Kabanata 3

7.6K 122 2
                                    

Kabanata 3

Hanggang ngayon ay nasa isipan ko pa rin ang lahat ng mga sinabi niya at kung gaano niya pinamukha sa akin ang layo ng agwat namin sa isa't-isa. There's nothing wrong with my job, ito ang bumubuhay sa akin bakit ko ikahihiya ang trabahong ito? At tiyaka matanda na si Lola Anaphe, mas lalo lang siyang mahihirapan kung pati ako'y magiging pabigat sa kaniya.

Palibhasa'y lumaki siyang mayaman na at wala ng ibang iniisip pa.

Kanina pa ako nandirito sa tambayan ko kapag ako'y malungkot o kaya naman ay may problema. Kanina pa din ako umiiyak dahil sa mga nangyari kanina.

"Percy?"

Agaran kong pinunasan ang mga luha sa pisnge ko bago hinurap kung sino mang nilalang ang tumawag sa pangalan ko.

Napakurap kurap ako nang makita ko si Grei sa harapan ko!

"Grei..." I whispered

Nakasumbrero siya, white tshirt at khaki shorts. Tumayo ako kaya naman dahan-dahan siyang lumapit sa puwesto ko.

"Anong ginagawa mo dito?" I asked him

"Ah! Tambayan ko, ikaw anong ginagawa mo dito?" he asked back

"Pareho pala tayo." giit ko at naupo ganoon din ang kaniyang ginawa

"You mean you go here whenever you're sad?" tanong niya

Hindi ko siya sinagot at tanging napangiti nalang sa kaniyang tanong. Bumukas na ang ilaw sa parke kung nasaan kami sintomas na naggagabi na.

"Kapag masama ang loob ko, malungkot o ano man ay takbuhan ko ang lugar na ito. I don't know... there's something with this place that I cannot explain." kibit balikat niya

I sighed at nagpapasalamat na nandirito siya ngayon.

"Same," tanging sagot ko dahil wala talaga ako sa mood

"Okay ka lang ba... I mean, maayos ba ang pakikitungo sa'yo ni Cason?" tiningnan ko siya matapos kong marinig ang pangalan na iyon!

"H-How I wish maayos ang pakikitungo niya..." bulong ko

Narinig ko ang paghinga niya ng malalim at pagkuyom ng kaniyang panga.

"I can talk to my Mom na kunin kayong katulong namin... At puwede ka rin niyang pag-aralin gaya ng ginagawa ng mga Montejardo, Percy!" nagulat ako sa diretsahan niyang sabi

"Just... Leave that hell!" nanginginig niyang sigaw

"I... Can't just leave... Malaki ang utang na loob ko sa Pamilyang iyon, Grei." pangatwiran ko

Hindi ko magagawa iyon sa mga Montejardo dahil napakalaki ng utang na loob ko sakanila at lalong lalo na kay Lola Anaphe! Hindi ako matitinag ng pang-iinis lang sa akin nang kanilang lalaking anak.

He sighed, at alam kong salungat ang kagustuhan niya sa gusto ko. I got curious, bakit ang concern niya sa akin? Sino ako para pagmalasakitan niya?

"Don't get me wrong... base sa aking nakikita, hindi na tama at sumusobra na siya masyado." paliwanag naman niya

"Naiintindihan ko, Grei at nagpapasalamat ako na nagmamalasakit ka sa akin. Pero sana naman huwag mo na kaming pakialaman pa." dahan-dahan kong paliwanag sa kaniya at ginawa ang lahat upang maipakitang hindi ako galit

"If that's what you want and decesion, then I'm gonna respect it. But if you want some help... don't hesitate to call me up, alright? Deal?" nakangiti niyang sabi dahilan para maalis sa isipan kong na offend ko siya

"Deal!" I smiled

Alalang-alala sa akin si Lola nang maihatid ako ni Grei at makauwi sa wakas ng mansyon. Humingi naman kaagad ako ng tawad at pinaliwanag na nagpahangin lang sa paborito kong parke dito sa village.

"Ang akala ko kase ay 'di ka pa nakakauwi galing school kaya naman tinanong ko si Cason." aniya habang nagliligpit ng mga damit na ikinagulat ko

"P-Po?! Tinanong niyo po si Cason– ay Sir Cason?" gulantang kong tanong

"Oo..." sagot niya at abala parin sa paglalagay ng mga damit sa aparador

"A-Ano pong sinagot niya, La?" kuryoso kong tanong

"Uhmm, hindi ka raw niya napansin... Oo iyon ang isinagot niya." simpleng sagot ni Lola

Napahinga ako ng malalim at tinignan si Lola na abala pa rin at walang kaalam-alam sa nangyari kanina. Namamaga ang mga mata ko kanina na ipinagtaka niya pero ang sabi ko ay baka kulang lang ako sa tulog at puyat kagabi!

I couldn't sleep that night and thinks more what was really happened awhile ago, and hurt me again and again everytime I think about it.

Pinunasan ko ang mga luhang lumandas sa aking pisnge patungo sa aking yakap na unan.

I failed again for being tough, as much as I want and as much as I try... I can't.

Gusto ko nalang maglaho bigla na parang bula nang matakasan ang lahat ng aking dinaramdam. Nakakapanlumo, wala akong Ina na gagabay sa akin at wala rin akong Ama na susuporta sa akin. Tanging Lola lang amg mayroon ako... kung tutuusin pa ay hindi ko siya totoong Lola.

Maybe I'm weak and devasted because I am of lack of Parents to take a good care of me? Laging pakiramdam ko ay kulang ako.

Kaya wala akong magagawa kung mapalayas man ako rito o tanggalan ng scholarship... because I am just a maid here, right? Isang pahamak at utusan lang.

I shooked my head to dissapear it all. Naging effective naman at nagpapasalamat na kahit disoras na'ko nakatulog ay maaga pa rin akong nagising.

Masaya akong tumulong sa gawaing pambahay at pati sa pagluto ng almusal ng aking mga amo bago pumasok sa paaralan.

"Thank you, Percy. Nag-breakfast ka na ba?" kung gaano kabait ang mga magulang ni Sir Cason ganoon naman kasama ang anak nila!

"Katatapos ko lang po. Ma'am." sagot ko at ngumiti naman siya

Masaya namang kumakain si Demmie sa hapag. Ilang minuto pa ay may naramdaman akong presensiya sa likod ko at nakita si Sir Cason na padating na.

His hair is so messy from sleeping at mukhang napuyat sa kung anong pinagkaabalahan kagabi. Hindi niya ako nilingon at nilagpasan bago naupo sa hapag pagkatapos batiin ang naroroon. 

"Gwapo ni Sir kahit bagong gising, no?" bulong sa akin ni Kait nang makabalik ako sa kusina

Pekeng ngiti lang ang naigawad ko sa pagpuri niya sa lalaking iyon. Hindi ko maintindihan itong si Kait, na kahit sungitan araw-araw ni Sir ay lagi parin itong masaya!

One time, I asked her this...

"Bakit gustung-gusto mo pa rin si Sir Cason kahit ang sungit niya sayo?" tanong ko

"Hay nako, Percy! Kung alam mo lang... Mas lalo lang siyang gumugwapo kapag nagsu-sungit siya!" kinikilig niyang kwento

Napailing ako at nagulantang nang may biglang tumawag sa akin.

"Percy!"

Sigaw ni Sir. Cason.

Escaping Montejardo Where stories live. Discover now