Kabanata 1

9.8K 148 0
                                    

Kabanata 1

"Ano ba iyan Percy! Kanina pa ako naghihintay dito!" reklamo sa akin ni Mers, na aking kaibigan.

Napag-usapan kasi namin kanina na magkikita kami sa ilalim ng puno ng mangga dito sa likod ng school para mag siesta at gumawa ng mga takdang aralin kung sakaling mayroon man.

"Sorry na! Hinatid ko muna kase 'yung lunch ni sir Cason sa ikatlong palapag." paliwanag ko bago naupo sa tabi niya sa mat na inilantang niya siguro kanina habang hinihintay ako.

Kumunot sandali ang noo niya "Hanggang dito ba naman, on duty ka sa kaniya?" naiirita niyang tanong

"Wala akong magagawa Mercilla dahil boss ko siya." giit ko habang kinukuha ang libro't notebook sa bag ko

"Kahit na! Ano siya, kindergarten at nagpapahatid pa talaga ng lunch niya sa'yo?" sabi ng kaibigan ko

Hindi ko na siya pinansin pa sa mga sinasabi niya at nagsimulang magsulat nalang sa naiwang ginagawa kanina. Sa kalagitnaan ng aking pagsusulat ay bigla kong narinig ang pagbuntong hininga ni Mers kaya naman napatingin ako sa kaniya.

"Speaking of the devil..." bulong niya

Napalingon ako kung saan siya nakatingin at doon ko nakita kung sino ang kaniyang tinutukoy.

Nakita ko si Sir Cason kasama ang kaniyang mga barkada, may kasama rin silang isang babae na sa tingin ko ay panibagong kasintahan ni Sir Cason dahil akbay-akbay niya ito.

Napailing na lamang ako dahil sigurado ako bukas na bukas din ay iba nanaman ang magiging girlfriend niya!

Nagpatuloy ako sa aking ginagawa at biglang napasagi sa aking isipan ang nangyari kanina sa ikatlong palapag.

Hawak-hawak ko ang paper bag na may lamang lunch niya, naglalakad ako mag-isa patungo sa third floor iniisip pa rin na tinawagan niya ako kanina para lang utusan na bilhan nga siya ng lunch!

Pagkatapos ng huling klase ko bago mag-lunch niya ako tinawagan, kaya naman dumiretso agad ako sa school canteen para lang maihatid sa kaniya agad-agad iyon!

Hindi naman siya ganito dati ah? Siya mismo ang bumibili sa pagkain niya kasama ang mga barkada niya! Kaya laking pagtataka ko kung bakit kailangang ako ang gumawa non.

Bigla kong nakasalubong si Grei na kaklase at barkada ni Sir Cason. Nagkatinginan kami bago bumaba ang tingin niya sa paper bag na dala ko at sa akin ulit.

He did not say any words at nilagpasan na ako, ganoon din ang ginawa ko at nagpatuloy na sa pag-akyat hanggang sa makadating na sa ikatlong palapag. Alam ko naman kung nasaan ang silid aralan niya kaya hindi na ako nahirapan pang puntahan o hanapin iyon.

Nag-uusap usap sila nang datnan ko sa loob ng classroom,

"Maybe he got offended, Dude." hindi ko sinasadyang marinig ang pinag-uusapan nilang magkakasama

"Ba't siya ma-ooffend? Percy is my yaya walang masama kung utusan ko siya!" dinig kong sabi ni Sir Cason

"U-Uh... E-Excuse me Sir C-Cason, heto na po iyong pina-utos ni-ninyo sa akin..." giit ko

Ni hindi man lang siya nagulat sa prisensiya ko. Malamig niya lang kinuha ang hawak ko ni hindi man lang nagpasalamat.

"You may go." ani niya lang

Napakurap-kurap ako at napatingin sa paligid lalo na sa mga kasamahan niyang naroroon. Tahimik lang nila akong pinagmamasdan tila walang nangyaring pag-uusap kanina tungkol sa akin.

Habang pababa ako ng hagdan ay iniisip ko ang narinig ko galing sakanila.

Ma-ooffend? Sino?

Hinayaan ko nalang at pinuntahan na si Mers.

"Huwag mong sabihing dito sila magtatambay?" bulong sa akin ni Mers

Natigil ako sa pagsusulat at napaangat ng tingin kina Sir Cason kasama ang kaniyang mga barkada at bagong girlfriend na palapit na sa amin.

"Dito rin pala nakatambay ang yaya mo, Case." tawa nung isa niyang barkada

Napangisi si Sir Cason at bahagya namang tumawa ang ibang kasamahan niya. Tatlo ang kasama niyang barkada at iyong girlfriend niya.

Hindi ako kumibo, huli na nang malaman kong nasa tabi ko na pala si Sir Cason!

"Panis ang binili mong lunch sa'kin gusto mo ba akong lasunin, ha!?"

Nagulat ako bigla sa sinabi niya at napatayo mula sa mat.

"P-Po? Sa school canteen ko po iyon nabili... Imposible–"

"So are you trying to say that I'm lying?" giit niya

"Hi-Hindi naman po sa ganoon, Sir." napayuko ako

"Gusto mo bang mawalan ka ng trabaho kasama na ang Lola mo at mapalayas kayo sa mansion?" dugtong niya

Kumalabog ang puso ko dahil sa sobrang kaba. Hindi ko yata kakayanin na makita si Lola sa gilid ng kalye at ako habang nanlilimos ng barya sa mga taong nagdadaan!

"Hi-Hindi po Sir Cason... Pakiusap po... Pasensiya na po." pagmamakaawa ko habang nakayuko

Napatikhim siya. "Look at me..." utos niya

Kinagat ko ang labi ko at unti-unting nag-angat ng tingin sa kaniya.

Nagkatinginan kami at nasilayan ko kung gaano kaganda ang kaniyang mga mata. Nga lang, sa likod ng mga iyon ay kalupitan lamang ang nakikita...

"Maaga kang umuwi mamaya, hindi pa tayo tapos sa usaping ito." ani niya bago ako talikuran at maglakad ganoon din ang mga kasamahan niya.

"Kahit kailan talaga iyan!" bulalas ni Mercilla "Kung hindi mo lang talaga siya boss, Nakuuu!" dugtung niya

Tahimik akong naupo muli sa mat hindi na malaman kung nasa sarili pa ba ako o ano. Totoo naman kase, hindi ko alam kung paano napanis iyon! Dahil sa pagkakaalam ko wala pa akong nabalitaang napanis ang pagkain sa school canteen namin, dahil kung meron man panigurado ay mawawalan ng trabaho ang cook doon!

"Natatakot ako, Mers." pag-amin ko "Ba-Baka palayasin kami sa Mansion!" natataranta kong sabi

Huminga ng malalim si Mers bago naupo na rin sa tabi ko at hawakan ako sa magkabilaang balikat.

"Relax ka lang, okay? Hindi naman kayo mapapalayas dahil sa simpleng pagkapanis nung pagkain... Atsaka may nangyari bang masama kay Sir Cason mo? Wala hindi ba!? Kaya huwag ka nang mag-alala diyan!" sabi niya

Tama si Mercilla, walang nangyaring masama kay Sir Cason kaya hindi kami mapapalayas sa mansion!

Sa daming tumatakbo sa isipan ko dahil sa nangyari ay hindi na ako makasunod sa aming discussion!

Escaping Montejardo Where stories live. Discover now