Capítulo 34: Delica(t)des

147 8 3
                                    

"Nak, ano na? Bumangon ka na diyan."

Narinig ko ang boses ni Mama pagkatapos ng tunog ng pagkabukas ng pinto ng room ko. Katatapos lang din tumunog ng alarm ko na sinet ko ng 7:00 am. Wala akong ganang pumasok. Kaya pala ayaw ng mga tao kapag sumasapit ang araw ng lunes. Nakaka-tense.

Tumalikod ako at nagtalukbong ng kumot. "Ayoko pumasok, Ma."

"Isa! Maligo ka na. Tanghali na oh. Inaantay ka na ni Madison."

"Ayoko talaga, Ma. Sama na lang muna ako magtoro-toro kina Mang Badong." Tukoy ko sa isa sa mga trabahador. Masaya kaya magtoro-toro. Hila-hila ka lang tapos may semilya na agad ng bangus na makukuha. Tapos makakakuha ka pa ng maliliit na seahorse at pusit. May instant pet ka na, kikita ka pa.

"Akala ko ba ayaw mo kasi mainit? Ha?" Naramdaman ko ang palo ni Mama sa pwet ko. Walis tambo pa yung ginamit. Di naman masakit. Bleh.

"Dati yun. Ngayon gusto ko na. Kahit mag 100 Degree Celsius pa sa labas, keri lang."

"Isa, ha, Yaying, sinasabi ko sayo. Maligo ka na. Pag di ka pa bumangon, kukurutin ko na yang pwet mo. Di ako nagbibiro." Ayan nanaman yang name na yan.

"Azeeyah nga, Ma! Kasi naman eh." Umupo ako at nagkamot ng ulo. "Ma, next week na lang ako pasok. Hindi talaga maganda pakiramdam ko."

"Patingin nga." Nilapit ni Mama ang kamay niya sa noo ko at nilapat. "Di ka naman mainit ah. Kaartehan lang yan. Lumabas ka na at maligo."

Hinila niya ang kamay ko at inalis ako sa kama. Di ko alam kung maiinis ako dahil sa mukhang di man lang tumalab kay Mama o matutuwa dahil sobrang supportive niya. Biruin mo, ayaw akong paglibanin sa school.

Hindi muna ako dumiretso ng banyo. Pumunta ako ng kusina at kumuha ng apat ng ngipin ng garlic. Napanuod ko to kay Onyok sa Ang Probinsyano eh. Yung ilalagay niya yung bawang sa kili-kili para uminit katawan mo. Ano ka ngayon, Ma. Alpha kid kaya ako.

"Wag mong isiping hindi kita nakikita dito, Yaying!" Engk. Wala na. Finish na.

"Maliligo na nga po." Wala na nga talaga akong takas.

Hindi ko kasi talaga alam kung paano ko haharapin ang mga tao sa PRMSU. Ni hindi man lang ako nakapagsabi ng maayos na hindi na ako makakapag-participate. Baka isipin ng iba na ang rude ko at basta-basta na lang akong nang-indiyan. Tapos nawala ko pa ang phone ko. Nakakainis talaga.

"Teka, wag niyo akong pigilan sabi! Alam ko ang ginagawa ko!" Nilingon ko ang isang babaeng papasok ng classroom namin.

Tumayo si Ex at hinarangan ako. "Bakit?" Tanong niya kay Ate Mitra.

"Tumabi ka diyan."

"Bakit nga muna?" Taas-noong sabi din ni Ex.

"Sabing tabi!"

Hinawakan ko ang kamay ni Ex at ibinaba patabi sa gilid niya. "Okay lang, Ex." Tiningnan niya ako nang may pag-aalala.

"Ano yung kahapon, Ms. Salvado? Everyone waited for you! Lalong lalo na si Eight! Ang taas na ng expectation sayo oh." Inilagay niya ang isang kamay sa tapat ng noo niya. "Ganto oh. Ganto kataas!"

"Sorry Ate. Nagkaemergency lang talaga kahap-"

"Emergency?! Hindi ka nagsabi, hindi ka ma-reach out!" Napapikit ako sa lakas ng boses niya. Umi-echo yun sa buong silid.

Ayoko na. Ayokong magpaliwanag. Alam kong mali na ako. Kapag nag-explain pa ako, lalabas yun as a palusot. Wag na lang.

"Mitra!" Si Eight! Tumalon ang puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa tuwa o sa kaba. Ang alam ko lang, muntik na akong tumakbo palapit sa kanya. Gusto kong magsumbong na parang bata. Pero ang tanong, ako kaya ang papanigan niya? Nanlumo ako sa sariling tanong. Naihakbang ko na ng isang beses ang paa ko eh. It will only take two or three steps para mas makalapit pa. Binalik ko na lang sa dating pwesto. Useless na eh.

Hinawakan niya ang siko ni Ate Mitra. Magaan din kaya ang kamay niya kapag sa iba? "What are you doing here?" Firm ang pagkakasabi ni Eight.

