Chapter Ten

1.4K 34 1
                                    

Natulala si Eorai ng makita ang bahay ng mga magulang ni Liam. Napakalaki ng bahay ng mga ito. Isang napakalaking mansyon.

Sa Tagaytay nakatira ang ina ni Liam. Habang nasa byahe sila ay sinabi sakanya nito na dito na namalagi ang ina simula ng mawala ang kanyang ama. Niregalo iyon ng ama niya sa kanyang ina.

Napapalibutan ng pine trees ang mansyon at napakalaki rin ng lupain nito. Makikita sa di kalayuan ang isang farm na may mga ibat ibang hayop. Malamig ang simoy ng hangin at sobrang linis.

Tinawag na sya ni Liam upang makapasok sa loob. Sumunod sya rito.

Pinagbuksan sila ng dalawang nakauniform na mga kasambahay. Binati sila ng mga ito. Nakangiti at masayang ang mukha ng mga itong ginabayan silang makapunta sa sala.

Lalong napanganga si Eorai ng makita ang sala. Napakalawak at puno ng mga mamahaling gamit ang sala. May malaking fireplace sa kabilang gilid.  Napansin nyang may babaeng nakaupo sa harap nito at tila nagpapainit ito. Lumingon ito sakanila.

Nakangiti at tumayo. Mabilis nitong niyakap si Liam. Marahil ito ang si Mrs. MonteFalco.

Kahit may edad na ito ay napakaganda pa rin nito. Napakasopistikada nitong tignan. Hawig ito ni Liam.

"Oh my son! I miss you. Masaya ako nang sabihin mong iuwi ka." Hinalik-halikan nito si Liam.

"Mom, kakauwi ko lang dito last week. I miss you too." Nakangiti nitong sabi sa ina.

"Kahit na. Miss ko pa rin ang baby ko." Bumungisngis ito. Napatingin ito sakanya. Agad itong lumapit sakanya at niyakap sya.

"Is this Eorai? Your so pretty and healthy iha. Im sure lagi kang binubusog ng anak ko." Nakangiti nitong sabi at mahigpit syang niyakap.

Hindi malaman ni Eorai kung yayakapin nya ba ito. Dahan dahan nya itong niyakap. Napakabango ni Mrs. MonteFalco. Amoy rosas ito.

Pagkatapos sya nitong yakapin ay hinawakan nito ang mukha nya.

"Are you ok iha? You look sad?" Tanong nito.

"Po?" Maang nyang tanong.

"I can see it in your eyes." Pagaalala nito. Lumingon ito kay Liam. "Are your pressuring her Liam? Next week na ang wedding nyo." Sita nito sa anak.

Napamot ng ulo si Liam.

"Maybe the stress of preparing the wedding and the issues around the office." Pagsisinungaling nito.

Inalalayan sya ni Mrs. MonteFalco na makaupo.

"Iha if you need help. Tell me." Nakangiti nitong sabi.

Lumingin muna sya kay Liam at tumango ito bilang tugon na maari syang sumagot.

"Ok lang po ako. Sabi nga po ni Liam. Stress lang po ito. Wag po kayong magalala." Pagsisinungaling nya. Nakaramdam sya ng guilt. Mabait ang ina ni Liam. Naawa sya rito dahil nakakapagsinungaling si Liam dito.

"Ok iha. Basta if you need help tell me. And call me mommy ok? Magiging anak na rin kita." Masaya nitong sabi. Hinawakan nito ang mga kamay nya.

Mabait ang ina ni Liam. Unang kita nya palang dito ay napaka gaan na ng pakiramdam nya dito. Malambing ang boses nito.

Napatingin sila pareho kay Liam ng mag ring ang cellphone nito. Agad nitong sinagot iyon at nagpaalam ito saglit.

"Come iha. I'll  show you something." Nakangiti iting hinila sya patayo. Dumaan sila sa may gilid ng sala kung saan may sliding door. Dinala sya ng ina ni Liam sa isang malaking green house.

One Night With A StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon