Capítulo 10: Unknown Textmate

197 12 2
                                    

"Gawin mo rin akong investor ah. Para naman pareho tayo. Ikaw mang-chicks, ako mag-boy hunting." This time, ako naman ang nagtaas baba ng kilay.

"Neknek mo, Mamoy. Bawal pababy dun."

Sayang naman. Di nakalusot. Pero joke lang talaga. Bukod kasi sa pangarap kong mahimatay, pangarap ko din makapasok sa isang sosyal na bar. Wala lang. Gusto ko lang makatikim ng pang-mayaman na mga wine.

Pero di nga? Napili ako? Naeexcite ang katawang lupa ko. Parang kalahati ng pagkatao ko ay naiinis dahil kanina kay Otsonggo pero kalahati ay nagdidiwang dahil nakuha ako.

Nang nasa tapat na kami ng Building namin ay nakita ko si Mads sa isang pergola. Mag-isa at tumutugtog ng gitara.

"Mads! Dito, Maddie!" Tinaas ko pa ang kamay ko at ikinaway sa kanya.

Nagtakip si Ex ng dalawang tenga. OA ah. Wala pa nga yun sa pinaka-malakas na volume eh.

'Di lumilingon si Mads. Nabibingi na yata kakaraket sa mga banda. Lakas kaya ng tunog ng mga component kapag ganon.

"Ex, tara. Pakilala kita sa pinsan ko."

Hinila ko siya. Minsan lang magka-time si Maddie no. Laging busy sa accounting at raket eh. Sa pagpasok na nga lang kami nagkakasabay.

Panahon na rin para makilala nila ang isa't isa. P.S, hindi ito matchmaking.

"Yan na ba ang hinihintay kong grace from heaven? Chicks?" Tanong niya.

"Ngango, wag ka magsabi ng ganyan. 'Di ka papatulan nun."

Mas lalaki pa sayo yun. Gusto ko pa sanang sabihin. Kaya lang wag na. Baka di siya sumama eh.

"Maddie! Hug, hug." Lumundag ako at yumakap sa braso niya nang makalapit kami.

"Bitawan mo nga ako. Animal naman talaga, oo."

Hinawakan niya ang arm ko at tinulak-tulak. Diring-diri lang? Yung pagkasabi niya pa naman nun may vibration.

"Eh ayaw." Hinigpitan ko pa lalo.

"Isa! Pag di ka bumitaw, lalawayan ko yang kamay mo. Yung sobrang sobra. May venom pa naman 'to."

"Alam mo kasi, Mads, hugs make you feel better daw. Kaya lagi kang sad kasi di mo tinatanggap hug ko."

Humarap siya sakin at nag-inhale ng malalim. Hinawakan pa ang dalawang pisngi ko.

"Azeeyah, hindi lahat ng kasiyahan ay dumedepende lang sa isang yakap. Hindi sa lahat ng oras na makakakita ka ng taong malungkot ay yayakapin mo na lang basta-basta tapos ayos na. Kung ganon din naman pala ang solusyon, bakit pa kailangan ng alak para makalimutan ang sama ng loob nila?"

Natigilan ako dun. Ang lalim nun ah.

"Mads, sa'n mo nakuha yan? Parang ngayon ka lang nagshare ng words of wisdom sa 18 years na pagsasama nating dalawa."

"Ano naman akala mo sakin? Boplaks? Syempre nag-aaral ako no. Astig ba? Sabihin mo, salamat master." Hinawakan niya ang kwelyo ng blouse saka pinagpag na parang nagyayabang.

"Sa'n astig dun?" Nakakunot na noong tanong ni Ex.

Ang epal talaga. Baka mamaya mawala sa mood to tapos bigla siyang batukan diyan.

"Ay Mads, let me introduce to you. Si Ex nga pala. Frenny at classmate ko."

"Ano? Ex mo? Diba di magandang maging kaibigan ang Ex? Ay teka, di ka pa pala nagkaka-boyfriend, animal." Litong-litong sabi niya.

Ayan nanaman po. Lagi na lang nami-misinterpret ang name na yan. Eh kasi naman, mas gusto ni Ex na tawaging Ex kaysa sa name niya talaga. Ewan ko ba. Di magtatagal baka mapa-away to dahil sa kaartehan niya.

In His KitchenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon