Kabanata 31

2.6K 66 0
                                    

Kabanata 31


Paggising ko ay bumungad sa akin ang mukha ni lola Anaphe na alalang alala sa akin. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari sa akin dahil wala akong maalala sa nangyari.

Nasa clinic ako at hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nandirito.

"Kamusta ang pakiramdam mo apo?" si lola na hindi pa rin mapanatag ang sarili

"A-Ayos naman po ako la, medyo nahihilo lang po." nanghihina kong sagot

"Ang sabi ng doktor ay dala lang daw ng sobrang init ng panahon kaya ka nahilo at nahimatay." paliwanag niya "Si Cason mismo ang nagdala sa'yo rito..." dugtong ni lola

Hinanap ko siya sa paligid ng kuwarto at nakita nga siya na nakatayo malapit sa sofa at madilim ang kaniyang tingin. Nag iwas ako ng tingin ng magtama ang mga mata naming dalawa.

"Sabi naman ng doktor ay pupwede ka ng umuwi." napatingin ako kay lola

Gabi na nang tuluyan na kaming nakauwi galing clinic, hinintay pa kasi namin ang payo ng doktor  bago kami tuluyang pinayagang umalis.

Ganoon din ang pag aalala ng mga kasama sa mansyon, gaya ng ilang beses ko ng sinabi ay maayos na ang pakiramdam ko. Mabuti nalang at sabado bukas kaya talagang makakapag pahinga pa ako ng mabuti.

"Ayos ka naman ba dito?" si lola habang inaayos ang higaan ko

"Opo ayos na po ako rito..." sagot ko naman

She smiled weakly at me at hinaplos ang aking pisnge.

"Pasensiya ka na ha kung hindi ka masyadong maalagaan ni lola..." bulong niya

"Naiintindihan ko po lola, at tiyaka huwag niyo na po akong alalahanin dahil matanda na po ako!"  I chuckled

Ngumiti din naman siya pero naroroon parin ang lungkot sa kaniyang mga mata.

"Maiintindihan ko kung balang araw ay hindi mo na kakailanganin ng isang lola na mag aalaga sa iyo, dahil alam na alam ko na kahit hindi mo sabihin sa akin... ay gusto mo ng isang totoong Ina ang mag alaga sa'yo..." wika niya

Huminga ako ng malalim, "Lola... Bakit niyo naman po sinasabi iyan? Kayo ang nariyan simula noong wala pa akong isip at nariyan hanggang sa magka isip na ako, bakit niyo naman po naisip na hindi ko na kayo kakailanganin pa?" giit ko

Kinalas niya ang kamay niyang nasa pisnge ko at hinawakan naman ang kamay ko na napaka higpit ngayon.

"Madali lang magbitiw ng mga salita apo... pero mahirap kapag gagawin mo na." aniya

Kumunot ang noo ko at huminga naman ng malalim si lola.

"A-Alam kong darating ang panahon na babawiin ka na ng iyong Ina sa akin pero Percy apo inaamin ko na ikasasakit ng damdamin ko iyon... hindi ko kakayanin." she said

Hindi ko alam kung ano ang uunahin ng aking damdamin. Ang umiyak ba ang malungkot o ano, napamahal na si lola sa akin at ganoon din ako sakaniya. Oo nga naman paano kung bigla nalang magpakita sa akin ang taong nang iwan sa akin at bawiin na ako kay lola? Bakit hindi ko man lang naisip ang mararamdaman ni lola kung sakali man...

"L-La... hindi ko naman po ata hahayaan na mangyari po iyon."

Hinaplos niya ang aking buhok, "Percy... Kahit na hindi mo pa hayaan na mangyari mangyayari at mangyayari ang bagay na iyon. Siya ang may mas karapatan sa'yo." pilit niya

"Lola ano po bang sinasabi ninyo?!" biglang tumaas ang boses ko "Kayo po ang may mas karapatan dahil inalagaan ninyo ako isang bagay na hindi niya nagawa sa akin..." giit ko

Escaping Montejardo Where stories live. Discover now