Capítulo 21: Uninvited Guest (Part 2)

98 12 0
                                    

AZEEYAH

"Okay mga Chef! Ako muna judge niyo ngayon. Pinagpala talaga ako ng maykapal dahil natapat ako sa araw na magluluto kayo." Lumapit sa countertop si Justice at inilagay ang dalawang kamay sa chin niya.

"Aren't you going to sleep?"

Napatingin ako kay Otso. Ayaw niya bang matikman ng frenny niya ang luto niya?

"Sus. Wag mo naman solohin, Chef."

"Ang alin?" Tanong ko.

Nag-iba ang mood ng atmosphere. Hindi naman siguro ako ang tinutukoy niya diba?

"I'll give you one more chance to shut your mouth, Justice. Baka mademonyo ako ngayong may hawak akong kutsilyo."

Hala. Parang Chucky ang dating tuloy. Chuck-Eight. Bagay ah.

"Ang sinasabi ko lang naman, wag mo solohin ang mga lulutuin niyo." Nginitian ako ni Justice pagkatapos sabihin yun.

Ahh. Ang assumera ko dun. Hehe.

"Prepare the garlic, onion and ginger. I'll do the beef." Lumapit siya sakin at binigay lahat ng gagawin ko.

"Woah, baka! Ano bang lulutuin natin?"

"Pares."

Nakakaexcite naman.

"Alam mo ba kung anong magandang ipartner diyan?" Gusto ko lang mag-trivia.

"Garlic fried rice and beef soup. Salvado, halos kalahati ng populasyon ay alam yan."

Edi wow. Bakit sa kanya ko pa tinanong. Baka mas may alam pa to kesa sakin.

Nang natapos na lahat lahat ay naghain na ako ng mga plato sa mesa. Alas-kwatro na pala. Early dinner na rin. Sakto. Sabi sa nabasa ko, dapat daw wag na kumain ng heavy meals kapag lagpas ala-cinco na. Kung hindi ako magche-Chef, baka maging Nutritionist ako.

"Ang sarap nito, Azeeyah ah. Pwede mo ba akong lutuan sa future?" Natigilan siya sa pagkain. "Pero wag na rin pala. Sa future wife ko na lang ipapagawa. Diba Eight?"

Hindi sumagot si Otso. Ano ba naman yung simpleng tango lang ng pagsang-ayon sa kaibigan niya. Para talagang walang gana. Parang Zombie.

"Eh? Kaibigan mo ang nagluto niyan talaga. Nagprepare lang ako ng mga ibang ingredients. Yun naman ang role ko talaga."

Kinabukasan ay nakaready na lahat ng gamit ko. Yung susuotin ko ay ayos na rin. Siguro mamaya na lang ako bibili ng pang-gift. Ang sama naman kung pupunta ako doon nang empty-handed. Parang ang labas ay makikikain lang talaga ako.

From: Unknown

You're coming, right? It's Dos btw. Save my number.

"Hoy Mamoy, bakit nangingiti ka diyan?" Pinasingkit niya ang mata niya. Parang si Patrick Star kapag nag-iisip.

Tinago ko na ang phone ko. May gossiper akong kasama eh.

"Wala. Sa Jollibee tayo ha?"

"Bakit? We just ate ah. Gutom ka nanaman?" Gulat na gulat?

"Hindi. Magbibihis lang ako. Pero bili ka na rin. Palusot lang sa mga Crew."

Natutunan ko to kay Ermats nung bata pa ako. Akala ko kakain kami sa Jollibee pero magbabanyo lang pala. Si Mama yung scammer na kilala ko na hinding hindi ko kamumuhian.

Kailangan ko rin magpagutom. Marami akong makakain panigurado mamaya.

"San lakad mo? Ibaba mo nga damit mo. Kita ko bituka mo dito." Bungad niya nung nakalabas na ako. OA naman nito.

In His KitchenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon