Kabanata 10

7K 143 5
                                    

Kabanata 10

Sa sobrang gulat ko ay naitulak ko siya! Fuck my first kiss! He... He just stole my fucking first kiss! I saw him how he licked his lower lip at yumuko.

Gulat na gulat ako sa nangyari at ang paghinga ko'y sobrang napaka-bilis! Wala ni isang nagsalita sa amin pagkatapos ng nangyaring iyon. Nanginginig ang aking labi na kaniyang hinalikan kanina. 

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksiyon sa kaniyang ginawa! What's his problem anyway?

"Ba't m-mo ginawa iyon..." I said after a long silence between us

Unti-unti siyang nag-angat ng tingin sa akin. Hinintay kong may sasabihin siya pero wala ni isang salita ang lumabas sa kaniyang bibig!

Naabutan kami ni Lola Anaphe na nasa labas kaya kaagad niya akong tinanong.

"Oh, Percy apo kanina ka pa?" tanong niya at palipat-lipat ang kaniyang tingin sa aming dalawa ni Sir Cason

Ilang segundo bago ako nakasagot.

"K-Kadarating lang po... La." giit ko

Napatitig siya sa akin bago tumango. Napakurap-kurap ako at humakbang, nakita ko kung paano tumabi si Sir Cason para makadaan ako.

"Tulungan mo'ko sa kusina pagkatapos mong magbihis." pahabol ni Lola

"O-Opo, Lola." sabi ko bago nagtungo sa maid's quarters

I took a deep breath sabay lapag sa akin bag at nahiga. I suddenly clenched my fist. Ang akala ba niya'y gaya ako ng mga babaeng ikinakama niya? Na magpapatianod nalang sa kaniya dahil... dahil guwapo siya at... at malambot ang labi niya?

Napapikit ako nang maalala ang labi niyang dumampi sa aking labi. Napabangon ako at dumiretso sa banyo, binuksan ko ang gripo at tumingin sa salamin. Hinawakan ko ang labi ko na hanggang ngayon ay namumula. Itinutok ko ang mga kamay ko sa rumaragasang tubig galing gripo at idinampi sa aking labi!

Kahit kailan... Hinding-hindi ako magiging pagmamay-ari ng isang Montejardo-ng tulad mo!

Nagbihis na ako bago lumabas. Naabutan ko si Lola na naglalapag na ng mga kubyertos kaya naman lalapit na sana ako para tumulong kaya lang ay napaatras ako nang makita si Sir Cason na naroroon na sa hapag kasama si Ma'am Demmie.

"Percy, pakikuha naman ang mga plato." utos ni Lola nang makita ako

"Si-Sige po, La." bahagya akong nag-aalangan dahil mariing nakatingin sa akin si Sir Cason

Naabutan ko nama sina Ate Kait at Gido na nagkukuwentuhan natigil sila sa ginagawa nang pumasok ako.

"Ate iyong mga pinggan..." marahan kong tanong kay Ate Kait

"Ah, oo nga pala. Sandali." aniya at tumayo at kinuha ang mga pinggang napunasan na niya dahil siya ang nakatoka roon kanina

Nagkatinginan kami ni Gido na tahimik akong pinagmamasdan.

"Ayos ka lang?" tanong niya

Naitikom ko ang bibig ko bago tumango "Oo naman, Gido." sagot ko at bahagyang natawa kahita naliligalig na ako kanina pa dahil kay Sir Cason na nasa hapag na

Dahan-dahan siyang tumango saktong pagdating ni Ate Kait ay iniabot na niya sa akin ang mga plato.

"Salamat, Ate." saad ko at lumabas na

Nakita kong wala pa sa hapag sina Ma'am Aida at Sir Jason at tanging sina Ma'am Demmie palang at si Sir Cason. Pero siguro pababa na rin sina Madam at Sir.

Hindi ko alam kung bakit napaka-malas ng araw na ito! Bakit ang aga sa hapag ni Sir Cason? Usually kase siya pinaka-huling umuupo sa hapag!

"Percy hija dalian mo akin na ang mga iyan!" si Lola Anaphe nang makita kung gaano ako kabagal maglakad!

Escaping Montejardo Where stories live. Discover now