Kabanata 15

5.8K 162 8
                                    

Kabanata 15

"Bakit ang tagal mo?" tanong ni Mers nang makabalik ako sa bleachers.

Nagkatinginan naman kami ni Grei at naalala bigla ang nangyari kanina sa c.r umiwas ako ng tingin at naupo na.

"Marami kasing nakapila." sagot ko

"Really? But it's vacant." si Grei naman, not buying my excuse

"I mean mga college..." giit ko dahil mukhang ayaw niya talagang maniwala.

Ilang sandali pa'y wala siyang nagawa at tumango na lamang. Nag-iwas ako ng tingin pero hindi ako makatakas sa kaniyang mga mata. Wala sa sarili kong kinain ang natitirang doughnut sa box.

"Sinundan ka ni Cason?" mataman niyang sinabi

Napalingon ako sa kaniya at napailing-iling, hindi ko maintindihan kung bakit ayaw kong ipaalam sa kaniya ang totoo, ang ibig bang sabihin nun ay pinakinggan ko si Sir Cason sa kaniyang sinabing layuan ko nga si Grei? But Grei is my friend, I remembered he saved me!

Napahinga ako ng malalim. "Oo, Grei." pag amin ko

"Oh tapos?" si Mercilla

"Wa-Wala naman..." sa maliit na boses kong sinabi

"Pano'ng wala naman?" pangungulit ni Mers

Hindi ko siya pinansin at nagulat nalang bigla nang tumayo at umalis si Grei nang hindi nagpapaalam. Nagkatinginan kami ni Mercilla, tumayo din ako at sinundan siya. Sa sobrang laki ng mga hakbang niya at bilis ng lakad niya ay hindi ko siya halos maabutan.

"Grei!" tawag ko

"Grei Aquino!" tawag ko pero hindi pa rin siya natitinag!

"Ano bang problema mo, ha?" sigaw ko

Marahas siyang humarap sa akin at napaatras ako ng kaunti.

"Ikaw!" sigaw niya pabalik

"Ba-Bakit?" hindi ako makapaniwala ano nanaman ang ginawa ko this time?

"Bakit kailangan mong magsinungaling sa akin na sinundan ka pala ng hayop na iyon? I know the truth, I was actually waiting to hear it from you but you lied!" giit niya sa akin habang nagpupuyos sa galit

I sighed a bit.

"Dahil alam kong magiging ganito, Grei." napayuko ako

"Did he ask you to stay away from me?" he asked "And don't you ever lie to me again!" dagdag niya

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya... Kitang-kita ko ang pamumula ng mga mata niya at ang mabilis na paghabol niya sa kaniyang hininga.

Hindi ako sumagot dahil ayoko siyang masaktan

"Did he?" hinihingal niyang tanong

"G-Grei..." I whispered

"Damn that bastard! Hindi ka niya pagmamay-ari Percy! Huwag kang sunud-sunuran sa mga gusto niyang mangyari!" he screamed the hell out

"Pasensiya na..." tanging nasabi ko, nakatingin sa dalawang pares kong black shoes

Nag-angat ako ng tingin and saw how he licked his lower lips.

"I'm so disappointed..." wika niya at tuluyan na akong tinalikuran at naglakad palayo

"Grei, please!" saad ko pero hindi na siya natinag pa

"Anong nangyari?" tanong ni Mers na sumunod pala sa amin at bahagya pang hinihingal

"He got mad at me." sa maliit kong boses na sinabi

Escaping Montejardo Where stories live. Discover now