Chapter Twenty

1.8K 46 8
                                    

Binuhat ni Liam si Eorai papasok sa kwarto. Habang buhat sya ni Liam ay titig na titig ito sakanya. Kitang kita sa mga mata ni Liam ang saya nito. Nang makapasok sila sa loob ng kwarto ay iniupo sya ni Liam sa ibabaw ng kama. Umupo ito sa harapan niya.

Nakangiti si Liam habang nakatingin ito kay Eorai. Hinaplos ni Liam ang mukha niya.

"I love you with all my heart Eorai. I'm sorry for all the heartaches I've caused you. Gusto kong bumawi sayo and I promise you, from now on I will show you how much I love you. Kahit minu-minuto pang gusto ay gagawin ko para mapatunayan ko sayo lahat ng sinasabi ko sayo." Nakita nyang nangingilid ang luha ni Liam.

Nagulat sya sa nakikita kay Liam. Ngayon nya lamang nakita si Liam na ganito kaseryoso. Ito ang unang pagkakataon na nakita nya si Liam na umiiyak. Itinaas nya ang kamay para pawiin ang nagbabadyang pagbasak ng luha nito. Ipiniling ni Liam ang ulo kung nasaan ang kamay niya. Bumagsak na ang luha nito sa pisngi at kamay nya.

"P-paano mo nalaman na mahal mo na pala ako?" Lakas loob nyang tanong dito.

Nakatingin lamang sakanya si Liam. Tatanggalin na sana nya ang kamay nya sa mukha nito ng pigilan sya nito.

"Do you remember our team building? Sa stage kung saan tayo kumanta?" Tanong ni Liam sakanya.

Tumango sya.

"Now I've tried to talk to you and make you understand
All you have to do is close your eyes
And just reach out your hands and touch me
Hold me close don't ever let me go
More than words is all I ever needed you to show
Then you wouldn't have to say that you love me
Cause I'd Already know." Kinanta ni Liam ang isang bahagi ng kanta na inawit nila ng gabing iyon. "That very moment, I fell in love with you. It's just that, it took me a long time for me to realize it. Lalo kong napatunayan yon noong hindi tayo nagkakaroon ng pagkakataon makapagusap dahil iniiwasan mo ako. Hindi mo lang alam kung anong pagpipigil ang ginagawa ko araw araw. Sa tuwing makikita kita, gusto kita yakapin at halikan. Hanggang nakita kita kanina sa party. The moment I saw you. God! Gusto ko na isigaw na mahal kita." Nakangiting sabi ni Liam sakanya.

Napangiti sya sa sinabi ni Liam. Nangilid na rin ang luha nya.

"Kahit na mataba ako? Kahit na ganito ak--" naputol ang sasabihin nya ng bigla syang halikan ni Liam.

Hinawakan nito ang mukha nya.

"No, dont say that. Lagi ko sinasabi sayo na you're beautiful. Inside and out. Gusto kong malaman mo na kasama yan lahat sa minahal ko sayo." Sabi ni Liam sakanya.

Tinignan nya ito. Kitang kita sa mga mata nito totoo ang sinasabi nito. Tumango sya kay Liam.

"Thank you for loving me Liam." Sabi nya kay Liam sabay halik sa labi nito.

Gumanti ito ng halik at inihiga na sya nito sa kama.

"I should be the one thanking you Eorai. Thank you for loving me and saving me." Sabi ni Liam na hingal at tinuloy na ni Liam ang halik.

Matagal, madiin at mapusok ang bawat halik ni Liam sakanya. Tila ba parang gutom ito sa pagnanasa sakanya. Unti unti na nitong hinubad ang gown niya na kanina ay naibaba na nito ang zipper sa likod ng gown nya kaya mabilis na rin nitong natanggal ang suot nyang gown.

Napasinghap si Liam ng tumambad sakanya ang dibdib nya. Bumaba ito sa kama at hinila pababa ang gown na suot nya. Bumagsak sa sahig ang gown at ito naman ang sunod na naghubad. Isa isa nitong inalis ang pagkakabotones ng polo nito at mabilis na hinubad. Tinanggal na rin nito ang sinturon at slacks na suot. Tanging boxer na lamang nito ang natitirang suot nito.

One Night With A StrangerWhere stories live. Discover now