Chapter Thirteen

1.3K 36 4
                                    

Inayos ni Eorai ang sarili bago bumaba sa kotse ni Liam. Sinilip nya ito sa bintana. Nakatayo ito malapit sa elevator ng parking lot ng building kung saan sila nagtatrabaho na pag mamay ari nito. May kausap ito sa telepono at mukhang seryoso nitong kinakausap ang nasa kabilang linya.

Ngayon ang unang araw nyang papasok sa opisina bilang si Mrs. MonteFalco. Bumaba na sya ng kotse at dahan dahan lumapit kay Liam na may kausap pa rin sa cellphone nito.

Lumingon ito sakanya.

"Yes please. I'll be right there. Bye." Sabi nito sa kausap at pinutol na nito ang tawag. "Let's go." Naglakad ito patungong elevator at pinindot nito ang up button.

Sumunod sya dito. Maya maya pa ay bumukas na ang pinto ng elevator at pumasok na sila. Habang nasa loob sila ay tahimik lamang itong nakatingin sa pinto ng elevator. Kahit kanina bago sila umalis ng bahay ay wala itong imik sakanya. Nasasaktan sya sa ginagawa ni Liam pero wala syang magagawa.

Nag malapit na sila sa 5th floor ay lumingon ito sakanya at hinawakan ang kamay niya. Bumilis ang tibok ng puso nya sa ginawa ni Liam.

Nang makarating na sila sa 5th floor ay agad silang lumabas sa elevator na magkahawak ang kamay.

Lahat ng tao sa floor na iyon ay napatingin sakanila at isa isa silang binati. Sumagot si Liam sa mga bumati dito at nagpatuloy na maglakad papunta sa cubicle kung saan sya nakapwesto.

Naabutan nila si Melissa na nagsusulat. Napatingala ito at nagulat ng makita silang magkasama. Nawala ang kulay sa mukha nito ng makita sya ng kaibigan.

Biglang lumapit sakanila si Mr. Roxas at binati sila.

"Oh bakit ang aga nyo naman pumasok. Wala na bang honeymoon?" Biro nito sakanila.

"I have something to do at maraming naiwang trabaho but we're planning it maybe this weekend." Nakangiting sagot ni Liam kay Mr. Roxas.

Nginitian nya si Mr. Roxas at nag Good morning.

"Ok, love. I have to go. I'll see you at lunch ok." Sabi ni Liam sakanya at bigla sya nitong hinalikan sa noo.

Para syang maninigas sa ginawa ni Liam. Binitawan na nito ang kamay nya at umalis na. Mabilis nitong tinungo ang elevator. Binalik nya ang tingin kay Mr. Roxas.

"Parang hindi ako sanay." Natatawa nitong sabi sakanya.

Natawa sya sa sinabi ni Mr. Roxas.

"Ikaw talaga sir. Masasanay ka rin." Biro nya dito.

"Why decide to go back? Ayaw mo ba maging housewife?" Tukso nito sakanya.

Napaisip sya. Sinabi ni Liam na hindi nito papakialaman ang gusto nyang gawin kaya hinayaan pa rin sya nitong magtrabaho. Ayaw rin naman nyang sa bahay lang sya dahil ang lahat sakanila ni Liam ay pansamantala lamang.

"Napagusapan na namin yan Sir. Ok lang naman sakanya. Gusto ko sin makaipon para sa sarili ko at hindi umaasa lang sakanya." Sagot nya dito.

Naupo na sya sa upuan nya. Napansin nyang narito na ang ibang gamit nya na dinala nya noon sa pansamantalang table nya sa 6th floor. Marahil ay pinaayos na ni Liam ang gamit nya bago pa sya makapasok.

"Ok then, lets get back to work." Nakangiti nitong sabi at nagpaalam na sakanya.

Silang dalawa na lamang ni Melissa ang ang cubicle. Ramdam nya na hindi ito mapakali. Nilingon nya ito.

"Ok ka lang ba?" Tanong nya sa kaibigan.

Nagulat ito ng magsalita sya. Nakatalikod ito sakanya at tumango lang ito bilang sagot. Hinila nya ang upuan nito at hinarap sakanya.

One Night With A StrangerWhere stories live. Discover now