Kabanata 24

4.4K 109 18
                                    

Kabanata 24

Nabanggit niya sa akin na nagbilin daw si Demmie sa kaniya na kung puwede ay bilhan siya  ng mga painting materials dito sa mall. Oo nga pala at mahilig mag paint si Demmie kaya siguro. Napangiti naman ako dahil pagdating sa kaniyang kapatid ay napakagaan ng pakikitungo nito sa kaniya.

Pumayag na akong samahan siya sa pamimili, hindi ko alam pero nagiging kumportable na ako sakaniya sa kabila ng mga nakaraan niya. Napapansin ko rin na madalas pa rin ang alis nilang magpipinsan. Hindi na ako nakikialam pa dahil baka ay masabihan nanaman ako ni lola Anaphe. Ayokong nagagalit siya sa akin. Nakakatakot siya magalit sa totoo lang.

Narealize ko rin na, everybody's needs a second chance. Lahat naman tayo ay may pagkakamali at kailangan natin bigyan ng pangalawang pagkakataon ang mga taong nagkasala.

"I think we should buy the materials first before we eat. What do you think?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami

Napansin kong maraming mga ulo ang napapabaling sa kaniya. My jaw dropped, Oo guwapo siya at makisig pero hindi ko inaasahan na ganito pala!

"Uh, pagkauwi nalang natin ako kakain... hindi naman siguro tayo magtatagal?" sabi ko

Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon!

"Come on, Percy. Are you rejecting me?" he smirked

"Po?!" laglag panga kong sabi

Umirap siya at huminga ng malalim, "Magtatagal tayo, kaya dito na tayo kakain for dinner." pinal niyang sabi

Walang na akong nasabi at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Hindi naman ganoong kadami ang tao siguro ay dahil ganitong oras. Nagpunta na kami sa isang Art supplies. Naroon na lahat ng kakailanganing bilhin kaya hindi na namin kailangang lumipat pa para hanapin ang ibang mga materyales.

Sumusunod lang ako sa kaniya, tutal ay wala naman siyang inuutos pa. May dala rin siyang basket na paglagyan. He looked hot alright! Hindi ko naman maitatanggi ang bagay na iyon. The way those girls stared at him a while ago kulang nalang ay tumulo ang mga laway at malaglag ang mga panty nila!

Kumulo bigla ang dugo ko dahil sa naisip. Bigla namang napalingon si Cason sa akin na ikinagulat ko!

"Ba't ka naiiritang mag isa diyan?" kunot noo niyang tanong

"Ha? Hindi ah!" pagmamaang maangan ko pa!

"Tss. I saw you, Percy." malamig niyang sinabi habang nagtititingin pa rin ng ibang mga materyales para kay Demmie

"Wala nga sabi..." bulong ko

Sinulyapan niya ako bago nagpatuloy sa pamimili ng mga materyales. Sumunod na ako sa kaniya sa paglalakad.

"Cason?" tawag ng isang babae sa kaniya batchmate niya ata iyon dahil nakikilala ko

"Sandra..." bati ni Cason

Ngumiti iyong Sandra bago napalingon sa akin. May mga pinamili rin ata siyang mga paint materials. Kita ko kung paano napawi ang ngiti niya nang makita ako, hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Kinagat ko ang labi ko at napayuko nang mapagtanto na isa siya sa mga kasama ni Savannah.

"Kasama mo pala iyang katulong niyo..." mahinahon niyang tugon

"Ah, her name is Percy. Nagpatulong ako." sagot ni Cason

"I see. Buti hindi mo kasama si Savannah?" tanong niya habang nakatingin pa rin sa akin pero lumingon na rin kaagad kay Cason

Escaping Montejardo Where stories live. Discover now