"Eh kasi Eight yang babae na yan eh!" Dinuro niya ako.

"Excuse me po. Yung kamay niyo baka mabali. Hehe. Paki-tabi po." Sarkastikong sabi ni Ex. Yung mata niya naniningkit pa sa ngiti. Peke naman.

"Mitra, that's enough. Let's get out of here."

"Teka lang naman-" Nagpupumilit pa siyang tanggalin ang hawak ni Eight sa kanya. Mukhang mahigpit eh. Mahigpit talaga. Ah mahigpit.

"Mitra, I said let's go!" Nagtagpo ang mata namin ni Eight nung humarap siya sakin. Di ko masabi kung galit ba siya o ano. Andaming emosyon ang nakikita ko. Parang nangungusap. "Azeeyah, see me at my house later. Pagkatapos ng klase mo."

Di na ako nakasagot at lumabas na siya agad habang akay si Ate Mitra. Yung mga classmate ko pinagtitinginan na siya.  Parang di inaakala na ang mahinhin na si Ate Mitra ay sisigawan ako ng ganon.

Nagsi-sink in pa sa brainy ko. Baka.. pagalitan niya ako mamaya. Parang ayokong pumunta. Walang may alam ng nangyari bukod kay Ex, Bonnie, Maddie at Maycee. Di ko na rin sinabi kina Mama. Ayokong mag-alala pa sila. Tsaka, di rin naman sasabihin ng Papa ni Bonnie eh.

"Ano, Moy? Hatid kita sa bahay niya? Gusto mo samahan pa kita hanggang loob?" Inabot niya sakin ang dalawang Nips na peanut pagkatapos mabayaran sa counter. Dito na muna kasi kami sa 7/11.

"Hindi na. I can manage."

"Manage-manage ka diyan. Baka kasi mag-gyera kayong dalawa. It's better to be careful kaya." Hinila niya ang pinto at lumabas na kami pareha. Itinaas niya ang kamay at nagtawag ng Tricycle. "Sure ka ha? May phone ka na ba?"

"Wala pa." Umiling ako at sumubo ng isang Nips.

Dinukot niya sa bulsa ang CP niya. "Oh phone ko muna pala gamitin mo."

"Seryso, Ex. Kaya ko naman alagaan sarili ko. Tsaka isa pa, di naman siya masamang tao. Sige na, sige na. Sasakay na ako. Ingat ka na rin pauwi ha? Babye na." Pumasok na ako sa trike at naupo.

Tumango siya ng isang beses. Nilagay ang kamay sa bubong at kinausap ang driver. "Kuya, ingat sa pagmamaneho." Kumaway na rin siya sakin pagkatapos.

Sana bumagal ang takbo ng sinasakyan ko. Or sign man lang na nagsasabing wag na ako tumuloy. Para naman maligtas ko ang sarili ko. Hehe.

"Kuya dito na lang po. Thank you po." Inabot ko muna ang bayad bago ako bumaba.

Medyo nakaawang ang gate kaya di na ako nag-doorbell. Common sense na lang yun. Malamang papasok na agad ako. Pinahirapan ko na nga siya kahapon alangan namang pahirapan ko pa siyang pagbuksan ako ng gate ngayon.

"Eight, nandito na ako."

Nakita ko siya sa may kusina at may hawak na whisker. Nagbabati yata ng itlog.

"Hmm. Kumain ka na ba? I'll cook."

"Hindi na. Wag na."

Lumunok siya. Nakita ko pa ang pag-galaw ng adams apple niya. "But I haven't eaten yet." Mistulang walang boses na sabi niya.

Tumingin ako sa relo ko. 1:48 na pala. Bakit di pa siya kumakain? "I thought you'll come early at sabay tayong kakain." Malalalim ang paghinga niya. Parang mas nate-tense pa sakin.

"Hindi mo ba muna ako kakausapin?"

"Gusto kong kumain.. kasama ka. Hindi ba pwede yun?" Pwede naman.

Hindi naman ako heartless para hayaan kang magutom habang pinapagalitan ako.

Nilapag ko ang bag sa sofa at kinuha ang apron sa tabi niya. Eto pa yung apron na binili niya para sakin. Ni hindi ko man lang nagamit panlaban kahapon.

"Ako na sa dessert natin."

"Thank you." Napapaos na sabi niya at ngumiti ng maliit.

Mukhang ngayon ko na maluluto ang Souffle na matagal ko na gustong gawin sa sarili niyang oven. Walang umiimik. Parehas lang ding mabagal ang pagkilos namin. Kinuha ko na rin lahat ng kakailanganin ko sa pagluto at nagsimula na.

"Ah!"

"Bakit, bakit, bakit?" Kinuha ko ang kamay niya at chineck. Lutang ba to? Bakit ngayon pa niya nahiwa ang daliri niya? "Tingnan mo naman kasing mabuti ang kina-cut mo. Sinasabi ko sayo ha? Hindi kaya pinangsa-sahog ang daliri. Tsk."

In His KitchenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon