati sakanilang successful na kasal.

"This is the best intimate wedding I've been to. So solemn atmbd peaceful. Congratulations mga inaanak." Natatawang sabi ni Mr. Roxas sakanila.

Inakbayan ni Liam si Eorai.

"Para sa asawa ko gagawin ko lahat para maging memorable ang kasal na ito." Sabay halik sakanya sa noo niya. Para syang matutunaw sa ginawa nito.

Kanina sa reception ay sobrang sweet ito at tila na sobranh proud na ikinasal na sila. Lahat ng taong lumalapit sakanila at bumabati ay masaya nitong kinakausap. Meron pagkakataon na bigla na lamang sya nito hahalikan sa gitna ng usapan. Halos buong oras sa reception ay parang totoo lahat ang nagaganap. Ibang Liam ang nakikita nya.

Hinawakan ni Miss Yhelly ang kamay niya.

"Im so happy for you Eorai. Hindi pa rin ako makapaniwala na kayo pala ni Mr. MonteFalco. Up until now nakakagulat parin kahit kasal na kayo." Tumatawang sabi ni Miss Yhelly sakanya.

Napakamot sya sa ulo. Kinakabahan sya na baka mali ang isasagot nya dito.

"S-sorry Miss Yhelly pero thank you for coming." Maikli nyang sagot.

"Ikaw talagang bata ka. Kasal na yung dalawa kaya huwag ka na magulat. Ako ang magugulat kapag ikaw ang biglang kinasal." Sita at biro nito ni Mr. Roxas kay Miss Yhelly.

Nagkatawanan silang apat. Nagpaalam na ang dalawa at umalis na.

Sumunod ang mga ibang kamaganak nila para magpaalam at batiin sila. Masayang inentertain ni Liam ang lahat ng bisitang papaalis.

Nang makaalis na ang lahat ay nilapitan nila ang mga magulang niya na nakikipag kwentuhan sa mommy ni Liam. Masayang nagkakatawanan ang magbalae ng abutan nila.

"Oh son, we were just having some fun time with my new balae. Is everyone gone now?" Tanong ng ina kay Liam.

"Yes mom, kayo po mama Rita at papa Ernest? Hindi pa ba kayo magpapahinga?" Tanong ni Liam sa mga magulang ni Eorai.

"Ok lang kami iho. Kayo ang dapat magpahinga na." Pagaalala ng ina sakanilang dalawa.

"Ano ka ba ma, kailangan pa namin magbonding ni bayaw." Biglang sumulpot ang bunso niyang kapatid na si Ernie. Inakbayan nito si Liam

"Oo nga naman. Oh tol ok lang ba? Konti lang naman. " biglang sabi ng kuya nyang si Erick.

Napatingin sya kay Liam. Nakita nyang natatawa ito sa tinuran ng kapatid. Tumingin ito sakanya.

"Is that ok?" Paalam nito sakanya.

"O-ok lang." Nakangiti nyang sabi dito.

"By the way Liam, ok lang ba kayo sa Villa magstay? Malaki naman ang mansyon. Bakit hindj kayo doon magstay." Tanong ng Ni Mrs. MonteFalco sa anak.

"Yes mom. Para masolo ko si misis." Biro nito sa ina. Sabay sabay na nagkatawanan ang lahat ng naroroon.

Nakisabay na rin si Eorai sa pagtawa. They look like a happy family. Kung titignan ay parang totoo lahat ng pinapakita ni Liam. Na hindi ito nagpapanggap sa harapan ng mga ito.

Nagulat sya ng may biglang umakbay sakanya. Si Miggy.

Si Liam ay kumunot ang noo sa ginawa ni Miggy. 
Binati nito ang lahat. Lumingon ito kay Liam.

One Night With A StrangerTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang