Chapter Seventeen

1.4K 40 5
                                    

Abalang inaasikaso ni Eorai ang mga pinagawang prints ni Mr. Roxas sakanya. Halos kunin nya na lahat ng trabaho sa opisina para lamang maging busy. Pinapagod nya ang sarili para pagkauwi nya ng bahay ay mabilis syang makakatulog.

Dalawang linggo na ang nakakaraan simula ng magkausap sila ni Liam tungkol sa nangyari sa restaurant. Buo na ang desisyon nya na gagampanan na lamang nya ang pagiging asawa nito sa loob at labas ng opisina kung kinakailangan.

Isang linggo rin na hindi umuuwi si Liam sa apartment nya. Pinasundo sya nito kay Duke at pinabalik sya sa mansyon. Sa tuwing magkakasalubong sila ni Liam sa bahay ay sya na ang unang umiiwas. Gagawa sya ng paraan para hindi sya nito makausap o di kaya ay nagpapanggap na tulog kapag papasok ito sa kwarto para dumaan sa tinutulugan nito sa kabilang silid.

Sa opisina naman, kapag nagkikita sila sa opisina ay pasimple syang umiiwas dito para hindi mahalata ng mga kaopisan nya. Hindi na rin nya ito nakakasabay kumain kapag lunch time. Si Melissa na ang lagi nyang nakakasama. Hindi na ito nagtatanong kung anong nangyari. Nirespeto ng kaibigan niya ang pananahimik niya.

Kapag uuwi naman sya ay si Duke ang naghahatid sakanya. Sinasabi ni Duke sakanya na malelate ng uwi si Liam. Hindi na sya nagtatanong dito tungkol kay Liam.

Pilit man nya ideny sa sarili ay namimiss na nya si Liam. Namimiss na nya ang mga tingin nito sakanya. Ang bawat halik na binibigay nito sakanya at mga yakap nito na mahigpit.

Natigil si Eorai sa ginagawa ng biglang silang tinawag ni Mr. Roxas.

"Guys! Meeting room." Utos nito.

Inilapag nya nga mga papel na hawak sa desk nya at sabay silang pumasok ni Melissa sa loob.

Nakatayo si Mr. Roxas sa gitna.

"Ok guys! Regarding ito sa christmas party natin. It will be a black party. So ready your best suits and gown!" Nakangiting sabi nito. "Gusto ko tayo ang pinaka maganda at gwapo sa buong dapartment. Sa Shangri-La hotel ang location." Pagpapatuloy nito.

Sabay sabay na nag yes ang mga nasa loob.

"OMG! I'll go shopping later!" Bulaslas ni Precious.

Napailing na lang si Melissa sa narinig kay Precious.

Isa isang inibot sakanila ni Mr. Roxas ang isang balck envelope. Invitation iyon. Nakapaloob dito kung saan gaganapin ang party. Ito ang magsisilbing entrance nila sa hotel. Kung wala nito ay hindi ka maaaring maka attend kaya dapat daw nilang ingatan. Gaganapin ang party itong sabado na.

Pagkatapos ng meeting ay lumabas na sila. Masaya at excited ang iba nilang kaopisna para sa Christmas party nila.

Napasalampak sya sa upuan nya. Malapit na rin magpasko. Itong ang unang pasko niya na may asawa na. Dati ay excited syang dumating ang pasko dahil isa ito sa pinakamasayang araw ng buong taon pero ngayon ay hindi nya alam kung magiging masaya ba sya.

Binigay nya kay Melissa ang black envelope.

"Magsama ka ng kadate mo. Hindi naman ako mahilig dyan." Sabi nya sa kaibigan.

Iniabot nito ang envelope.

"Oo nga eh. Ilang Christmas party na ang pinalampas mo. Teka lang, asawa ka ng may ari. Hindi ka pupunta?" Pagtatakang tanong nito.

Nagkibit balikat sya. Ayaw na nyang sagutin ang bagay na iyon. Gusto nyang tulungan ang sarili na malimot at wag ng bigyan ang sarili ng maling pagasa.

Hindi na muli nagtanong ang kaibigan bagkus ay nagpasalamat ito sa binigay nya. Ngingiti ngiti nitong tinago ang envelope sa bag at binalik na nila ang atensyon sa trabaho.

One Night With A StrangerWhere stories live. Discover now