Capítulo 7: Ngango at Mamoy

202 16 2
                                    

"Ang panget mo, Azeeyah." Sabi ni Ex nang nakapangalumbaba.

"Kung panget ako, ano pa tawag sayo? Sobrang panget?"

Nakatambay kami sa 7/11 at katatapos lang namin ipasa ang bento box namin. Malalaman pa namin ang resulta 2 days from now.

"Lumamon muna tayo ngayon. Wag ka na magpababy diyan. Want me to feed you pa ba? Ha?" Sabay inabante ang baunan ko. Kapag kasi maghapon ako sa Iba, nagbabaon ako ng pang-lunch ko.

Syempre alangan namang bumili pa ako eh kahit ako aminadong mas masarap pa sa kahit anong restaurant ang luto ko.

"'Di ko kasi talaga alam kung makakapasa ako eh."

"Pito naman ang pipiliin nila eh. Malay mo ikaw yung pang-huling matawag tapos ako yung pang-una." At humalakhak siya at parang nang-aasar.

May kaya sa buhay si Ex kaya malamang ilang beses na to nakatikim ng iba't ibang cuisine. Palalagpasin ko muna ang pang-aasar niya. 'Nak ka ng petchay ah. Kapag nalaman ko weakness neto, patay 'to sakin.

Isusubo ko na sana ang kutsara ko nang may na-detect akong sibuyas. Naparami yata ng sibuyas ang luto ko. Kinuha ko yun at sineparate sa takip ng baunan ko. I hate onions. Di ko gusto ang pagdikit niya sa ngipin at dila ko. Masarap naman ang may onion ang pagkain pero hindi ang mismong onion kapag nasa bibig ko na.

"Ayaw mo ng onions?" Tanong niya habang ngumunguya.

'Di ko na pinansin ang kanin at laway na tumalsik sa mukha ko nung nagsalita siya. Sige palagpasin natin.

"Can't you tell ba? Ha? Kaya sabi ko nung bata pa ako, mag-aasawa ako ng mahilig sa sibuyas para siya na lang kumain ng akin. Hahahaha." Nabuga niya ang kinakain niya. 'Di ko akalain na ang pamilyar na mga scene sa palabas ay mangyayari sakin.

"Ex, ano ba! Nananadya ka na eh." This time, may kasama ng ulam ang tumalsik sa feslak ko.

"Tengene. Buti na lang di ako mahilig sa sibuyas. Ayaw kitang maging asawa."

"Ako dapat ang magpasalamat kasi hindi ka mahilig sa sibuyas. Buti na lang talaga, Ex."

Hindi ko nga sigurado kung bakit sakin nakiki-hang-out si Ex. Basta ang sabi niya lang, mukhang ako daw ang pinaka-matino sa block namin. Minsan naisip ko, baka kasi ako lang ang tumanggap sa kanya?

Tumayo siya habang nagpipigil ng tawa at pumunta sa isang stall. Kumuha siya ng tissue at binayaran sa counter bago bumalik sakin.

"Come closer. Pupunasan kita."

"Sa ilang oras nating magkasama, ngayon lang ako naantig sayo." Kanina niya pa kasi ako inaasar.

Kahit naman maloko siya, mabait parin naman kahit papaano. Kaya nga tinanggap ko na rin ang kapalaran kong siya na rin ata ang makakasama ko buong college life.

"Mukha kang kaning baboy oh. Ang kalat-kalat mo naman kasing kumain eh." Hawak niya ang baba ko habang pinupunasan ako.

Sinamaan ko siya ng tingin. Ako pa talaga ang sisisihin. Baka kasi laway niya 'to?

"May joke ako para naman tumawa ka." Ngumisi siya. Hala. Magsisimula nanaman siya.

"Ayoko. Ang corny na naman niyan panigurado." Tinuloy ko na ang pagkain ko.

"Dali na. Matatawa ka dito. Alam mo ba kung bakit naghiwalay ang Zambales at Olongapo?"

"Magkadikit parin naman sila ah?"

Napahilamos siya ng mukha. Bahala siya diyan. Pamilyar kaya yung joke niya. Malamang nakita ko na yan sa FB.

