Kabanata 18

5.5K 94 6
                                    

Kabanata 18



Sir Cason chuckled more besides me while looking at me, hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko dahil sa sobrang kahihiyan! Ang init na rin ng mukha ko at alam kong namumula na ako ngayon!

Sinadya niya bang gawin iyon para makita ni Art o is he playing something nasty again with me? Kung iyon lang naman, puwes ayoko na sa mga panggagago niya sa akin!

"Nope, what is it?" si Sir Cason sa tabi ko

"Pinapatawag ka lang ni Kuya." dinig kong sagot ni Art

Sir Cason sighed heavily before he answered.

"Para saan?" aniya

"I don't know... maybe for the enrolment." he said

"Alright,"

And then Sir Cason looked at me, disappointment is etched on his face. Ano naman ang ibig sabihin non? Hindi ko maintindihan.

Matagal kaming nagkatinginan at kung hindi lang siya ulit tinawag ni Art ay baka hindi na nawala ang mga mata niya sa akin!

"Huwag ka namang pahalata masyado..." dinig kong bulong ni Art kay Sir Cason bago sila tuluyan nang makapasok sa mansyon.

Napailing nalang ako at hindi alam kung ano ang dapat na isipin sa nangyari.

"Uy, sino naman ang mga kasama ni Cason?" bungad sa akin ni Mercilla habang nasa bench kami, tinitignan ang mga estudyanteng dumaraan.

"Ah, mga pinsan niya." sagot ko ng hindi tumitingin sa kaniya

"Hay nako, Percy! Pakisali naman ng mga pangalan." natawa ako dahil sa reaksiyon niya.

"Si Art, iyong naka undercut na gupit at si Adrik naman iyong mahaba iyong buhok." paglalarawan ko para matukoy nga niya.

Kung tutuosin ang laki ng pagkakaiba nilang dalawa lalo na sa itsura kahit na magkapatid sila, masasabi kong soft ang features ni Art kaysa kay Adrik. Si Adrik kasi mukhang laging galit kaya napagkakamalan ng iba na mayabang ito at mahirap pakisamahan, hindi tulad ni Art na itsurang malambing lalo na't pala tawa pa ito.

Ngayon ko lang naalala na baka ito ang sinasabing enrolment ni Art kahapon.

"Parang ang guwapo nung Adrik." Mercilla giggles behind me "Nakakainggit tuloy lalo na't magkakasama kayo sa iisang bubong ano? Araw-araw may nasusulyapang mga abs!" tili nito

Nagulat ako sa pagtili niya at napatingin sa pali-paligid dahil baka mamaya may makarinig pa!

"Sshh! Tumahimik ka nga, mamaya may makarinig pa sa'ten! Tiyaka anong pinagsasabi mong abs diyan? Wala no!" singhal ko

Humigikgik naman ang loka "Hmm, eh si Sir Cason mo nakita mo na?" malisyoso niyang tanong

Nag-init bigla ang leeg ko at umakyat sa aking mukha dahil naalala ko noong pumasok ako sa kuwarto niya ng naka-boxer short lang siya at nung may kahalikan- argh! Ayoko nang isipin pa ang malalagim na nangyari sa pagpasok sa kaniyang kuwarto!

"Puwede ba, Mers?" giit ko

"Shit! Huwag mong sabihing..." hindi niya maituloy-tuloy ang kaniyang sasabihin dahil sa pagka-excite niya sa maaari kong isagot

"Puwede ba Mercilla! Wala!" sigaw ko, konting-konti nalang talaga may makakarinig na sa pinag-uusapan namin!

"Alam kong nakita mo na siya no! Kahit naka-brief lang ba wala? eh, doon kana lumaki at nagka-isip sa bahay nila." aniya

Paano ko ba sasabihin sa kaniya? Napahinga ako ng malalim.

"Hindi naman lumalabas ng kuwarto si S-Sir Cason ng naka boxer lang o kahit na walang saplot man lang no! Conservative s'ya." hindi ko alam kung tama ba ang word na sinabi ko sa panghuli.

Escaping Montejardo Where stories live. Discover now