Kabanata 22

5.1K 92 11
                                    

Kabanata 22



Isang linggo na ang nakalipas matapos mag umpisa ang semestrial break para sa nalalapit nang kapaskuhan. Siyempre nilagyan na rin namin ng mga dekorasyon ang buong mansyon magmula sa harap hanggang dito sa loob ay punong puno ng mga dekorasyon at talagang ramdam na ramdam mo talaga na nalalapit na nga ang kapaskuhan.

Kaya lang ay napapawi ang ngiti sa aking labi sa tuwing dumadako sa aking isipan ang kalagayan ni Cason ngayon... pagkatapos ng nangyari kase sa pagitan nila ni Madam Aida ay lagi nalang itong umaalis at tuwing uuwi naman ay sobrang gabi na... at lasing pa.

Lagi niyang kasama ang dalawang magkapatid sa tuwing siya'y umaalis, hindi na rin namin alam kung saan sila pumupunta. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi man lang siya pinagsasabihan ng kaniyang ama.

"What's for dinner tonight, ate?" tanong ni Demmie sa likod ko habang nagpupunas ng mga plato dito sa kusina

"Ah, nagluto si lola ng chopsuey at fried chicken." sagot ko rito "Nagugutom ka na ba?" nakangiti kong baling sa kaniya

Nakangiti naman siyang lumingon sa akin, tatlong taon lang ata ang tanda ko kay Demmie pero kahit na ganoon ay konti nalang ay magkasing laki na kami.

"Uhm, pagdadala ko sana ng dinner si Kuya mamaya." nahihiya niyang tugon "May luto na po ba? Hindi kasi siya nag breakfast at lunch kanina e." anito

Bahagya akong nataranta at hindi alam kung ano ang aking gagawin. Medyo nagalala rin para sa lagay ni Cason ngayon.

"Naku! Kung gusto mo ako na ang maghahatid sa Kuya Cason mo ng dinner niya. Ayos ba?" suhestiyon ko hindi dahil gusto kong makita si Cason kung 'di para makasabay na rin siyang makapag hapunan sa mga magulang niya

"Really? that's a good idea!" maligayang wika nito "Thank you, ate!"

"Walang anuman, Demmie." saad ko

She's easy to be with naman at hindi rin masungit. Hinanda ko na ang kakainin ni Cason at nilagay na sa isang tray habang abala sina lola sa hapag ay nandirito ako at hinanda ang pagkain niya.

Umakyat na ako dala ang pagkain niya at kinatok ang kaniyang kuwarto. Walang sumagot pagkatapos ng ilang katok na iginawad ko, kaya nagdesisyon akong pihitin ang doorknob. Napalunok ako nang makita ang ayos ng kaniyang kuwarto, gaya ng dati maraming nagkalat na upos ng sigarilyo na nasa lapag at ang mga basyo ng alak.

"C-Cason..." tawag ko pero walang sumagot

Kinagat ko ang labi ko at inilagay ang tray sa side table at pinuntahan siya sa veranda. Tama nga ang hinala ko at naroroon siya. Nakahilig siya sa railings at alam kong naninigarilyo siya base sa usok na nakikita ko ngayon.

Unti unti akong lumapit, kitang kita ko ang likod niya lalo na't wala itong pang itaas na damit.

"Nandito ka lang pala... hinatiran kita ng pagkain mo." sabi ko nang makatabi ko na siya

Bumuga muna siya ng usok bago ako hinarap natigilan ako dahil sa binungad niyang mga usok sa akin. He chuckled at my sudden reaction.

"Hate it?" tanong niya at bahagyang lumayo sa akin para hindi ko maamoy ang usok na kaniyang binuga

Hindi ako bulag para hindi makita kanina ang tattoo sa kaniyang bandang kaliwang dibdib, kung 'di ako nagkakamali ay punyal iyon o dagger.

"Kailan ka pa nagpalagay niyan?" sa maliit na boses kong tanong sa kaniya

"Ngayon mo lang napansin?" he smirked

Namilog ang mga mata ko. Ibig sabihin, matagal na iyang tattoo niya? Pero kung sa bagay hindi ko naman kase tinitignan ang bawat detalye sa katawan niya noon. Mahirap na't masabihan pa niya akong manyak o ano man.

"A-Ah, oo e." sabi ko, nahihiya dahil baka akalain niya ay pinagpapantasyahan ko pa ang katawan niya! "Cason, anong problema mo? At baka makatulong ako?" diretsahan kong sabi sa kaniya

He laughed without humor. Kumunot naman ang noo ko dahil doon.

"Really, Percy? Sarili ko ngang pamilya ay hindi ako matulungan ikaw pa kaya?" aniya

"Bakit naman hindi? Tiyaka anong sinasabi mong hindi ka matulungan ng pamilya mo eh hindi naman nagkulang si Madam Aida..."

"Shut the fuck up!" agresibo niyang sigaw

Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil sa mga mata niyang nanlilisik dahil sa galit.

"Mayaman kami, Percy... Kaya naming bilhin ang kahit anong bagay na gusto namin... kahit ano. Pero alam mo ba na may isang bagay kami na hindi mabili bili? Iyon ay ang pagkakaroon ng perpektong pamilya." his voice broke, my heart broke.

"Akala lang ng iba na perpekto ang pamilya namin. Pero ang totoo, may itinatagong baho ito sa likod ng magarang bahay na ito at nakakubli ang lahat ng sakit at pighati." kwento niya at ramdam ko ang sakit sa bawat mga katagang kaniyang binabanggit

"Babaero 'din si Daddy, gabi gabi silang nagtatalo ni Mommy dahil sa mga babae ni Dad..." saad niya

Nagulat ako roon! Oo madalas nga naming makita o marinig na nag aaway sina Ma'am Aida at Sir Jayson pero ang buong akala namin ay tungkol lang iyon sa kanilang kumpanya!

"Kung ganoon... Iyon ba ang dahilan kung bakit ka nasa gang..." maingat kong tanong

"Oo. Galit na galit ako kay Daddy hanggang sa may..." tinitigan niya ko hindi ko makuha kung ano ang ibig niyang sabihin

Pumikit siya ng mariin, napayuko at lumunok.

"Hanggang sa may... napatay akong isa sa mga babae niya."

Nanlamig ako bigla dahil sa isinuwalat niya, he looked at me with so much sadness in his eyes. Hindi ko alam pero may sakit na gumuhit sa aking puso. Ang sakit.

"Ba-Bakit hindi ka pinakulong?" alam ko na ang sagot pero hindi ko mapigilan ang aking sarili

"I told you. Makapangyarihan ang pamilya namin." anito

"Wala kang puso..." natulala ako "Paano mo nagawa iyon?!" sigaw ko at isa isang pumatak ang aking mga luha sa aking pisngi

"Masisisi mo ba ako? Ang babaeng iyon ang sumira sa pamilya namin! Kung nasa kalagayan mo ko, gagawin mo rin iyon!" aniya

Mabilis akong umiling habang umiiyak pa rin. "Hindi mo ko katulad, Cason! Hindi ako papatay ng isang inosente!" giit ko

Tumawa siya ng malakas

"Inosente?! Alam mo ba ang sinasabi mo ha?!" sigaw niya

Napailing ako at unti unting lumalayo sa kaniya hanggang sa nakalabas na sa kaniyang kuwarto. I cried so hard that night. Iniisip kong paano niya nagawa ang bagay na iyon...

Umagang paggising ko naabutan ko si lola nag aayos na. Kinukulit ko siya na umalis na kami dito sa mansyon. Nakakapag taka dahil hindi man lang siya nagulat kung bakit ko siya pinipilit ngayon.

"La!" pagsusumamo ko

"Sinabi niya sa'yo?" malamig niyang tanong

"Po?"

"Sinabi niyang nakapatay siya?" aniya

Nanlaki ang mga mata ko

"Alam ninyo?" gulat kong tanong

"Manahimik nalang tayo, Persephone! Hindi maganda ang manghimasok pa at buhayin ang nakaraan!" wika niya

"At bakit naman po?" giit ko

Tiningnan niya ako ng masama bago huminga ng malalim at kumalma.

"Baka bukas o makalawa ay tayo na ang isunod niya! Percy, makinig ka naman sa akin apo." pagsusumamo ni lola sa akin

Hindi ako makapaniwala... sa lahat... sa lahat ng mga nangyayari!

Escaping Montejardo Where stories live. Discover now