Kabanata 34

3.6K 92 65
                                    

Kabanata 34

Pangalawang araw ko na ata iyon na umuuwing mag isa. Dati rati kasi ay lagi kong kasabay umuwi si Mercilla, pero ngayon dahil nga sa naging nobyo na niya si Grei... at sa pagtatalo pa namin ay hindi na nga kami magkasabay na umuwi.

Mahigpit ang hawak ng aking mga kamay sa aking bag habang tinatahak ko ang buong hallway. May mga estudyanteng nakatambay pa roon mga nagtatawanan, nagkukuwentuhan at iyong iba ay tinatapos ang kanilang gawain o gumagawa ng kanilang mga assignments.

Malapit na ako sa gate nang may nakita akong mga grupo ng kalalakihan na nakaunipormeng pang basketball pa. Bigla tuloy akong nailang dahil baka ay pagtripan nila ako.

Nagtatawanan sila sa kung ano at nang makita akong papadaan ay tumigil sila at tinignan kung sino man ang taong nasa likuran nila.

I gasped a bit nang tumayo ang kaninang nakaupong lalaki na nasa kanilang likuran. I saw Cason wearing a red basketball jersey, I admit that the uniform really suits him well na kahit pawisan siya ay mabango pa rin siya. Nagkatinginan kami at napatingin siya sa likuran ko bago ibinalik ang kaniyang mga mata sa akin.

Umamba siyang lalapit sa akin kaya lang ay sa sobrang gulat ko ay napaatras ako ng bahagya. Nakita niya iyon kaya hindi niya itinuloy ang kaniyang paglapit sa akin.

"Percy buti mag isa ka lang asaan na si Mercilla?" tanong ng isa sa mga kasama niya

Nagtiim bagang si Cason. Napakurap kurap ako at hindi alam kung ano ang isasagot tila ba'y nablangko ang isipan ko.

"A-Ahm k–"

"No need to answer that it's pretty obvious that she's with his boyfriend." putol ni Cason sa kaniyang kaibigan

Napayuko ako, gustong gusto ko nang makaalis sa kanilang harapan.

"Let's go." aniya

Nanatili akong nakayuko at bahagyang gumaan ang pakiramdam dahil sa wakas ay aalis na rin sila ng mga kasam niya.

"I said let's go ano pang tinatayo mo diyan?" tanong niya na ikinagulat ko

Was he talking to me? Ako ba ang tinutukoy niya? Unti unti akong nag angat ng tingin at doon ko namalayan na ako nga ang kaniyang kinakausap!

"Huwag ka ng maglakad, sumabay ka na sa sasakyan." paliwanag niya

Tahimik lang naman ang kaniyang mga barkada at hindi sumunod kay Cason nang maglakad na ito. Ako naman ay tila napako na ang mga paa dito sa sahig dahil sa ay hindi ako makapaniwala na isasabay niya ako pauwi?!

Tila ay nawalan na siya ng pasensiya nang lumingon siya at nakitang nakatayo pa roon. He sighed heavily at nagdesisyong lumapit sa akin at hablutin ang aking palapulsuhan! Nanlaki ang mga mga ko dahil sa gulat! Tila ay wala namang pakialam ang mga barkada niya sa amin dahil abala ito sa pagkukuwentuhan sa kung ano. Tuloy tuloy ang lakad namin hanggang sa napadpad kami sa parking lot! Wala doon si Gido... Ibig sabihin ay siya ang nagdala nitong sasakyan at... at siya ang magmamaneho?

Nakatulala lang ako habang nakaharap sa sasakyan niya. I heard him sighed again at pinagbuksan ako ng pinto sa front seat.

"Gusto mo bang maagang umuwi o ano? Sumakay ka na." he nonchalantly said

Wala akong ibang nagawa kung 'di ang sumunod nalang at sumakay sa sasakyan. Hindi ito ang unang pagkakataong sumabay ako sa sasakyan niya at kaming dalawa lang.

He is really so intimidating lalo na't napansin ko na seryoso itong nakatingin sa daan at mahigpit ang hawak sa manibela. Ni isa sa aming dalawa ay walang nagsasalita. Heck, I'd rather talk to myself than to him!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Escaping Montejardo Where stories live. Discover now