Chapter Fifteen

1.5K 33 1
                                    

Pinagmamasdan ni Liam ang tulog na si Eorai na nakahiga sa braso nya. Mahimbing itong natutulog. Mukhang napagod ito sa ginawa nila. Napangiti sya. Hindi nya alam kung bakit pero she makes her excited. Natawa sya ng marinig nya itong maghilik. Talagang napagod ito.

Sinilip nya ang orasan sa side table. Alas nwebe pa lamang ng gabi. Napatingin sya sa kisame. Naisip nya ang ginawa kanina ng may tumawag kay Eorai. Nakaramdam sya ng kakaibang galit ng makita nyang si Miggy ang tumatawag dito. Hindi nta maexplain kung bakit sya naiirita sa taong ito.  Naiinis sya sa tuwing iisipin na gusto nitong bawiin ang babaeng katabi nya. Hindi nya rin maintindihan ang sarili. Napabuntong hininga sya.

Tumunog ang cellphone nya. Kinuha nya iyon sa side table.

Kumunot ang noo nya. Si Nicole ang nagtext.

Liam! I went to your office but you were not there. Where are you? Lets meet!  :)

Hindi na nya pinansin ang text nito. Nilingon nya si Eorai na natutulog pa din..

"What are you doing to me?" Bulong nya.

Binalik nya tingin sa cellphone na hawak. Dinial nya ang number ni Duke.

"Duke? Tell Nanay Anita to prepare some things for us. Clothes. Groceries. For just a few days." Sabi nya sa kausap.

"Yes sir." Sagot ni Duke.

"Sa apartment ni Eorai. Bring it early tomorrow." Utos nya sa kausap at inend na nya ang tawag. Binalik nya ang cellphone sa side table. Binalik nya ang tingin sa natutulog na si Eorai.

Muli syang napangiti ng marinig nya itong humihilik.

He is sleeping well tonight.

*****-*****

Nagising si Eorai ng marinig na may kumakaluskos sa may kusina. Bigla syang napabangon. Napansin nyang wala syang saplot at agad nyang tinakpan ito ng kumot. Naalala nya ang muling pagangkin sakanya ni Liam kagabi lamang. Kinuha nya ang salamin sa side table at sinuot.

Bukas ang pinto ng kwarto nya at nakita nya si Liam na may ginagawa sa kusina. Nakasuot it ng puting sweatshirt. Nagtaka sya. Wala naman dalang kahit aning damit si Liam. Hindi rin kay Miggy ang damit na iyon dahil dala ni Miggy ang lahat ng gamit nito.

Napansin nya ang isang malaking maleta sa gilid ng kama. Wala syang maalala na may dala itong maleta.

"Good morning. Nagpadala ako ng gamit kay Duke. Sabi mo wala kang naiwan na gamit dito." Bungad sakanya ni Liam.

Lalong humigpit ang hawak nya sa kumot. Tumabi ito sakanya. Napalunok sya.

"It's unfair to you treating you bad. Treating you like you are all to blame. The fact that I was involve too. Im sorry for that. I'll try my best to be a good husband." Sabi nito na nakatingin sa kawalan.

Natulala sya sa sinabi ni Liam. Hindi nya inaasahan na sasabihin ni Liam ito sakanya. Tumingin si Liam sakanya na nakangiti.

Ngayon nya lamang nakita ang maaliwalas na mukha ni Liam. Lalo syang nahuhulog dito.

"Go prepare yourself. Dinalan tayo ni Liam ng breakfast. Sabay na tayong pumasok sa work." Sabi nito. Tumayo na ito at lumabas pero tumigil sa paglabas at nilingon sya.

"Naayos ko na rin yung mga grocery. Sapat na siguro yun para satin sa pagstay natin dito ng ilang araw. By the way, Duke changed your door lock. Nasa table yung susi at nasa akin naman ang spare key." Nakangiti nitong sabi at lumabas na.

Napanganga si Eorai. Napatingin si Eorai sa side table kung saan nilagay ni Liam ang bagong susi ng apartment nya. Naguguluhan na sya sa mga nangyayari.

One Night With A StrangerWhere stories live. Discover now