Capítulo 26: The Z

70 8 3
                                    

"Sahara, tapos na kami. Kain tayo?"

Natigil sa pagta-type si Sahara pagkatapos ng sinabi ko. Sabi kasi ni Otso yayain ko na daw to eh. Naabala ko pa yata siya.

"Sorry. Busy ka ba? Punta ka na lang pala sa loob pag tapos ka na."

"No. Okay lang. Hayaan mo munang maghanda si Eight dun." Tinuro niya ang katabi niyang upuan. "Dito ka muna."

"Ano nga palang pinagkakabusyhan mo?" Lumapit ako sa kanya at tumabi.

"Wala naman. Just doing some research. Alam mo na, di pwedeng hayaan ang pag-aaral." Sinara niya ang Laptop at humarap sakin. "By the way, how's my cousin? Is he harsh on you?"

Cousin? Sino?

"Yung Tsonggo ba sa loob ang tinutukoy mo?! Pinsan mo yun?" Humalakhak siya. Akala ko magkasintahan sila. Napaka-bad ko naman.

"Alam mo ba, mahal na mahal yun ng Tatay niya. Dalawa na lang kasi silang magkasangga." Nagulat ako sa biglaan niyang pagkwento. Wala man lang pasakalye. Diretso agad? "There was a time pa nga na nadisgrasya yung pinsan kong yun kakamotor niya. Ayun, simula noon, di na siya pinapagamit ng Motor. Nagooffer na nga si Tito ng kotse eh. Para mas safe. Napilit niya na lang ulit yun na magmomotor siya. Sobrang close sila ng Dad niya." Kita ko ang saya sa mata niya habang nagkkwento siya.

"Wag mo sanang masamain pero, bakit mo sinasabi sakin?" Aba mahirap na. Baka secret pala yun tapos kasama ako sa magtatago nun. Ang hirap kaya magkeep ng sekreto.

"What I'm trying to say is, he's a rough guy. Given na yun. Alam na ng lahat. But believe me, there's a soft boy living inside of him. It's just that, his past, left a big scar on him." Ngumiti siya at tinapik ang balikat ko. "So if you have something to say or explain, talk to him. Sa kaso niyo kasi, you don't communicate well that's why misunderstandings are often created."

Iniwan niya akong nakatulala at speechless. Medyo ina-absorb pa ng brainy ko ang mga narinig ko. Totoo naman ang sinabi niya. May pagkamabait naman talaga yung isa. Hindi nga lang lagi. Naalala ko tuloy lahat ng mga misunderstanding namin. Paanong hindi mamimisunderstood kung laging nag-iisip ng masama ang Otsong yun. Pero teka, dalawa na lang sila ng Papa niya? Wala na siyang Nanay? Ang sad naman pala.

"Next time, don't use your perfume, cologne or whatever you call it. It will just affect your sense of smell while cooking. Don't let me smell it ever again. Do you understand?" Pagkapasok ko, bumungad sakin ang seryosong mukha ng taong kanina lang ay pinaguusapan namin.

"Oo na, oo na. Pwede bang kumain na lang muna tayo?" Mang-sesermon pa eh. Parang kanina lang nababanguhan siya. Ngayon ayaw niya na.

Naghila siya ng dalawang upuan. Tiningnan niya ako at sinenyasan. Para sakin ba yung isa? Mahirap na maging assumera. Baka mamaya tig-isa pala sila ni Sahara.

"Thanks, Eight." Umupo si Sahara sa isa. "Ano na, Azeeyah? Baka mainip tong isa. Umupo ka na."

Sakin pala talaga. Hehe.

Sumunod ako at umupo na rin. "That's it? Where's my Thank you?" Sabi ni Otso na may halong pagka-sarcastic ang tono.

Nakalimutan niya yatang sinabutahe niya ako kanina. Ayoko muna siyang kausapin. Umupo na rin siya sa tapat ko.

"Ang sarap nito ah. What do you call it again?"

Di ko na alam kung nasagot ba nitong kaharap ko ang tanong ni Sahara. Ang alam ko lang, ini-examine ko na si Otso. Bakit kaya mag-isa lang siya dito. May Erpats pa daw siya pero bakit di sila magkasama. Nakakalungkot kaya mag-isa. Pananaw ko lang ha? Gusto ko kasi ng laging maingay. Kaya gusto ko, kapag nag-asawa ako ay yung parehas kaming makwela. Para happy happy.

In His KitchenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon