Kabanata 2

7.7K 143 4
                                    

Kabanata 2

Malaki talaga ang pasasalamat ko na nauna akong umuwi kaysa kay Sir Cason dahil baka malintikan pa ako kung sakaling siya ang nauna kaysa sa akin!

Nadatnan ko si Lola Anaphe sa maid's room at natutulog, napatingin ako sa orasan alas-tres palang pala ng hapon.

Nagbihis na agad ako dahil maya-maya pa ay paniguradong nandito na si Sir Cason. Dumiretso naman ako sa kusina para sana makakuha ng isang basong tubig at makainom.

Pero halos mapaatras ako nang makitang nandoon na si Sir Cason! Fuck! Bakita hindi ko narinig na bumisina ang sasakyan niya? Or... Huwag mong sabihing sinadya niya iyon para magulat nalang ako bigla na nandiyan na pala siya? Nakakainis naman!

Nakahilig siya sa counter top at hindi pa rin nakakapag bihis. Ganoon na ba kalaki ang nagawa kong kasalanan sa kaniya? Na halos hindi na siya makapag-hintay na sermonan ako?

Hindi ko alam kung napansin niya ako dahil nakahilig siya sa counter top at malalim ang kaniyang iniisip habang nakatingin siya sa baba at ang kaniyang mga kamay ay nakahalukipkip.

"Si-Sir?" nauutal kong tawag sa kaniya

Doon palang ata niya narealize na nandirito na ako e, dahil kung hindi ko siya tinawag ay malamang hindi ito lilingon sa akin!

He just look at me and wet his lips using his tongue. Napatingin tuloy ako kung paano niya ginawa iyon at nagulat ako nang napatingin din siya sa labi ko... o guni-guni ko lamang iyon?

"S-Sir pasensiya na ho talaga sa nangyari kanina sa pagkain ninyo... hi-hindi ko po alam na panis na pala–"

"May relasyon ba kayo ni Grei?" pagputol niya sa sinabi ko na hindi ko naman inaasahan!

At... Anong sinabi niya?

"Po?" laglag panga kong tanong

He rolled his eyes. Ang sungit naman!

"Bingi ka ba? Ang sabi ko may relasyon ba kayo ng putanginang Grei na 'yon?" mukhang naiinis na siya

"Wala po!"

Agaran kong sagot kahit na malaki ang aking pagtataka sa mga kinikilos niya ngayon. Nanliit ang mga mata niya at tila hindi naniniwala sa aking sagot.

"Are you sure?" nagtaas siya ng isang kilay

"Ba-Bakit lovelife ko ho ang pinag-uusapan natin dito? Hindi ba dapat... doon sa napanis mong lunch?" giit ko

Hindi siya umimik at nag-iwas ng tingin kaya naman malayo kong natitigan ang kaguwapuhan niyang taglay.

He's such a play boy and everyone knows it. Masama rin ang ugali niya pero pasalamat siya't guwapo siya kahit na papaano.

But wait, why am I thinking this where in the first place wala akong pakealam sa kaniya?

Naalala ko bigla noong naglilinis ako sa gilid ng pool nang bigla niya akong tinulak! Nagkataon pa na hindi ako marunong lumangoy at takot ako sa tubig! I was drowning and chasing for my life, wala akong ibang naririnig noon kung 'di ang tawanan nilang magbabarkada sa malayo ang akala ko'y mamamatay na ako not until someone's arm snaked into my belly and help me to get through.

Ang sumunod na nangyari ay hindi ko na alam dahil nawalan ako ng malay. I was in the maid's room not wanting to go outside because of the trauma. I swear to God I killed Cason in my mind billion times on what he just did to me!

Sinabi rin sa akin ni Lola na si Grei daw ang nagligtas sa akin (Isa sa mga barkada ni Sir Cason) kaya naman sobra ang pasasalamat ko sa kaniya at utang na loob ko ang buhay ko sa kaniya.

"So what if I want to talk about your love life?" aniya pagkatapos ng ilang minuto

Tumalikod siya't kumuha ng beer sa refrigerator bago naupo sa high-chair at tignan ako.

Nasapo ko naman ang noo ko dahil sa pangingialam niya tungkol sa buhay pag-ibig ko, like hello? Hindi ko nga pinapakealaman ang mga babae mo linggo linggo!

"Hmm?" he said at tinignan ako mula ulo hanggang paa

"I can feel your british blood running down to your veins..." he said it like a vampire thirst in blood

Kinilabutan tuloy ako sa sarili kong iniisip! At tiyaka matatapos pa kaya ang pag-uusap na 'to? Natatakot na ako sa mga pinagsasabi niyang mga walang kwenta! 

"Anyways, regarding with the musty food that you brought me just awhile ago... Hmm, let me think of your punishment." ngiti niya

"What do you think? Ano kayang bagay?" he asked me "Mapalayas dito sa Mansyon? Mawalan ng scholarship? What do you think?"

Dinig na dinig ko ang pagtambol ng puso ko sa aking dibdib. Hindi ko ata kakayanin!

He laughed hysterically. Anong trip ng lalaking ito?!

"You're so serious, hindi ka mabiro." tawa niya

"Hindi na kasi nakakatuwa!" hindi ko mapigilang mapasigaw kaya napatigil siya sa pagtawa

"Nakakatuwa bang mapalayas kami dito't mawalan ng trabaho? Nakakatuwa ba ang mawalan ng scholarship na tanging pag-asa mo lang para makagraduate? Please be considerate naman Sir Cason... Parusahan mo na ako kung gusto mo pero huwag mo namang idamay ang kinabukasan ko. And it's not funny after all! Ang hirap sa inyong mayayaman akala niyo madali lang ang lahat dahil may mga pera kayo at may ipagmamalaki!"

Hindi ko napigilan ang sarili ko. Nasabi ko ang lahat ng iyon sa kaniya nang hindi man lang kinabahan o nautal! 

"Dahan-dahan ka sa pananalita mo. Still I am your boss!" giit niya

"You're not my boss. Your parent's are my boss, anak ka lang nila." dahan-dahan kong sinabi

Bahagya siyang natawa at napailing.

"Ang tapang mo no? Who do you think you are? Ah! Oo nga pala, katulong ka lang dito, walang silbi at palamunin–"

Tuluyan ko ng hindi napigilan ang sarili ko lumapit ako sa kaniya at sinampal ang kaliwang pisnge niya!

"Sumusobra na po kayo... S-Sir Cason." sa hindi inaasahang pangyayari ay nanginig ang labi ko at nag-unahan sa pagtulo ang mga luha ko!

Umiyak ako sa harap niya habang siya ay abala sa pagtingin sa kaniyang iniinom na beer. Pinunasan ko ang mga luha ko.

"Why are you crying?" tahimik niyang tanong

Hindi ako sumagot at nanatili sa harapan niya na sana ay kanina ko pa ginawang umalis!

"Huwag kang umiyak sa harapan ko!" he screamed out loud as hell sa sobrang lakas ng pagkakasigaw niya ay halos magising ang mga taong natutulog!

I did my best to run... run... And run again to escape him...

Escaping Montejardo Where stories live. Discover now