CHAPTER ONE

3.3K 62 12
                                    

Nagmamadaling naglalakad si Eorai sa hallway papasok sa kanilang opisina. Late na sya dahil sa sobrang traffic.

Habang pagpasok sa opisina ay napansin nya ang kaibigan na si melissa na nakangiting nakatingin sakanya. Nginitian nya rin ito ng makalapit sya dito.

Magakatabi lang ang kanilang table. Pareho silang jr. Encoder, sabay lang din silang natanggap aa position na iyon. Hindi naging mahirap para sakanila na magkasundo dahil marami silang bagay na pinagkakasunduan.

"Friend, buti na lang nakaabot ka." Nakangisi nitong sabi sakanya.

Napabungisngis sya. Pinahiran nya ang mga nagtutuluang pawis sa muka at leeg nya.

"Sa layo ng nilakad ko sana nabawasan na ang taba sa katawan ko." Pigil ang tawa nyang sabi sa kaibigan.

Sinagot sya nito ng tawa.

Inayos nya ang lipstick at nagpulbo sa salamin na nakapatong sa desk nya. Napatigil sya.

She's wearing an eyeglasses. Elementary palang sya ay nakasalamin na sya. Namana nya ang pagkakaroon ng malabong mata sa pamilya ng papa nya. Pinunasan nya ang salamin nya at muli tumingin sa salamin. Tinanggal nya ang sobrang pulbo sa matataba nyang pisngi na namumula mula pa.

Mataba, yan ang lagi nyang naririnig sa mga taong nakikita nya. Sa loob o sa labas man ng opisina ay nasanay na sya. Sinusubukan naman nyang magpapayat pero parang kokonti lang ang nababawas sa timbang nya. Hindi naman sya ganun kataba pero isa ito sa mga dahilan kung bakit hanggang ngayon ay wala pang nagkakamaling ligawan sya o let say wala syang nagiging boyfriend pa.

Naputol ang pagmumuni muni nya ng may pumisil sa pisngi nya. Napapikit sya sa bahagyang sakit na dulot nito.

"Wag na tumingin sa salamin baka mabasag" natatawang sabi ng kaopisina nyang si Darren.

Hinimas nya ang pisngi at sinagot ito ng ngiti.

"Hoy darren nambubully ka na naman kay Eorai." Sita pa ng isa nyang kaopisina na si Yelly.

"Ok lang Ms. Yelly sanay na po ako kay sir Darren." Sagot nya kay Yelly.

"Ano Eorai? Wala pa bang nanliligaw?" Tanong ni Darren sakanya.

Simula ng magtrabaho sya dito ay walang araw na di nito itinatanong kung may boyfriend na ba sya o manliligaw.

"Sir, wala pa yan sa isip ko." Nakangiti nyang sagot.

Umupo si Darren sa table nya. Napansin nyang papalapit na ang kontrabida sa buhay nya. Si Precious.

"Oh, i doubt it sir. Kahit magbayad yan ng lalaki walang papatol dyan." Sumali na ito sa usapan.

Lumakas ang tawa ni Darren sa sinabi ni Precious.

"Ang harsh mo naman Miss P. Well, may point ka naman. Kahit ako hindi eh kasi yung mga type ko yung katulad mo." Nakangising sagot ni Darren na nakatingin kay Precious.

Napatingin sya kay Precious. Sexy ito at maganda manamit. Laging nakaayos ang buhok nito at higit sa lahat maganda ito.

Nakita nyang napangisi si Precious sa sinabi ni Darren.

"Ikaw naman sir Darren binobola mo ako. Pero ibibigay na kita kay Eorai. I know mas type ka nya." Pangiinis nito sakanya.

Nanlaki ang mga mata nya sa sinabi nito. Sya may gusto kay Darren??

Napatingin sya dito. Gwapo naman ito at moreno. Nasa 5'8 ito at makinis ang muka. Pero hindi sapat iyon para magustuhan nya ito. Parang kuya na ang tingin nya dito.

One Night With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon