Simula

19.8K 224 56
                                    

Simula

"Hangga't maaari ay huwag na huwag kang gagawa ng mga bagay na maaari mong ikapahamak." pangaral sa akin ni Lola Anaphe

Sa totoo niyan ay hindi ko siya tunay na Lola pero ang sabi niya sa akin ay namamasukan raw rito dati ang Nanay ko pero simula nang maipanganak ako ay iniwan niya nalang ako bigla dito sa kung saan siya nagtatrabaho bilang katulong sa mga Montejardo. Kaya simula noon siya na ang tumayong Lola ko, hindi niya rin daw alam kung saan na nagpunta ang Nanay ko at hindi niya daw kilala kung sino ang nakabuntis rito o sino ang Tatay ko.

Pero ang sabi niya sa akin ay tutulungan niya raw akong mahanap ang mga ito. Sa katunayan pinag-aaral ako ng mag-asawang Montejardo sa isang kilalang marangyang paaralan kung saan doon rin nag-aaral ang kanilang dalawang anak.

Pinag-aaral ako at ang kapalit ay ang pagsisilbi sakanila rito sa kanilang Mansyon.

Tumango ako at bumungad sa akin ang nangungulubot nang mukha ni Lola Anaphe at may iilan na rin siyang mga puti-puti sakaniyang buhok.

"Oo naman po, Lola. Mabait po akong bata!" biro ko

"Ikaw talaga, alam ko naman iyon. At tiyaka alam mo ba nakapasuwerte ng Nanay mo kung makikita ka niya." ngiti ni Lola sabay haplos sa aking malambot na buhok

Matipid akong ngumiti at hindi na nagsalita. Sa totoo lang niyan ayoko talagang pinag-uusapan ang mga magulang ko, lalo na ang ang Nanay ko na siyang nang-iwan sa akin simula noong musmos palang ako.

Kung may galit man siya sa Ama ko kaya niya nagawa ang iwan ako rito... wala naman siguro akong kasalan roon hindi ba? labas na dapat ako sa kung ano man ang away nilang dalawa!

"Nga pala Percy, apo. Akyatin mo na iyong kuwarto ni Cason at kunin na ang mga damit niya at ng malabhan ko na." aniya sa akin

Hindi pa natatapos ang araw na ito pero mukhang pagod na pagod na si Lola dahil sa kalilinis sa buong bahay, may kasama naman siya sa paglilinis pero sa laki ba naman nitong bahay ay hindi kakayanin ng anim na mga katulong lang!

"Sige po at ako nalang po ang maglalaba sa mga damit niya." sagot ko kay Lola

Bigla naman siyang napatingin sa akin, tila ba ay hindi makapaniwala sa aking sinabi. Hindi naman talaga kasi kapani-paniwala, dahil ang madalas kong gawain sa mansion ay ang magdilig ng mga halaman, mangolekta ng mga marurumi nilang damit sa kani-kanilang kuwarto at ipaghanda sila ng mga kubyertos sa hapag.

Mas mabuti pang ako nalang muna ang maglaba para na rin matulungan ko si Lola. Sabado naman ngayon at walang pasok.

"Sigurado ka ba? Maselan sa damit si Cason hija at baka... mapag-initan ka niya kung sakaling hindi tama ang pagkakalaba mo." nag-aalalang sambit ni Lola Anaphe sa akin

"Marunong naman po ako, La. Tinuruan niyo na po ako hindi ba?" nakangiti kong sagot

"Osya at ang tigas ng ulo mo! Puntahan mo na ang kuwarto niya." aniya bago pumunta ng kusina para siguro makapag-luto na ng tanghalian

Naglakad na nga ako at umakyat na ng hagdanan, nasa gawing kanan ang kuwarto ni Sir Cason pagkatapos mong akyatin ang hagdan.

Nang nasa tapat na ng kaniyang kuwarto, napatigil ako bigla at napatitig sa kaniyang pintuan. Kinakabahan ako ng konti, hindi ko naman kasi siya close at madalang lang siyang nakakausap ang madalas kong makausap ay ang nakababata niyang kapatid na si Demmie.
Suplado siya at laging nakakunot ang kaniyang noo. Sabay kaming lumaki dahil nga bata palang ay naririto na ako pero kahit ni minsan ay hindi siya nakipaglaro sa akin noon... pinagbabawalan niya rin noon si Demmie na makipaglaro sa akin.

Siguro iniisip niya noon... at hanggang ngayon na kakaiba ako sa kanila? At ngayong namulat siya, mas lalo niya lang napatunayan sa kaniyang sarili na kakaiba nga ako at dapat akong iwasan.

Huminga ako ng malalim bago itinaas ang aking braso at kumatok ng tatlong beses.

"Get in!" sigaw niya at may halong pagkadiin

Dahan-dahan kong pinihit ang seradura ng kaniyang pinto at sumilip bago tuluyang pumasok. His room is so manly, may iilan ding poster ng mga paborito niyang rock bands ang nakadikit sa kaniyang dingding.

Mahilig pala siya sa mga ganoon? Kung sabagay madalas siyang magpatugtog sa sala ng mga rock songs, kung minsan nga ay hindi na kami magkaringginan ni Lola dahil sa ingay ng mga tugtugin niya!

Nasagi rin ng aking mga mata ang mga trophies at medals niya na nakalagay at nakasabit malapit sa kaniyang mga poster. Kahit naman masama at masungit siya ay may utak pa rin siya!

Napangiti ako bigla dahil sa naisip... matalino siya!

"What do you want?" halos mapatalon ako nang maalala kung sino ang nagmamay-ari sa kuwartong ito

Pero mas nagulat ata ako nang makita siyang nakadapa sa kaniyang malapad na kama at tanging kulay itim lang na boxer short na may nakalagay na 'Calvin Klein' sa garter nito ang kaniyang suot! Hindi niya ako nakikita dahil nga nakadapa siya at nakayakap sa kaniyang unan.

Ramdam niya siguro na katulong ang pumasok kaya natanong niya iyon.

"Ah! K-Kukunin ko lang po sana iyong mga labahin niyo... Sir." nauutal kong sagot, nakaka-intimidate talaga siya!!

Hindi na siya sumagot kaya dumiretso na ako kung saan nakalagay ang mga marurumi niyang damit na mukhang hindi naman! Seryoso? Eh pupwede mo pang suotin ang mga ito e!

Yumuko ako at kumuha ng isa niyang damit. Binalingan ko muna siya at nakitang nakadapa pa rin at nakatalikod sa akin.

Pasimple ko iyong inamoy. At tama nga ako! Ang bango-bango! Parang hindi man nasuot, ah?

Bahagya akong napangiti ng parang tanga nang maamoy ko ang paborito kong amoy niya! Napailing ako at ibinalik na sa basket ang damit bago kuhanin ang buong basket.

Nakangiti pa ako nang umikot ako at nanlaki bigla ang aking mga mata dahil sa gulat nang makita siyang nakaupo na ngayon at nakaharap sa akin gamit ang kaniyang nanlilisik na mga mata at naka-kunot na mga kilay. Napawi ang ngiti ko at napayuko.

"Ikaw ang maglalaba?" masungit niyang tanong, hmp!

Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin bago siya sinagot.

"O-Opo." sagot ko naman at nauutal pa! Nakita niya kaya? Nakita niya kaya kung paano ko amuyin ang polo niya?

Nag-init bigla ang buong mukha ko!

Kitang-kita ko kung paano niya hilamusin ang kaniyang mukha gamit ang kaniyang dalawang kamay.

"Marunong ka naman ba?" anito at mukhang naiinis

"Opo, marunong po." giit ko

Nagkatinginan kami. There is something within his eyes that I cannot tell! Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya dahil mas lalo niya lang pinaparamdam sa akin na malayo ang agwat naming dalawa!

Well it's true, malayo... napakalayo ng agwat namin sa isa't-isa hindi lang sa estado ng pamumuhay... kung 'di pati na rin sa pagkatao namin!

Pakiramdam ko ay kailanma'y hinding-hindi ko siya maabot. Nanliliit ako kapag kaharap ko siya... at nagiging langgam kapag nagtatagpo na ang aming mga mata!

"Get out of my room." malamig niyang sabi bago tumayo

Kumalabog ang taksil kong puso! I am mesmerized by the way he talked to me and the way he stared at me ruthlessly! Gusto ko at the same time ayaw ko sa ugali niyang medyo bastos. Nababaliw na yata talaga ako!

Hindi na ako nagsalita at tuluyan ng lumabas sa kaniyang kwarto.

Escaping Montejardo Where stories live. Discover now