Kabanata 27

4.6K 92 17
                                    

Kabanata 27




Tutal ay iisa lang ang daan papunta sa kinaroroonan ng bahay namin. Nagpasya si Grei na isabay na ako pag uwi. Hindi na rin naman ako tumanggi dahil tama siya at sa iisang subdivision lang kami. Nasa sasakyan kami nang kinain ko ang mga binili niya para sa akin.

"Salamat, ah? Kahit na nakakahiya pa rin." sabi ko sa kaniya

He chuckles, "Ano ka ba, ako dapat ang nagpapasalamat sa'yo Persephone." wika niya

He's smiling from ear to ear and I can sense that he is in so much joy right now. I knew it, he's a nice guy. At kung ano man ang iniisip ni Mercilla laban sa kaniya ay malaking pagkakamali iyon. He has been so nice with me at wala akong nakikitang kamalian roon.

"Baka mamaya matunaw na ako diyan ah." halakhak niya

Napakurap kurap ako at hindi ko namalayan na nakatitig na pala ako sa kaniya! Nakakahiya!

"P-Pasensiya na, Grei." napayuko ako

"It's okay..." parang tinangay ng hangin ang sinabi niya, hindi ko maintindihan

"Nga pala, masarap ba iyang flavor ng milk tea na nabili ko?" he asked

Wala naman sa sariling napatingin ako roon. "Uh-hmm" sagot ko

"Really? Patikim nga." aniya habang diretso pa rin ang tingin sa kalsada

"Huh?! Pero... may laway ko na 'to e." sabi ko

Natawa naman siya at sinulyapan ako.

"Titikman ko lang." aniya naman

Pabalik balik ang tingin ko sa kaniya at sa milk tea na hawak ko. Naisip ko na hindi ba siya bumili ng para sa kaniya? Pero naisip ko din na baka hindi niya pa natitikman ang flavor nito kaya ganoon. Sa huli ay inilapit ko iyon sa bibig niya. Ngumiti siya ng matikman niya iyon.

"Nandito na pala tayo." giit niya at nakita ko na nga ang malaking tarangkahan sa bahay ng mga Montejardo.

Dali dali akong bumaba at nagpasalamat sa kaniya bago nagdesisyong pumasok na. Bumungad sa akin ang sasakyan ni Cason, bahagya akong nagulat dahil mas nauna pa siya sa aking umuwi ngayon ah? Napaangat ako ng tingin sa taas at nakita siyang nakahilig sa barandilya at nakatingin sa akin! Natigilan ako at nagkatinginan kami hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya... may dumaang kalungkutan sa kaniyang mga mata o tanging guni guni lamang iyon?

Bumaba ang tingin niya sa dala kong mga macaroons at sa milk tea na nasa kanang kamay ko. Hindi ko alam pero naguilty ako bigla. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang aking nararamdaman.

Hindi ko na siya nilingon pa at tuluyan ng pumasok sa loob ng mansyon.

"Percy ilabas mo na ito roon." utos sa akin ni lola

"Sige po." sabi ko naman at kinuha na ang pinggan na may lamang ulam

Paglabas ko'y naabutan ko ang magkapatid na nagkukwentuhan at si Cason sa hapagkainan habang hinihintay ang mga pagkain na nilalapag.

"Ngayon palang talaga ako nainis sa ganoong babae!" singhal ni Adrik

"Edi finally nakahanap ka ng katapat mo?" halakhak ni Art

Hindi nila ako napansin dahil abala sila sa kanilang pinag uusapan at tanging itong si Cason lang ang pinagmamasdan ang ginagawa kong paglapag sa pagkain.

Nagkatinginan kaming dalawa. Nakita ko kung paano magtiim ang mga bagang niya. Natutop ko ang labi ko bago umalis na roon at pumasok nang muli sa kusina.

"Hoy, Gido kanina ka pa diyan ah? Akin na iyan!" dinig kong bulyaw ni Ate Kait kay Gido

"Saglit na lang, di pa nagrereply e!" si Gido naman

Escaping Montejardo Where stories live. Discover now