Kabanata 25

4.7K 101 12
                                    

Kabanata 25

Ginabi na kami ng uwi dahil sa pagbili ng mga art materials para kay Demmie. Tahimik kaming dalawa sa sasakyan habang pauwi, tahimik dahil wala naman akong maisip na pag uusapan naming dalawa. Not that I'm thinking so hard about striking a conversation with him though. Ano naman ang pag uusapan namin hindi ba? Kaya mananahimik nalang.

Ilang kilometro palang ang layo namin mula sa mall nang maabutan namin ang mahabang traffic, binitawan ni Cason ang manibela at hinlig ang ulo. Sumulyap siya sa akin, I startled a bit dahil hindi ko inaasahan ang pagsulyap niya.

"Mukhang may nagkabungguan ata sa may unahan kaya nagkatraffic," sabi niya

Tumingin naman ako sa harap at may nakita ngang mga pulis sa unahan.

"Mukhang matatagalan tayo... ng kaonti." dugtong pa niya

"Baka mamaya... nag aalala na si lola Anaphe sa atin." giit ko

Sinulyapan ko siya at nakitang nakatingin din siya sa harapan. Ako naman ay hindi na mapakali sa aking upuan dahil sa bagal ng traffic.

"Why you looks so uneasy?" nagkatinginan kami

I licked my lower lips. Nablanko ang isipan ko at napakurapkurap.

"Ah, hindi naman..." giit ko

"Talaga ba?" may panunuya sa kaniyang boses

Tumango ako at nag iwas ng tingin.

"Hindi ka kumportable sa akin?" diretsahan niyang tanong habang taas baba ang kaniyang mga kilay

Kumunot ang noo ko "Bakit mo naman naisipan iyan?"

He shrugged "Simple lang... Masyado kang madaling mabasa." he chuckled

Nagulat ako sa sinabi niya at wala sa oras akong napatingin sa kaniya! Nakangiti siya habang nakikita ang iritasyon sa aking mukha! Huminga ako ng malalim at inignora siya. Unti unti na ring umuusad ang trapiko mag aalas siyete y media na ata wala pa kami sa mansiyon!

"Okay, I'm sorry it should be my secret," he chuckled again

Buong bihaye ay tahimik lang ako ganoon din naman siya dahil natunugan siguro na wala ako sa mood para makipagtaltalan sa kaniya. Pagkababa sa sasakyan ay nagpasalamat lang ako sa kaniya dahil sa dinner na nilibre niya at wala ng iba.

"Ginabi kayo." salubong ni lola nang magmano ako

"Pasensiya na po na traffic po kasi kami." sagot ko

Tumango siya at tumingin sa likuran ko bago lumipat ang tingin sa akin, "Nakapag hapunan na ba kayo?" tanong ni lola

"Opo." si Cason na nasa likod ko ang sumagot sa tanong ni lola Anaphe

"Ganoon ba... oh sige, Percy magbihis ka na." utos ni lola

"Sige po..."

Pagpasok ng kuwarto ay wala akong ibang naisip kung 'di ang mga nangyari sa araw na ito. Nakakapagod not only physically but also mentally. My heart pounded napahawak ako sa aking dibdib, bakit hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin ako? Hindi ko na maintindihan ang mga nararamdaman ko, pero isa lang ang paraan na alam ko bago pa mauwi sa huli ang lahat... I will never let my emotions rule me, panigurado na ako at ako ang masasaktan!

Alam kong may mali... hindi ko alam kung kailan at papaano nangyari iyon basta ang alam ko ay naramdaman ko na lamang bigla nang kaharap ko siya.

Tears pooled down my cheeks as I've realized what I really feel... This is an unexpected confession!

Huminga ako ng malalim at mariing napapikit, maybe I'm just infatuated huh?

Oo iyon nga, infatuated lang ako! Kung gusto ko nga siya... dapat noon pa man! Gulung gulo ang isipan ko at kinikilabutan sa sariling mga iniisip.
Nagdesisyon akong lumabas para makainom ng tubig habang papunta ako sa kusina ay paulit ulit kong sinasabi sa aking isipan na hindi ko siya gusto at naguguluhan lang ako... but I startled when I saw him there! Halos umurong ang mga paa ko nang makita ko si Cason doon at umiinom rin ng tubig!

Napalunok ako, pero sa huli ay tumuloy na rin at kumuha ng tubig sa ref at inignora ang mga tingin niya. Kumuha ako ng baso sa tabi niya at uminom na.

"Nagustuhan ni Demmie ang mga ipinamili natin." he smiled as he says it

"Mabuti naman at nagustuhan niya," sabi ko at gustong puksain na ang usapan at ayaw ng pahabain pa! Damn it!

"Siyempre magugustuhan at magugustuhan niya iyon... I was the one who bought it." pagmamayabang niya

Oo nga naman at sino ang hindi magkakagusto sa isang bagay na bigay ng isang Cason Montejardo?  Kahit na maliit na bagay lang iyan... basta't galing sa kaniya you will be the happiest person alive. I suddenly wondered what would it feel kung ako reregaluhan niya? Is it too much to ask for the person... like me?

I sighed. Nagsalita siya.

"Anong iniisip mo?" sa baritonong boses niyang tanong

Napalingon ako sa kaniya at nakita ang seryoso sa kaniyang mukha.

"Wala naman..." mahinahon kong sagot

"Come on... spill it." hamon niya

Napayuko ako "It's not that important." giit ko

"Oh, Percy please..." pinilit niya akong mag angat ng tingin sa kaniya gamit ang kaniyang hintuturo at inangat niya ang baba ko

"Ahm..."

Naghintay siya ng isasagot ko... napapikit ako ng napakahigpit hanggang sa isinantinig ko kung ano ang nasa isipan ko.

"Gusto ko lang... malaman kung ano ang pakiramdam ng binibigyan ng regalo..." halos mahimatay ako nang masabi ko iyon sa harapan niya

"Really? Hindi ka pa nareregaluhan nino man?" hindi niya makapaniwalang tanong

Dahan dahan akong umiling, nahihiya.

"Kahit ng lola Anaphe mo?" nagtaas siya ng kilay

"Hindi na bale, kalimutan mo na ang sinabi ko." giit ko

Sa totoo lang sapat na sa akin ang mga ginawa ng lola Anaphe ko sa akin. Siya ang dahilan nang pagkakatuto ko kung paano maglakad at nagturo kung paano ko isulat ang aking pangalan. Itinuring niya akong tunay na apo at kapamilya.

Biglang sumagi sa isipan ko ang mga naiwang pamilya ni lola Anaphe sa Cebu... Madalas kaming bumisita roon noon kaya lang ay natigil na nang mag abroad ang kaisa isang anak niya na siyang dahilan ng pamamasyal namin roon.

Tatlong taon na siyang naroroon at hindi pa sigurado kung kailan ang balik nito.

"I won't forget about it... Percy." he whispered

"Ha?" gulantang kong tanong

He smirked. Wala na akong nagawa nang lumabas siya at iniwan akong tulala. Napailing ako at hindi alam ang kaniyang ibig sabihin roon. Kung sabagay... Kailan ko ba siya naintindihan?

Escaping Montejardo Where stories live. Discover now