Chapter Seven

1.5K 49 0
                                    

Nakapila na ang lahat at naghahanda na ang karamihan sa umpisa ng kanilang Team Building. Ang iba naman ay abala sa pagkuha ng mga litrato sa mga kasamahan.

"Ok guys, inayos na namin ang bawat grupo na magkakasama. Pagnarinig nyo na ang mga pangalan nyo ay magsama sama na kayo." Sabi ni Mr. Roxas na hawak ang mic at mga papel.

Lahat ay bumalik sa pila at tahimik na nakikinig sa bawat pangalan na binabanggit ni Mr. Roxas.

Natawag na ang unang grupo at pumwesto ang mga ito sa sinabing kulay ng team nila.

Sumunod ang grupo na ang magkakasama ay sina Darren, Precious at iba pang kasamahan nito.  Nasa Blue team ang mga ito.

"Miss Martinez and Miss Vila you're in team Red. But before we go on. Dahil sa mga technicalities na hindi kami makakasama ni Miss Yelly sa team Red. Pero magkakaroon sila ng mga bagong team mates." Paliwanag ni Mr. Roxas.

Lahat ay lumingon lingon para malaman kung sino ang sinasabi ng mga itong bagong team mates ng Red team.

"Lets all welcome Mr. MonteFalco and Mr. Alonzo. They will be our substitutes. Like what Mr. MonteFalco said last night. He will be joining us today." Pakilala nito sa mga ito. Nakangiti ito sabay pumalakpak.

Napanganga si Eorai sa narinig. Kateam nila si Liam? Pero bakit? Bakit sakanila pa? Binubuo sila ng anim. Sya, si Melissa, Sharry, Nikko at ang dalawang nadagdag.

Biglang lumabas si Liam kasama si Duke. Papalapit ito sakanila. Napansin nyang nagniningning ang mga mata ni Melissa. Kitang kita sa mukha nito ang galak ng malaman kung sino ang makakasama sa grupo.

Napasinghap sya ng papalapit na ng papalapit na sina Liam sakanila.

Nakasuot ito ng puting tshirt at naka cargo short na itim. Nakasandals lang ito pero kahit simple lamang ang suot nito ay napaka gwapo pa rin itong tignan. Mas kita ang matipuno nitong katawan. Hindi nya gaanong maalala kung ano ba ang itsura ng katawan nito nung gabing inangkin sya nito. Ngayon ay parang bumabalik ang lahat ng makita nya ito.

Biglang bumilis ang tibok ng puso nya. Ano bang nangyayari sakanya?

Si Duke naman ay nakasandong itim at beach short na asul. Kita rin ang matipunong katawan nito.

May lumapit sakanila at iniabot ang mga pulang tali na isusuot sa kanilang mga ulo. Isa isa silang kumuha at sinuot iyon.

Nasa harapan ni Eorai si Liam. Amoy na amoy nya ang after shave at pabango nitong gamit. Para syang nilulutang sa langit sa likuran nito. Umurong ito bahagya na nagpakaba sakanya lalo. Bigla syang umurong ng mabilis sa takot na magkadikit sila.

Natapos na ang pag gugrupo sakanila. Nakabuo sila ng limang grupo na mayroong tig anim na pares sa bawat grupo. Inihudyat na ni Mr. Roxas ang pagsisimula ng kanilang activities.

Napansin ni Eorai matalim ang tingin ni Precious sakanya. Kita sa muka nito ang inis. Nakatingin din sakanila si Darren na tila ba nang aasar pa ang tingin nito.

Binalik nya ang tingin sa nagsasalitang si Mr. Roxas.

Ang unang activities nila ay ang pagpapasa ng mga mga damit at isusuot ito ng huling taong pag bibigyan. Mabilis nilang natapos ang unang pagsubok dahil na rin sa bilis ni Sharry sa pagsusuot ng damit at isa pa ay maliit lamang ito at payat pa. Sabay sabay silang nag appear. Iniwasan nyang maglapat ang mga kamay nila ni Liam.

Hanggat maaari ay ayaw nya na magkadikit ang anumang parte ng katawan nila. Hindinsya komportable. Para bang lagi syang nakukuryente sa tuwing magkakadikit ang balat nila.

Sumunod naman ang pabilisan sa pagtakbo patungo sa isang kagrupo, ibibigay ang baton at kukunin ang isang flag na kakulay ng kanilang team. Babalik ito sa isa pang kagrupong naghihintay at iwawagayway ang flag kapag nakuha na ng pagpapasahan. 100 meters ang tatakbuhin nito. Mahirap ito dahil sa buhangin ang lugar kung saan gaganapin ang pangalang pagsubok.

One Night With A StrangerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora