Capítulo 13: Don't Miss

176 14 3
                                    

"I'll do the cutting. Hindi kaya ng kamay mo. Baka mapano pa 'yan." Sabi niya pagkatapos niyang hugasan ang daliri kong galing sa bibig niya.

Wala kaya 'tong rabies? Ang exaggerating niya ah. Di niya naman kargo 'to.

"Ayaw. Ako na sabi eh. Tabi na!"

"Wag na matigas ang ulo. You're running out of time dahil sa kabagalan mo." Kinuha niya ang pinya sabay ni-remove ang balat nun.

Wala na akong magagawa kung mag-iinarte pa ako. Tumingin ako kay Ate Mitra na parang kumukuha ng permiso niya. Baka bawal to 'no. Isipin nandadaya talaga ako.

"Okay lang. Let Eight do it." Sabi niya.

Ngumiti na lang ako at nag-thank you ng walang tunog. Basta ako na lang magsasabi ng gagawin. Okay naman na siguro yun. Di naman cheating yun eh.

"Paki-slice yan into bite-sized pieces. Ganon din sa strawberries."

Buti na lang nasa labas ang mga magja-judge kaya unti lang nakakita ng ginawa niya. Nasa likod niya lang ako habang chinicheck ang listahan ko. Eto lang magagawa ko sa ngayon.

Sinusumpa ko na ang raketa na ginamit namin kahapon. Nakakainis. Sana maalala kong sunugin yun mamaya. Pero joke lang. Mahal din yun ah.

"What's next?" Iginilid ko ang mukha ko para makita ang nagawa niya.

"Yung mga mansanas paki-dice. Pati yung bananas." Tumingkayad ako. "Teka, ano ba. Sinasadya mo yatang harangan ako eh."

Kada tingin ko kasi, napapadikit yung pisngi ko sa braso niya. Paanong di ko mapapansin ang pang-aasar niya? Tumawa siya sa sinabi ko.

"Nahugasan naman na ang mga grapes at blueberry eh. Let's do the dressing." Sabi ko sabay tinuro sa kanya kung saan nakalagay ang mga gagamitin.

"You'll gonna use yogurt?"

"And honey. Yun ang naisip ko para dito. Mamaya ka na nga magtanong. Gawin mo muna." Hinawakan ko ang mukha niya at niliko. Sa Salad mag-focus wag sa maganda kong feslak.

Pinahalo ko sa kanya ang yogurt cream at honey. Mamaya pag nahalo na lahat pati ang prutas at dressings, saka ko ibubuhos ang yogurt milk. Syempre iba pa yun.

Pinagsama-sama niya na lahat sa isang malaking bandihado. Mula sa mga nahiwang prutas kasama ang ginawang dressing.

"Pakilagay naman yung yogurt milk after mong haluin yan." Sabay bigay sa kanya ng bote nun.

"Taste it first before I'll pour the milk." Saad niya. Kumuha siya ng unting dressing at inplace sa harap ko ang kutsara. Tinikman ko yun.

Bakit parang mas masarap pa sa inaasahan? Tumango na lang ako. Ayoko ngang sabihing nasarapan ako.

Nang natapos na lahat ng process, pinalamig naman namin yun. Meron pa kaming 30 minutes remaining. Lahat yun ay para sa pagpapachill. Ipagdarasal kong sana nga ay may himala ang mga kamay ni Otso at manalo ako. Hindi kaya may lason kamay nun? Hindi naman siguro. Edi sana nagbubula na bibig ko ngayon.

Inasikaso ko naman ang sarili ko kahit ang ginawa ko lang naman ay ang pagcheck ng listahan. Minasahe ko ang wrist ko. Medyo masakit talaga.

"Oh? Bakit nandito ka pa sa tabi ko? Balik ka na nga dun." Tumingala ako sa kanya. Tsk, tatabi pa.

"That's it? Is that how you express your gratitude?"

Oo na. Thankful nga ako sa kanya eh. Marunong naman akong lumugar at tumanaw ng utang na loob. Kaya lang talaga, 'di ako sanay kapag sa kanya. 'Di ko kaya nakakalimutang pinagsalitaan niya ako last week. Ang sama parin ng loob ko ah.

Tumalikod na ako at naghanap ng upuan. Wala naman akong makausap na mga participants dahil di kami close.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko. Si Bonnie tumatawag. Anong kailangan neto?

"Oh tukmol. Bakit?"

"Zee, on the way kami sa Iba nila Madison at Cee. Pasyal tayo. Baka uuwi na kami bukas eh."

"Hulaan ko, tinakas mo nanaman kotse ng tatay mo 'no?" Alam ko na 'to eh.

"Wag ka mag-alala. May lisensya na ako ngayon. Di na tayo matotodas. Hahaha."

Last time kasi, sinama niya kami sa kalokohan niya. Joy ride daw. Eh mga 17 years old palang siya nun. Tapos nadisgrasya kami. Grabeng takot namin kasi sa presinto kami sinundo, hindi sa kalye lang. Buti na lang nagawan ng paraan ng tatay niya.

"Sige, sige. Nasa PRMSU pa ako. Sunduin niyo na lang ako dito. Mag-focus ka sa pagmamaneho ah. May kasama ka pa namang singer at señorita. Ingatan mo yan. Babye na."

Time na. Sinimulan ko na ring dekorasyunan ang gawa ko. Nilagyan ng cherry sa ibabaw and tada! Prinisent ko na sa harap.

Tinatanong din ng mga Judge kung bakit ganon ang napili naming lutuin para sa Salad. Creativity kasi ang punto dito.

"Ms. Salvado, kindly explain kung bakit yan ang ginawa mo." Si Ma'am Zabala.

"It is fruit salad in yogurt dressing po. For me, people are very health-conscious sa panahon ngayon so I used yogurt that doesn't have any additives, para mareplace ang traditional salad dressings na mataas sa calories. In that way, it'll be both appetizing and low in fat na tingin ko naman po ay papatok sa lahat."

Tinikman nila yun pagkatapos kong magpaliwanag. Medyo lumuwag na ang pakiramdam ko nang makita ang satisfaction sa mga mukha nila. Alam kong hindi lang ako ang may masarap na gawa kaya di parin talaga sure kung ako ba ang mapipili.

"We will just inform you kung sinong lalaban bilang cooking assistant. Then the chosen one will be practicing with the main cook. Para sa mga hindi mapipili, it's not yet the last na makaka-encounter kayo gaya ng ganitong pagkakataon. So we are hoping that you'll strive harder para sa mga chance na darating pa. The real challenge is still waiting ahead." Paliwanag ni Ma'am Zabala.

From: Couz Tukmol

Ano? San ka na? Nasa tapat na kami

'Di na ako nagreply tutal tapos naman na ang session. Niligpit ko na lahat ng ginamit ko nang mabilis. Sinapian yata ako ni Flash ngayong makakagala na ako.

Nag-vibrate nanaman ang phone ko. Kotang-kota na ako sa pag-vibrate nito ngayong araw. Sino na naman ba 'to?

From: Ngangong Ex

Panalo ba? Tara celebrate

Mamaya ko na lang siya rereplyan. Malaki na naman na siya. Kaya niya na maghintay.

"Saan ka pupunta?"

'Nak ng petchay naman. Kelan ba 'to matatahimik? Para siyang vengeful spirit na laging sumusunod sakin. Ay mali, zombie pala.

"Nagmamadali na ako. Please lang. Wag muna tayo magpansinan ngayo-"

"Unblock me." Seryoso siya. "Now."

"Kung textmate lang kailangan mo, may irereto na lang ako. Busy kasi ako lagi. Wala akong tyagang mag-type. Ha? Nakakatamad kasi. Mauna na ako." Tinapik ko pa ang braso niya bago siya lagpasan pero..

Hinawakan niya nang magaan ang wrist ko.

"If you miss my calls more than three times, mag-isip ka na ng excuse na reasonable. You will never want to see me do something inappropriate."

Ngumiti siyang umalis at ikinaway sa harap ko ang phone niya.

In His KitchenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon