Kabanata 4

7.2K 120 0
                                    

Kabanata 4

Gulat na gulat ako nang marinig ang boses ni Sir Cason, nasa kusina kami habang siya ay nasa labas. Hindi ko alam kung ano ang uunahin kong gawin kung ang pagliligpit ba ng mga pinggan o ang balingan siya at tanungin kung ano nga ba ang kailangan niya sa mga oras na ito ngayon.

Nagkatinginan kami ni Kait. Nagkibit balikat si Kait sa akin kaya naman napahinga ako ng malalim at tuluyan nang binalingan si Sir Cason.

"A-Ano po iyon, Sir?" pinaka-diin ko ang salitang 'Sir' sa kaniya

Kumunot ang kaniyang noo at inayos ang tayo at inilagay sa magkabilaang bulsa ang kaniyang mga kamay.

"My room is messy, clean it." pinal niyang saad

"Ah Sir! Ako po ang nakatoka sa kuwarto ninyo kaya ako na po ang maglilinis." sabat ni Kait

"No. I want Percy to do it for me." sabi niya ng nakatitig sa akin.

Napalunok ako at maraming mga bagay na puwedeng mangyari ang pumasok kaagad sa aking isipan. I once entered his room noong kinuha ko ang mga marurumi niyang damit, that's it! That is the last time I entered his room at hindi na nangarap pang makapunta pa ulit doon.

Pero hindi ko inaasahang makakapasok ulit ako doon at... utos pa niya!

"Okay po..." napalunok ako

"Bilisan mo dahil may darating akong bisita mamaya." aniya bago kami talikuran

"Punyeta talaga Percy ang guwapo niya!" tili sa akin ni Kait

Matanda siya saming dalawa ni Sir. Cason ng ilang taon kaya hindi ako makapaniwala na nagkakagusto siya sa mas bata sa kaniya dahil kung tutuusin ay parang kapatid na niya ito.

"At tiyaka mabuti nalang ikaw ang pinaglilinis niya kaya mapapahinga ako kahit ilang oras lang dahil kung hindi ay baka nasunggap ko na iyan kanina pa sa kaniyang kwarto!" dugtong pa niya

Napailing ako. Ibang klase!

"Ilang taon ka na nga ulit, Ate?" tanong ko habang patapos na sa pagliligpit at bago umakyat sa taas

"Hmm, beintyuno. Bakit?" sagot niya

"Wala lang naman." sabi ko "Oh sige na, aakyat na ko sa taas at nang makapaglinis na baka mapagalitan pa ako ni Senorito." sarkastiko kong saad

"O sige, Percy. Good luck ha? Sana all talaga hays!" dinig ko pang sabi niya nang makawala na ako sa loob ng kusina

Dala-dala ang walis timbo, dust pan at mop ay tumungo na ako sa taas. Kumatok ako at binuksan na iyon. Pagbungad ko ay walang tao kaya naman napahinga ako ng malalim bago ipasok ang buong katawan sa kaniyang kuwarto. Napasinghap ako nang maamoy ang amoy niya kapag nilalagpasan niya ako.

His room smells nice and manly. Iba talaga ang pabango ng mga lalaki.

Walang pag-aalinlangan akong nag-umpisang mag walis sa sulok ng kaniyang kuwarto sa gilid ng kaniyang kama at sa kaniyang mini bedside table kung saan nasa taas nito ang kaniyang portrait. He was looking at the camera intently animo'y isa siyang modelo ng kung anong brand doon.

I'm so amazed at his look here, natural na natural ang kaniyang mukha... mukha niya kapag nagsusuplado sa akin o kanino man! I rolled my eyes at nagpatuloy sa paglilinis. Pagkatapos ay lumipat ako sa veranda at doon naglinis at inalis ang upos ng mga sigarilyo– I stiffened when I saw some stubs in the table. He is smoking?

Naalarma ako sa aking nakita, kailan pa siya natutong manigarilyo... I know that it is normal to smoke because he's in a right age pero... alam ba ito ng mga magulang niya?

Napailing ako sa aking nalaman. Ang dami niyang bisyo! Dahan-dahan kong pinulot isa-isa ang mga upos ng sigarilyo na nasa lamesa at ash-tray at itinapon sa dust pan.

Nagpatuloy ako sa aking paglilinis at nagtungo naman sa banyo, pinihit ko ang doorknob at nagulat nang may pumihit din sa loob nito! Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang topless na si Sir Cason at tanging tuwalya lang ang saplot sa pang-ilalim nito! The water on his hair are drifting on his body– fuck that! He has a perfect body built it's not seem on his age!

Pinagmasdan ko kung paano tumulo ang tubig galing sa kaniyang buhok patungo sa kaniyang katawan at pababa, damn those six packs of him!

"Is it nice?"

Nabalik ako sa wisyo nang marinig ang boses niya at tuluyang napaangat ng tingin sa kaniya at nanlalaki ang mga mata sa gulat!

"H-Ha?" gulat kong tanong

Suplado siyang nag-iwas ng tingin at kinuyom ang panga bago supladong tumingin ulit sa akin he licked his lips while he do it.

"Ang sabi ko, do you like the view of my body?" suplado niyang tanong

I rolled my eyes nang hindi ipinipahalata sa kaniya. Feelingero!

"A-Ah... Hindi po, S-Sir Cason!" nauutal kong sagot

Tinitigan niya ako ng matagal na matagal na halos hindi na ako naging kumportable na nasa harapan niya, napameywang siya at humawak sa hamba ng pintuan habang nakatingin sa akin.

"Ba-Babalik na po ako sa pagwawalis..." utal ko at nagpapasalamat na hinayaan niya ako

Habang winawalis ko ang malapit sa kaniyang banyo ay nakita ko sa gilid ng mga mata ko kung paano siya umupo sa gilid ng kama at may kinuha sa kaniyang bedside table. Narinig ko ang pagpitik niya sa lighter at ang pagbalot ng usok ng sigarilyo sa buong silid.

I heard him sighed.

"It's so easy to judge without knowing the truth, right? So easy to tell to all the people you meet each day that I'm such a horrible person or so..." he chuckled "...well I wouldn't give a fuck anymore or explain to all of you who I really am and I think that what's really matters." paliwanag niya

Napahinto ako sa paglilinis at pinakinggan ang bawat detalye ng kaniyang sinabi. Is he telling it to himself? Or is he telling me who he really is?

Kung sinasabi niya sa akin iyan. Oo at alam ko, matagal na siyang gago pero hindi ako naniniwalang mag ginintuang puso siya gaya nalang ng pagkakaintindi ko sa sinabi niya!

At tiyaka, lasing ba siya? Bakit siya magsasalita ng ganiyan sa akin? We're not even close!

Huminga ako ng malalim nang makitang nagtungo siya sa kaniyang veranda at doon pinagpatuloy ang  paninigarilyo.

I don't understand you, Montejardo.

Escaping Montejardo Where stories live. Discover now