Chapter Nineteen

1.5K 38 3
                                    

Hindi binibitawan ni Liam ang kamay ni Eorai kahit saan man ito magpunta o sino man ang kausapin nito. Lagi sya nitong kasama. Ipinapakilala sa lahat na sya ang asawa nito. May pagkakataon pang hinahalikan na lamang sya nito sa mga labi nya.

Hanggang sa matapos ang party ay hindi pa rin nito binibitawan ang kamay niya. Hindi na rin nya gaanong nakausap si Melissa at ang ina ni Liam dahil hindi pumapayag si Liam na mapagisa sya. Nilapitan sila ni Duke para sabihin na maari na silang umalis. Kasama nito ang ina ni Liam. Hinalikan sya nito sa pisngi.

"Mauuna na ako mga anak. Medyo napagod ako. Matanda na talaga ako." Natatawang sabi ni Grace sakanilang dalawa.

"Duke can take you home mom or you can stay in our house." Pagaalala ni Liam sa ina.

"No son, I'll be ok. Kasama ko naman ang driver natin sa Tagaytay.  Oh sya, aalis na ako at nakakaramdaman na ako ng antok." Sabi ni Grace na humikab pa bago umalis. Inalalayan pa ito ni Duke pero sinabi ni Grace na samahan silang magasawa.

Biglang nagring ang cellphone ni Liam. Sinagot nito agad ang tawag.

"Yes Mr. Velasquez? Oh really? Well that's a good news. Ok. I'll be there. Wait for me." Agad nitong inend ang call at lumingon sakanya.

"I'll be back." Nakangiti nitong sabi at hinalikan sya sa labi. Napanganga sya sa ginawa nito. Nasa harapan pa man din nila si Duke. Napansin nyang napangisi ito.

Nilingon ito ni Liam.

"Duke, I'll meet you in the parking lot. It's Mr. Velasquez. I think he knows something." Bulong nito kay Duke. Tinapik nito ang balikat ni Duke at umalis na.

Inaya na sya ni Duke na magpunta sa parking lot.  Natigilan sya. Naalala nya ang kaibigan. Hindi na nya ito nakita dahil kasama sama nya si Liam sa buong party. Pinigilan nya ang isang braso nito ng akma na itong tatalikod sakanya. Nakakunot ang noo nitong napatingin sakanya.

"D-Duke? Si Melissa?" Tanong nya dito.

Luminga linga ito sa paligid.

"Sabi nya sakin mauuna na sya." Kaswal nitong sabi. Nakita nya sa mukha nito na hindi ito interesado sa kaibigan nya.

Napabuntong hininga sya. Naisip nya ang nararamdaman ng kaibigan ngayon.

"Mauna ka na. Magkita na lang tayo sa parking lot. Hahanapin ko muna si Melissa." Sabi nya kay Duke.

Iniwanan nya si Duke at wala na itong nagawa.

Naglakad lakad sya. Kakaunti na lamang ang mga tao doon. Madali na nyang makikita ang kaibigan. Napangiti sya ng makita itong nakaupo sa isang sulok. Nakahalumbaba ito at kita sa mukha nito ang lungkot. Agad nya itong nilapitan. Hindi nito napansin na naupo na sya sa tabi nito.

"Ano na namang drama yan?" Bulong nya kay Melissa. Nagulat ito sa ginawa nya.

"Friend! Muntik na akong atakihin sa puso." Sabi nito na hawak ang dibdib.

Natawa sya sa kaibigan.

"Anong nangyari?" Seryosong tanong nya sa kaibigan.

Nalungkot ang mukha nito. Tumingin si Melissa kay Eorai.

"Hindi naman sya interesado sakin friend. Tinanong ko sya kung may nakarelasyon na ba sya. Sinagot nya ako agad na wala syang panahon sa ganun at di na nya ako kinausap ulit." Kwento nito.

Nakita nya na ang lungkot sa mga mata ng kaibigan. Hinawakan nya ang kamay nito.

"Hayaan mo na friend, baka pagod lang si Duke. Marami pa namang iba dyan. Smile ka na." Pag aalo nya sa kaibigan.

One Night With A StrangerWhere stories live. Discover now