Capítulo 11: Restobar Encounter

180 14 0
                                    

Parang alam ko na kung kaninong anak ng petchay to. Kinuha niya ba ang numero ko sa kung saan 'to nilista? At talagang 'di niya ako titigilan ha? Pinindot ko ang option sa phone ko at in-block ang number niya.

Tumayo na ako para lisanin ang AVR. Tutal tapos na naman na ang pagpupulong. Malamang, wala nang rason para mag-stay pa dito.

"Eight! Paano nga pala ang gagawin sa mga 'to?" Narinig ko pang tanong ng ate.

'Di ko na pinatapos pakinggan ang pag-uusapan nila. Eavesdropping is bad daw kasi sabi ng matatanda.

Paglabas ko ng building ay nakita ko si Ex at Mads na magkasama. Close na ba 'tong dalawa?

"Try to lugay your hair. Para mag-mukhang babae ka naman." Ani Ex.

Nag-aasaran naman pala. Akala ko magkasundo na eh. Muntik na akong magpa-confetti. Ni hindi man lang napansin na nandito na ako.

"Ay we?"

"Naniwala ka nama-"

"Wetlog. Kwento mo sa Lolo mong panot."

"Hoy! Hindi pa bald ang Lolo ko ah! Bawiin mo sinabi mo!" With matching turo-turo pa yan.

"Di ko naman sinabing kalbo siya. Sabi ko panot. Saan bang parte ng tenga mo ang nakarinig na sinabi kong kalbo?"

Lumapit na si Ex kay Mads na siyang ikinataranta ko. Pinigilan ko siya at hinawakan sa balikat. Mukha na siyang mangangagat. Please lang. Wala kaming pampa-injection sa rabies. 4k din yun ah.

"Kalma, okay? Hingang malalim, Ex. Kung bakit ba naman kasi ikaw nagsimula tapos ikaw maaasar eh. Isa ka pang anak ng petchay."

"Asar talo. Wala ka pala eh. Ano? Ha?" Sabi ni Mads. Isa pa to eh. Lakas mang-asar. Pasuntok-suntok pa siya sa palad niya.

"Madison. Tama na nga kasi."

Tingin ko, it's not a good idea na pinakilala ko pa sila sa isa't isa. Trouble ang dumating eh.

"Teka nga. Bakit ba kayo nandito? Wala ka bang klase, Mads?"

Umayos siya ng tindig. Mukha ngang ako ang pinunta nito. Tuloy parin ako sa pagharang kay Ex. Baka biglang mangsakmal eh. Dapat laging alert at mag-ingat.

"May raket ako mamaya sa Restobar. Punta ka. Baka gabihin ako kaya sabayan mo ako. Medyo tagilid ako kay Mamang eh."

Oh tingnan mo 'to. Akala ko yayayain ako manuod. Matatouch na sana ang puso ko kasi naalala niyang iinvite ako.

"Okay lang naman. Basta libre mo ako foods. Medyo tagilid din ang wallet ko eh."

"Gusto mo tagiliran kita? Subukan lang natin. Medyo matagal-tagal na rin simula nung nakatikim ka ng suntok ko." Umamba pa siya.

"Oh edi uuwi na lang ako ng maaga. Sabihin ko na lang kay Tita Kap na madaling araw ka na makaka-uwi at-"

"Animal naman talaga! Oo na! Sagot ko na nga lahat."

Hala. Bakit naninigaw? Mukhang di bukal sa kalooban ah. Baka mamaya sumakit tyan ko dahil sa pagkaing ibibigay niya. Sabi kasi, kapag daw masama ang loob ng nagbigay ng foods, masisira yung tyan. 'Wag naman sana.

"Oo nga pala, Zee. Nakalimutan ko sabihin. Bawal magsama ng animal dun. No pets allowed nakasulat sa harap." Sabi niya pa sabay tingin kay Ex. Nagpaparinig pa. Imbis kumakalma na 'tong isa.

"Tengene. Ngayon lang din ako nakakita ng unggoy na nagwowork at kumakanta. Buti di ka bina-ban dun? Ha?"

Rinding-rindi na ang eardrums ko sa away nilang dalawa. Napapasabunot na ako sa sarili ko. Naguguluhan na ako kung kaninong bibig ang uunahing itape para tumahimik na silang pareha.

In His KitchenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon