Capítulo 14: Sweet Thingy

176 14 2
                                    

"You will never want to see me do something inappropriate."

Ngumiti siya at winagayway ang phone niya sa harap ko bago sana umalis. Kaya lang..

"I almost forgot. I still have something to say." Humarap ulit siya at lumapit sakin.

Hindi ako umalis sa pwesto ko kahit pa naiinvade niya na ang personal space ko. Ayokong mangyari ang familiar na scene na maco-corner ang isang babae. Ayokong sa kanya maranasan yun. Kakasuhan ko na talaga to eh. Malapit na talaga akong pumunta sa korte.

"You know how serious I am, right?" Nilapit niya ang mukha sa pisngi ko. "So please, obey."

Naiinis ako sa sinabi niya. Hindi niya ako sunod-sunuran pero kung makapagbanta siya, parang kailangan ko talagang sundin. Ayoko. Bahala siya kung anong gawin niya. I have my own will. I'm living in a democratic country kaya may karapatan akong hindi siya sundin. Tama. Ganon yun.

"Bakit nga ulit kayo nandito?" Tanong ko. Kasama ko na ang mga tumakas.

Kumakain kami kasama si pareng Jollibee. Dito kasi favorite naming kainan pag magkakasama. Libre ni Bonnie. Kaya ayun. Nilubos na namin.

"Kasi nga baka uuwi na kami bukas. Tsaka ang ingay sa Laoag. Yung katabing resort kasi, nirerenovate yata." Sabi ni Bonnie habang kinakamay ang fried chicken at nilalantakan. As in lamon kung lamon.

Di ba to aware na pinagtitinginan siya ng mga babae sa kabilang table? Baka maturn off sa kanya.

"Yeah. Sobrang ingay and I can't focus on my subjects. Exam pa naman tomorrow." Sabat ni Cee. May exam pero sumama pa. Ibang klase din talaga.

Tumingin ako kay Mads. Parang nagtatanong kung ano namang rason niya. Malay ko ba kung pinilit lang to at nahila.

"Wag mo nga akong tingnan. May tsibog daw sabi nitong tukmol kaya sumama na rin ako." Pagkain lang talaga habol neto.

From: Ngangong Ex

Nasa PRMSU na ako. Naaagnas na ako dito

Nakalimutan ko tong isa. May isa pa pala akong alagain.

To: Ngangong Ex

Nasa Jollibee kami. Sama ka?

From: Ngangong Ex

Tengene naman Moy. Tinatanong pa ba yan?

"Hoy. Wag ka nga magcellphone habang kumakain. Saan manners mo ha?" Kinuha ni Bonnie phone ko at nilapag sa tabi ng plato niya.

"Hoy ka rin. Wag ka nga magsalita ng puno ang bibig. Saan etiquette mo ha?" Ganti ko. Di na siya pumalag kasi nga totoo. Napapansin ko na lagi na lang natatalsikan ng mga saliva nila ang mukha ko.

May bagong pasok na customer. Medyo tanaw lang kasi namin ang pinto kaya mabilis kong namukhaan na si Ex yun. Kumaway ako.

"Bakit ka naka-orange? May shoot ka ba ng commercial ng Shopee, ha?" Sinalubong ko siya ng tanong na yun.

Paano ba naman kasi, parang katatapos niya lang makasama sina Anne Curtis na sumayaw ng sa Shopee-pee-pee. Napatingin narin mga pinsan at kapatid ko sa bagong dating.

"Nah. Kalalabas ko lang kasi ng kulungan dahil nakapatay ako ng taong tanong nang tanong. Umusod ka nga dun. Makikikain ako." Kinuha niya ang fried chicken ko sa plato.

Wow ha. Dami pa namang balat ng manok na yun. Wala na. Nalawayan niya na bago ko pa mabawi. Bilis talaga ng galaw eh.

"Ay nga pala. Bonnie, Cee, si Ex nga pala. Frenny at classmate ko. Mabait yan kahit mukhang takas preso."

Tumayo si Ex at inilahad ang kamay kay Bonnie.

"Brad, Brix Magaling nga pala. Nice meeting you." With matching tango pa. Himala Brix ang pakilala niya.

"Tyler. Tyler Alvero, pare. Pinsan nitong mga mapapanget na'to."

"Bonnie Tyler Alvero pangalan niyan talaga. Pinasosyal niya lang." Interrupt ni Mads.

"Hoy Madison. Namumuro na yang bibig mo sakin ah. Ipapaluwa ko talaga yang kinakain mo ngayon." Nagkibit balikat lang si Mads at tumuloy sa pagkain. Putapete. Wag naman kayong magkalat dito.

"Enough na nga, Bon. You're so loud." Isa pa tong si Cee.

Nakita kong umangat ang mga mata ni Bonnie at napahilamos ng mukha. Nakakatawa siyang tingnan pag ganitong nawawalan na siya ng pasensya.

"Walang hiyang buhay naman talaga. Sino ba namang di matutuyuan ang utak sa mga panget na 'to."

"Hi, Ex. Maycee Salvado here!" Kumaway na lang si Cee at di na nakipagkamay. Siguro tinatamad lang to mag-extend ng kamay niya.

"Di mo naman sinabing may mala-Miss U kang kamag-anak." Bulong sakin ni Ex sabay nginitian si Cee.

"Tulok. Kapatid ko yan."

Napanga-nga siya at OA na nilagay sa bibig ang kamay. Binantaan ko na lang siya ng tingin. Mahalagang malaman niyang off limits ang kapatid ko. Hahabulin siya ng itak ni Papa. Ayaw kong makitang lasog lasog ang katawan niya.

"And Bonnie Tyler name niya kasi yung Mama niya is addict sa mga songs ni Bonnie Tyler nung pinagbubuntis siya. Nice, right?"

"Isa ka pa Maycee ah. Gagatungan mo pa eh. Kaya ang tumal natin umusad kasi naglalaglagan tayo." Stress na siya. Hahaha.

Tumuloy na rin kami sa pagkain after ng introduction session. May nag-vibrate sa mesa namin. 'Di ko na pinansin. Mauubusan na ako ng kakainin dahil kay Ex eh.

"Hello?" Narinig kong sagot ni Bonnie.

Pansin ko lang. Di yata nag-aaway si Mads at Ex. Ceasefire? Hindi. Miracle 'to.

"Who are me? Bakit? Sino ka ba ha? Wag mo nga akong ma-english english. Ginto ba yang dila mo?" Nagulat ako sa medyo pagtaas na boses ni Bonnie. Hala. Phone ko ang hawak niya.

"Where's Azeeyah? Nasa tabi ko, bakit? Anong kaila- Hello? Hello? Walang hiya binabaan ako. Ang pogi ko para babaan lang ah."

Patay.

"Bonnie naman eh! Tingnan mo nga mga kamay mo oh. Ni di ka man lang gumamit ng tissue. Andumi na tuloy. Akin na nga." Nanigas na tuloy yung dumi sa screen. Buti na lang may wipes ako.

"Talaga naman. Di ka man lang nagtanong kung sinong tumawag ha? Hanep iba ang inalala eh." Di ko na pinansin sinabi ni Bonnie.

Tiningnan ko ang call logs ko. Hindi naman nakaregister ang tumawag. Nagkibit balikat na lang ako. Alangan namang tawagan ko pabalik eh pan-text lang meron ako.

Nung makauwi na kami ay rinig na rinig nga ang ingay sa kabilang rest house. Luma na yun. Siguro may nakabili kaya inaayos.

Pagkapark ng kotse ay may familiar na naman akong nakita. Pero imposibleng makarating dito yun. 'Di ko man alam kung saan nakatira yun pero alam kong malayo sa amin.

"Maghanda ka na ng paliwanag sa tatay mo." Kalabit ko kay Bonnie. 3 years older siya pero hindi na namin kinukuya. Ayaw niya. Nakakagurang daw kasi.

Bumaba na ako ng passenger seat. Ganon din sila Mads at Cee. Nauna na silang umuwi sakin. Walang paalamanan ah.

"Bonnie, wait." Hinawakan ko ang braso niya bago pa siya pumasok ng gate. "Kelan ulit balik niyo?"

"Depende sa mood ni Mama. Bakit?" Tinuro niya ako gamit ang kabilang kamay na parang may narealize. "Alam ko na yang tingin na yan, Azeeyah. Ano na namang hihingin mo?"

Ngumiti ako at pinalambing ang boses.

"Eh kasi nakalimutan niyo akong pasalubungan ng wine. Kaya dapat dalawang bote na sa susunod na punta niyo." Niyakap ko pa ang braso niya para mas effective. "Sige na ha? Please, Tyler."

"Sinadya namin ni Mama yun. Nagiging lasinggera ka na daw kasi. Baka naaapektuhan na ang 'di mo pagtangkad. Hahaha."

Naglakad na kami papuntang gate. Kapit parin ako sa kanya. Kung di ako magche-chef, isa rin sa pangarap ko ay maging artista. Best actress para sa wine. May narinig kaming footsteps sa likod nung huminto kami at..

"You're sweet when you need something, huh? Paanong hindi ko naranasan yan?"

In His KitchenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon