Capítulo 18: In His Hands (Part 3)

130 14 2
                                    

"Go on. Naaabot mo na. I'm supporting you. Para hindi ka bumagsak."

Mahigpit ang pagkakahawak ni Otso sa bewang ko. Kung may kiliti lang ako dun, baka nalaglag na ako at nakikipag-kissing scene sa lupa. Tinuloy ko ang pag-abot sa saranggola.

"Yehey yehey yehey! It fell, Ate. It fell!"

Hay sa wakas. Tapos na paghihirap ko.

"Okay na. Bababa na ak-"

Di ko na natuloy ang sinasabi ko kasi bigla niya na lang niyakap ang bewang ko at ibinaba nang maayos. Nakaya niya ako?

Lumapit siya sa bata at hinawakan ang isang kamay nito.

"Hey kiddo, next time, you shouldn't let a woman do that. She might be the one to fall." Tumingin siya sakin at tinuro ako. "Look oh, she already has a bukol on her forehead. Wag na natin dagdagan. Okay?"

Aba ayos din mangsermon nito. May kasamang pang-aasar.

"Yes po, Kuya Eight." Masunuring tumango ang bata. Kilala pala tong Otsonggo dito?

Siniko ko siya. "Hoy, ayos lang naman. Parang tinatakot mo tuloy siya." Humarap ako sa bata at ngumiti. "Sige na, baby, you go home na ha?"

Tumakbo siya palapit sakin at niyakap ako. "Thank you, Ate."

Naooverwhelm ako sa ganitong bata. Sarap iuwi. Nakakagigil eh.

"You should have called me. Hindi yung umaarte kang parang unggoy dun."

Binuksan niya ang gate ng maluwag pagkatapos sabihin yun. 'Di na ako umimik sa kung anumang dinadada niya dahil sa nakita kong loob.

Sobrang ganda. May isang bungalow house na malaki. Parang ito yung main na tinutuluyan. Tapos may mga cottage din na nakahilera, apat na bahay kubo. At meron pa, sobrang daming halaman.

"Woahhh. Binibenta mo ba yang mga yan?"

"Alin?" Napaka-slow naman.

"Yang mga halaman. Malaki kita diyan."

"I don't do that kind of business."

Lumapit ako sa isang halamang malaki. Yung parang gabi yung dahon. Gantong halaman ang gusto ni Ermats eh.

"Hala. Malapit na akong matangkaran nito oh."

Parang gusto ko tuloy inggitin si Mama. Kinuha ko ang phone ko at nilahad sa kanya.

"Anong gagawin ko diyan?"

"Picturan mo ako. For documentary purposes." Kinuha niya yun. "Sabihin mo kung game na ha?"

"Hmm."

Nagpose ako ng may peace sign. Sunod naman ay naka-wink.

"Okay na? Patingin."

Lumapit ako at binaba niya yung phone. Sakto lang para makita ko. Bakit ganon? Ang panget ko?

"Ulitin natin. Mali yung camera. Hehe."

Balik pwesto nanaman ako katabi ng halaman. Mukhang di naman naiinis si Otso eh. Samantalahin ko na.

Nagpose ulit ako. Nilagay ko ang dalawang kamay sa pisngi. Acting cute kunyari. Tapos nakapikit na pose.

"Ano? Pwede na?"

"Hmm."

Siya naman ang lumapit sakin at pinakita ang kuha niya. Hindi talaga okay eh. Hindi ko alam kung yung phone ko ba yung may problema o ako.

"Ayoko na nga. Yung halaman na lang pipicturan ko." Kinuha ko na lang ulit ang phone ko.

Narinig ko nanaman ang pagbuntong-hininga niya. Bakit na naman daw kaya?

In His KitchenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon