Kabanata 7

7K 152 0
                                    

Kabanata 7

Nakapangalumbaba ako at walang ganang ilipat balik ang bawat pahina ng librong binabasa ko rito sa school library. Humikab ako habang hinihintay na bumalik sa tabi ko si Mercilla, ang tagal naman non!

Ang sabi niya kase sa akin ay may hahanapin lang daw siya, hindi siguro mahanap-hanap kaya nagtagal roon.

Naiirita pa rin ako hanggang ngayon dahil sa ginawa ni Sir Cason... Sa sobrang pagkairita ko hindi ko na alam kung tatawagin ko pa siyang "Sir". Ang hirap niyang hulaan, hindi ko alam kung bakit naiirita siya sa akin! Bawat galaw ko nalang binibigyang diin niya, kahit na libro na tanging kasiyahan ko nalang!

Ang kasiyahan ko ba ay ang papatay sa kaniya?

Napaisip ako. He started hating me when I went to their classroom and gave his lunch at nalamang kakilala ko pala si Grei.

May sumagi sa isip ko na dahilan, pero I shooked my head dahil kahit kailan hinding-hindi mangyayari ang bagay na iyon.

"May I join you?" napakurap-kurap ako nang makita sa harapan ng lamesa ko si Grei! He is smiling from ear to ear and I can't resist his handsomeness!

"A-Ah..." napatayo ako at nataranta kung ano ang una kong gagawin ang dami kasing mga librong nakakalat at mga notes sa lamesa kaya iyon ang una kong ginawa inayos ko ang mga iyon.

I heard him chuckled a bit at dahang-dahan hinawakan ang aking mga kamay. Sa sobrang gulat ko ay napako nalang ang tingin ko roon!

"Relax..." giit niya at ngumiti

Nahihiya akong ngumiti sa kaniya at dahang-dahan naupo. Tumingin-tingin ako sa paligid kung padating na ba si Mers pero hanggang ngayon ay wala pa siya! Nakakainis naman kung kailan nandito si Grei ay doon siya wala! Kinakabahan tuloy ako dahil wala akong maisip na maaari naming pag-usapan.

"Kumusta ka?" he asked

"Maayos naman ako..." giit ko at biglang naalala ang nangyari kagabi

Nagkatinginan kami. He's being so nice with me, pero bakit si Sir Cason hindi niya magawa? Ganoon na ba ako kapangit para kamuhian niya? Bigla akong nalungkot sa sariling naisip.

"What's wrong?" tanong niya ulit nang makita siguro ang biglaan kong pagkaawa sa aking sarili

"W-Wala naman. Ah, ano nga pala ang ginagawa mo rito?" ngayon ko lang napansin ang bagpack sa gilid niya

"Bakit ano ba sa tingin mo ang ginagawa rito?" biro niya habang inilalabas ang kaniyang libro

"Ah yeah." tumango-tango ako "I just thought you came here to wait for someone." dagdag ko

He chuckled "Bakit, Ikaw pumunta ka ba rito para maghintay?"

"No. I'm with Mercilla." depensa ko

"Oh? Where is she now?" luminga linga siya sa paligid

Ganoon rin ang ginawa ko pero hanggang ngayon ay wala pa rin talaga siya.

"Hindi ko alam kung saang lupalop na siya nakarating." biro ko kay Grei

"It's okay. At least masasamahan pa kita kahit papaano habang wala pa siya." sabi niya

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Hindi naman niya nakikita dahil abala siya sa pagbabasa sa kaniyang libro.

"Ba-Baka mamaya nakaka-istorbo na pala ako..." nahihiya kong sabi dahil mukhang nagrereview ata siya para sa nalalapit na finals

"Hindi naman. Actually I really like it." bulong niya sa huling sinabi

Hindi ako nakapag salita. Ano ang ibig niyang sabihin roon?

"Anong ibig mong sabihin?" kumunot ang aking noo

Nag-angat siya ng tingin sa akin tila nalilito. Napakurap-kurap naman ako dahil wala ata siyang ideya kung ano ang itinutukoy ko.

"T-Tungkol sa huli mong s-sinabi." nag-aalangan kong sabi

"Ah! What I meant was, I really like talking to you. You know? I feel so comfortable when I talk to you." ani niya hindi ako sumagot at tumitig lang siya "How about you? Do you feel the same way?"

Mas lalo akong hindi nakasagot. Kinakabahan ako kapag nariyan siya at mas lalong kumakabog ang puso ko kapag kinakausap na niya ako!

Napalunok ako at nagdadalawang isip kung sasagutin siya sa tanong niya na tanging Oo o hindi lamang ang isasagot.

"I guess no." he chuckled "Hindi naman ako katulad ni Cason. Hindi naman ako masama."

Bigla akong na-guilty dahil sa sinabi niya, iniisip ba niya na kaya hindi ako kumportableng kausap siya ay ang pag-aakalang katulad siya ni Sir Cason?

"H-Hindi naman sa ganoon, Grei." bawi ko

Ngumiti siya "I understand."

"It's not like that, Grei. I'm comfortable with you since the day one you saved me."

"And that is the living proof that I am not like him." pagtutukoy niya kay Sir Cason

"Alam ko." banayad kong sabi

Bakit ba kami napunta sa usapin tungkol kay Sir Cason? I don't wanna talk about him. Ayokong pag-usapan kung gaano siya kasama sa akin.

They say 'the more you hate is the more you love' how can you love the someone if where in the first place is you hate each other? Does love started with hate?

Hate turns to love or Love turns to hate?

But then what if... The last one is the worst and toxic one? What if the love turns to hate is the most scarry one? Kung papipiliin ka ano ang pipiliin mo?

Siguro ako, pipiliin ko ang Hate turns to love dahil naniniwala ako na kung mag-uumpisa kayo na ayaw niyo sa isa't-isa you will definitely end up liking each other sa ganoon malalaman mo kung ano nga ba ang mga kahinaan ninyo. Unlike with Love turns to hate, Oo simula palang ay mahal niyo na ang isa't-isa pero paano kung habang tumatagal ay nagiging kumplikado na ang lahat? What if you'll end up hating each other?

Sa lalim ng iniisip ko ay hindi ko na napansin na nakadating na pala si Mercilla hawak ang mga libro na nahiram niya.

"Ang akala ko ay hindi ka na matatapos." bungad ko sa kaniya

Natawa naman siya at inilapag ang limang librong nahiram niya. Iba't-ibang genre ang mga iyon. Ang akala ko ay kumuha siya ng libro para mag-aral ng mga aralin? Napailing ako.

"Nahirapan kasi akong maghanap lalo na't halos magaganda ang mga nakukuha ko!" kwento niya

"Edi hiramin mo nalang sa susunod?" suhestiyon ko

"Hmm mabuti pa nga." she agreed "Ah nga pala Percy, sorry kung hindi kita masasabayan mamayang lunch ha? Nagpatawag kasi ng meeting si President." she smiled sadly

Naiintindihan ko naman dahil abala talaga kung parte ka ng SSG o Supreme Student Government lalo na at sekretarya ang kaniyang tungkulin.

"Oo naman okay lang." I assured her

"Uh, I can accompany you if you want." sabat ni Grei

"Ha?" sabay kami ni Mers sa pagsabi non

He shrugged "Ako na ang sasama kay Percy mamayang lunch." pagliliwanag nito.

–––

Note:

hi! I just want to let you all know that in every chapter is just consisting only one thousand plus words so pardon me if in every chapter is very short. Anyways I'm trying my very best to widen my imaginations to serve you good. Thank you!

Escaping Montejardo Where stories live. Discover now