"Kasi may Iba na yung Zambales. Hahahahaha. Boom! Tumawa ka, please."

Kumuha ako ng isang siopao na binili niya kanina at sinalpak sa bibig niya. Sana magets niya na wala siyang talent sa pagjo-joke at huminto na lang dapat siya.

"Laos na yang sinabi mo. Umpisahan mo na kumain at nang mailibing na natin ang namatay mong joke."

"Bakit ba kasi gustong-gusto mong makasali sa competition?"

"Wala lang. Gusto ko lang na may maikwento ako sa mga magiging anak ko."

"Ha? Hindi ba dahil sa pangarap mong maging magaling na chef?" Aniya na may nalilitong boses.

"You won't believe me kung sasabihin ko kung anong pangarap ko."

"Try me then. Ano pa bang mas hindi kapani-paniwala bukod sa sinasabi mong cute ka?"

Alam ko pag sinabi ko dito pagtatawanan ako nito eh. Kasi nung sinabi ko yun kay Mads, ilang araw na siyang tumatawa sa harap ko kahit di pa ako nagsasalita.

"'Wag na nga. Ayoko."

"Joke lang. Sabihin mo na. Maniniwala ako."

Tiningnan ko ang mukha niya. Naninigurado lang. Baka mamaya tawang-tawa na 'to eh. Gusto niya talagang malaman huh?

"Alam mo kasi, nung Grade 2 ako pangarap kong maging pulis. Mahilig kasi ako sa mga action movies. Kaya lang napansin kong maliit pala ako." Pagsisimula ko. Aba, mahaba-habang paliwanagan to ah.

"Oo nga eh. Umabot man lang ba ng 5 ft. ang height mo?" Sabi niya at tiningnan ang katawan ko. Nagpipigil nanaman ng tawa.

"Basta makinig ka muna kasi. Nung napanuod ko yung Be Careful with my Heart sa TV, nangarap din akong maging stewardess para makasuot ng magaganda at matataas na heels. Kaya lang sablay nanaman sa height at mahihiluhin sa byahe. Baka masukahan ko lang ang mga pasahero." True to life to. Nakikinig talaga siya.

"Then nung nag-high school ako, nangarap din akong maging abogado. Kaya lang lagi naman akong kabado. Baka matalo lang kami ng kliyente ko."

"Yeah. Kawawa sila kung sakaling ikaw maging abogado nila. Baka nanginginig ka habang nagsasalita sa korte." Kumakain na siya ng siopao na hanggang ngayon ay di parin ubos.

"Then one time, nakita ko si Mama. Nagluluto siya, nag-aasikaso sa bahay at inaalagaan kaming mabuti. Dun ko napagtanto na I want to be a best wife and a best mother sa future family ko. I want to have a warm, loving, complete family 'gaya ng kung anong meron ako. Ah basta. Di mo ako maiintindihan kung ipapaliwanag ko pa."

"Seryoso ka? Yun ang dahilan mo?" Tinabi niya ang kinakain niya at nilapit pa sakin ang mukha.

"Pwede ka na tumawa. Basta pag tumawa ka, ako mismo babawas ng ngipin mo. Payag ka?"

Tinakpan niya ang bibig niya at umaktong natatakot. Putek. Parang mas cute pa aso ng kapitbahay namin dito eh.

"Alam mo ba kung paano mo mafufulfill yang pangarap mo?" Seryosong saad niya. Nagulat ako.

Nagseseryoso pala talaga to? Di ako sumagot. Inilapit ko ang mukha ko at sinenyas sa kanya na sabihin niya na.

"Mag-asawa ka na nang maaga para tapos na ang problema."

"Bwiset ka! Sabi ko na nga ba wala kang sasabihing matino eh. Ngango mo." Sabay hampas sa kanya.

"Ang mamoy mo naman. Mamoy Azeeyah. Hahahahahahaha."

"Alam mo, Ex, try mo ilagay ang utak mo sa ulo. Baka sakaling mas mag-function ng mabuti kesa sa bibig mo nilalagay."

"Ayos lang. I'm a ngango nga diba?" At pinagpatuloy niya na ang naantalang pagkain.

In His KitchenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon