Capítulo 35: Delica(t)des (part 2)

41 2 1
                                    

"I won't jump into conclusions, Azeeyah." Napahinto ako sa pag-dampi ng bulak sa daliri niya at tiningnan siya. Ni hindi man lang nakurap kahit alcohol ang nilagay ko. Masakit kaya yun. "I'm waiting for your explanation. Nakakaproud ako diba? This time, I won't misunderstand you. I just want to hear your side. Tell me even the littlest of thing that happened to you yesterday. I won't get mad. I promise." Maamo ang mga mata niya. Tapos eto ako, naghe-hesitate pa ring tingnan siya.

"Wala namang kakaibang nangyari. Nawala ko phone ko kaya di naka-tawag. Sorry about dun. Pabayaan mo na. For sure naman panalo kayo, diba?"

Binawi niya nang may may pagtatampong mukha ang kamay niya sakin. "Did you really think that I'll compete without you? Hindi mo man lang ba ako tatanungin kung anong nangyari sa mga oras na wala ka sa venue? Hindi mo man lang ba tatanungin kung okay lang ako? Kung tumuloy ba ako? Kasi Azeeyah, I'm-"

"Eight, naluluto na yata yung ginagawa ko. Check ko muna." Exhausted. Alam kong exhausted ka na. Ayoko talagang ibring-up yung nangyari sakin kahapon. Kasi kung oo, marami na siyang tatanungin. Tapos baka di ko mapigilan ang sariling kong sabihin yung nalaman ni Maddie. Na nanay niya yung may pakana nun although wala namang kasiguraduhan sakin yun. Di kasi ako talaga matatahimik pag may gusto akong tanungin na bagay na di ko naman alam at nakakapagpagulo sakin. At isa pa, nanay niya yun. Ano na lang iisipin niya sakin? Na gawa-gawa ako? Na sinisira ko pa lalo ang sira na nilang relasyon?

Bigyan mo pa ako ng oras para mapag-isipan kung pano ko ieexplain. Para walang misunderstandings. Walang samaan ng loob. Sa ngayon, let me say sorry first.

Tumayo ako at inayos ang nakatabing na buhok sa mukha ko. "Azeeyah, I'm still talking to you." Bakas na bakas na sa boses niya ang kaseryosohan. Di na ako lumingon at dumiretso na sa kusina. Palusot lang naman yung sinabi ko. Kasasalang ko lang kaya yun sa oven.

Sumunod siya sakin. Siya na rin ang nagband-aid sa sarili kahit di na tama yung nilalagyan niya. "Eight, alam mo ba yung sinabi ni Audrey Hepburn about sa souffle?"

"Do you really want to divert what we've been talking about minutes ago?" Ipinatong niya ang kaliwang kamay sa counter. Bumibilis nanaman ang pagtaas-baba ng dibdib niya.

"Sabi niya, the souffle doesn't wait. We, the guest, wait. According sa karamihan, mahirap daw gawin ang souffle. Kailangan ng patience, kung hindi, masasayang lang yung paghihintay mo. Tingin mo, tama sila? Na palaging dapat nasa timing ang lahat?"

"Do you really wanna know my answer?" Bumuntong hininga siya. Parang tanda ng pagsuko niya dahil sa pag-open ko ng panibagong topic na wala namang connect kanina. "That's stupidity. Kung maghihintay ka lang nang maghihintay, baka ibang tao na ang makinabang."

"Pano mo namang nasabing ibang tao ang makikinabang? Eh maghihintay ka lang naman ng saglit. Di ka naman aalis. Tsaka, masisira nga yung souffle kung mamadaliin mo. Di na yun magiging masarap."

"Seriously? Are we still talking about the souffle here, Azeeyah? O baka iba na ha?" Palapit na siya nang palapit. Parang kanina lang ay nasa magkabilaang banda kami ng counter. Ako yata ang dina-divert niya para di ko mamalayang lumalapit na siya. "Azeeyah, eto na nga oh. Nagtatanong ako sayo kung anong nangyari kahapon. Ayaw kong isipin na baka in-ditch mo ako para mapahiya ako o asarin ako. Ayaw kong mag-isip ng mga bagay na makakasira sa relasyon nating maayos-ayos na." With matching gestures pa ng kamay niyang pagkakasabi.

Kinakabahan na ako. Ilang hakbang na lang ay nasa harap ko na siya. Nag-iwas ako ng tingin ang nagmadaling tinanggal ang oven mitt sa kamay ko.

"Eight, alam mo na siguro kung paano tapusin tong souffle no? Uuwi na ako. May lifegroup pa kasi akong aattendan mamaya eh. Ha?" Sa totoo lang, sa Thursday pa Lifegroup namin. White lies lang naman ang sinabi ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 16, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

In His KitchenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon